Gresha
"Anong lugar ito?" agad kong tanong nang makarating kami sa pusod ng kagubatan.
Hindi ko kilala ang babaeng ito. Hindi ko rin alam ang kaya niyang gawin sa akin.
"We're here," nakangisi niyang pahayag at hinawi ang mga makakapal na baging na nakaharang.
Bumungad sa amin ang isang simpleng kubo sa gitna ng patag na bahagi ng gubat. Wala akong kasiguruhan sa aking kaligtasan ngayon, ngunit hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita. Napakaganda ng paligid. May lawa sa di-kalayuan. Iba't ibang bulaklak ang nakapalibot sa lugar na masayang pinaglalaruan ng mga paru-paro at bubuyog. Napakaprekso ng hangin na tila ba tinatangay lahat ng agam agam ko.
"Amazing, isn't it? Welcome to my place." Hinila niya ako at ilang sandali lang ay nakapasok na kami sa kubo.
Tulad ng nasa labas, simple rin lang sa loob. Ngunit mahahalata na iniingatan at pinapahalagahan niya ang bawat sulok nito.
"Again. Where are we? Who are you? And what do you want from me?" asik ko sa kanya.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na tila ba sinasabi niyang susuko na siya.
"Fine. I'm Cassiopeia. You can call me Cass. We are at my top secret hidden place. And I just want to meet you, that's all," nakangiti niyang sagot ngunit tinignan ko siya ng may pagdududa.
"I know you won't believe me, but it doesn't matter. You are stuck with me and you can't escape from here."
"Kung gusto mo lang akong makita, bakit dinala mo pa ako rito?"
Napailing siya.
"You are new here. You don't know how things flow in here. And if there is someone who can help you, that would be me, I swear."
"At bakit mo ako gustong tulungan?"
"Because you need it. Interview is over. See you later."
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang makitang papalabas siya ng pinto.
"We're not in a castle where servants do the job for us. I'm gonna get something for supper. And feel free in your stay, make this your place."
At sa isang iglap ay naglaho siya sa aking paningin. Naiwan akong nakatunganga.
Cassiopeia.
Sino ba talaga siya at ano ang kailangan niya sa akin? At bakit hindi ako kinakabahan sa kabila ng katotohanang dinakip niya ako at dinala sa lugar na hindi ko alam kung saan.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Karamihan sa gamit ay gawa sa kahoy. May iilang naakasabit na metal na mga sandata na sa aking palagay ay ginagamit sa pangangaso.
Ano ang ibig niyang sabihing tutulungan niya ako? Para saan?
Nilapitan ko ang isang litrato na nakasabit at kinuha ito.
Isang litrato ng masayang pamilya. Dalawang bata kasama ang kanilang magulang.
"That was us." Napatalon ako nang magsalita si Cassiopeia sa aking likuran.
Nang mapatingin ako sa kanya ay may dala na siyang iba't ibang gulay at isang patay na baboy ramo.
Napatango lang ako at ibinalik ang litrato.
"We have a perfect family as they say. Yet everything changed. One tragic moment and everything collapsed."
Napuno ng kalungkutan ang kanyang mukha.
"I'm sorry," pagpapaumanhin ko sa pagpapaalala sa kanya.
"It's fine," nakangiti niyang sagot, at inilagay sa mesa ang kanyang dala.
"This place is a home of evils. Everyone is greedy and hungry. Be it of power, wealth, and the list goes on. They will do anything to get what they want no matter what, no matter how cruel they get. And if you can't defend the people you love from them, you're useless," mahaba niyang pahayag.
Lumingon siya sa akin. "That is why you are here. I want to help you protect yourself from evil for the people you care for."
Napakagat-labi ako. She's serious. At kahit naguguluhan ako ay napatango na lang ako ng bahagya.
"And you know what? Red Blood Moon is near. It's better that you are far from Caldrix. You might die because he is an impulsive jerk who isn't good on controlling his self especially when it comes to you. To mention, he already aggresively sealed your bond without weighing the consequences after. He is a total dolt. Just thinking about it, maybe he is already turning fits in the whole kingdom because of your absence."
I comprehend what she just said.
Alam ko ang tungkol sa Red Blood Moon. Isa itong phase na magiging mas agresibo ang mga bampira, at kasama roon ang paka-agresibo sa pakikipagtalik sa kabiyak. Ginigising nito ang kanilang animalistic instinct.
Ang tungkol naman sa seal na sinasabi niya, naalala ko itong binibigkas ni Caldrix bago niya ako kagatin sa leeg at mawalan ng malay.
"Magkakilala ba kayo ni Caldrix?" nakataas-kilay na tanong sa kanya. Sino siya sa buhay ni Caldrix?
"A sort of. But we hate each other with greatest intensity." Napatango ako ngunit hindi ako kumbinsido.
Damn.
"Red Blood Moon. Ibig sabihin ay nalalapit na ang pagpipili ng bagong reyna," natataranta kong sabi ng maalala ko ang tungkol dito.
Nginisihan niya ako.
"Don't worry about it. I will handle that matter. Rest assured." Nginitian niya ako.
Isang makahulugang ngiti na nagsasabing naiiba siya.
"Who exactly are you, Cassiopeia?"
"I told you already, I am not who you think I am. So pack yourself up, you will immediately start your training tonight."
'Training?"
"Exactly. I am certain that you will love it," she said it with full of sarcasm.
Napabuntong hininga na lang ako. May magagawa pa ba ako?
"Before I forgot, you have to wear this." May kinuha siya drawer at agad na lunapit sa akin.
Naramdaman ko na lang na may malamig na meta na dumampi sa aking dibdib.
Isang kuwintas. Napasinghap ako ng mapagtantong halos pareho ito ng kuwentas na iniiwan ni mommy.
"That's the King's seal. It resists your connection with Caldrix. But since he sealed you already, it's not as strong like the first one. Familiar with it?"
"Paano ka nagkaroon nito? Ano ang alam mo sa pagkatao ko?"
Ngumisi siya.
"I designed the King's Seal, Gresha."
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...