Nakangisi nyang tanong habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Dahil dun, mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko. Puta Jun bakit ganyan ka?! Magsasalita na sana ako pero parehas kami napatingin kay Mama ng marinig namin sya magsalita.

"Mamaya na kayo mag-usap. Tara, kumain na tayo! Masarap tong niluto ko."

Nakangiting sabi ni Mama at di ko alam bakit naeexcite sya dito kay Jun. Napatingin naman ako kay Papa na seryoso lang nakatingin sa amin ni Jun. Sa mga oras na yun di ko maiwasan kabahan. Puta.

•·················•·················•

LEA.

Humigop ako sa iced coffee na binili ko habang hinihintay ko reply ni Jeonghan. Inaya ko sya magkape dito pero di ko sinabi na libre ko. Tag hirap ako ngayon at kailangan kong mag-ipon. Gusto ko lang sya tanungin kung ano na nangyayari sa kanya at bakit di nya kami pinapansin ni Yuna. Well, mostly si Yuna ang di nya masyado pinapansin. Napabuntong hininga nalang ako.

Maya-maya tumunog na cellphone ko at nakita kong nagreply na si Jeonghan. Napangiti ako pero agad rin napawi ng mabasa ko ang reply nya na di sya makakapunta at busy kuno. Busy saan, aber?!

Padabog kong ibinaba tong iced coffee na iniinom ko. Napahinga ako ng malalim at magtatatype na sana ng reply ng biglang mapunta tong atensyon ko sa may counter. Nanlaki mata ko at halos mabitawan ko cellphone ko ng makita ko si Woozi! Nagtaka naman ako ng maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hoy, akala ko ba wala na?! Jusko, ang rupok ko!

Pero di ko napansin na may kasama pala syang babae. Pinagmasdan ko yung babae at mula sa pwesto ko ay napakaganda nyang tignan. Ah, mga tipo ni Woozi. Bigla naman napatingin sa direksyon ko si Woozi kaya agad ako napaiwas ng tingin.

Great. Ang ganda-ganda na ng mood ko dito tapos magpapakita pa yung lalaking yun. Di ko naman maiwasan mainis sa sarili ko. Para akong jowa na hiniwalayan kahit hindi naman naging kami. Pero di ko rin maiwasan maguilty ng maalala ko yung huling pag-uusap namin. Alam ko sa sarili ko na napaka-selfish kong tao. I should be apologizing to him instead of acting like this.

Hay nako ka talaga, Lea...

Natauhan ako ng marinig ko boses nila Woozi. Napalingon ako at nakitang naupo sila dun sa may bakante na pwesto na medyo malapit lang sa akin. Nagulat ako ng magtama ang mata namin ni Woozi. Kaagad ako umiwas ng tingin at humigop nalang sa iced coffee ko na paubos na pala.

Naisipan kong maglakad-lakad nalang kaya naman kinuha ko na gamit ko at naglakad na palabas nung cafe habang pinipigilan kong wag lumingon kila Woozi. Ng makalabas ako ng cafe ay bumungad sa akin ang napakapresko na simoy ng hangin. Hihigop na sana ako sa iced coffee pero di ko namalayan na ubos na pala. Napahinga nalang ako ng malalim at tinapon na iyon sa basurahan. Pagtapos ay nagsimula na akong maglakad.

Wala naman akong balak magpunta sa kung saan-saan. Gusto ko lang maglakad ng maglakad.

Habang naglalakad ako ay bigla ko nanaman naalala sila Woozi at yung babaeng kasama nya. Ang saya nila tignan kanina. Parehas pang nakangiti. Siguro nagugustuhan nila ang isa't isa. Bagay rin naman sila. Gwapo si Woozi at maganda yung babae kung sino man yun. Aish. Ano ba tong naiisip ko?

Napailing-iling ako at maya-maya ay may bigla nalang bumangga sa aking balikat. Nahulog yung sling bag na nakasabit sa aking balikat at nagsilabasan mga gamit kong nasa loob. Napatingin ako sa bumangga sa akin na dire-diretso lang naglakad palayo ng hindi man lang nag-sorry sa akin. Aish.

Napabuntong hininga nalang ako at pinulot isa-isa yung mga gamit kong nakakalat. Nakita ko yung paborito kong necklace na nasa may gitna kaya agad ako lumapit dun upang pulutin iyon. Pero nagitla nalang ako ng makarinig ako ng isang malakas na busina.

Bago pa ako makapagreact ay naramdaman kong may humawak sa aking braso at hinatak ako palayo. At dun ko lang napagtanto na may kotseng paparating ng hindi ko namalayan. Huminto yung kotse at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"May balak ka bang magpakamatay, ha?!"

Dahan-dahan ako napatingala at mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko ng makita ko si Woozi na syang humatak sa akin. Kung hindi man dumating si Woozi, nasagasaan na ako ng kotse. Di ako makapagsalita at nakatingin lamang ng diretso sa mga mata nya. Maya-maya ay bumaba yung driver ng sasakyan at lumapit sa amin dalawa.

"Iha, ok ka lang ba?"

Tanong nung matanda sa akin. Napatingin naman ako sa paligid at ngayon ko lang napansin na ang daming nakatingin sa amin ngayon. Di ko tuloy maiwasan mailang. Napayuko ako at magsasalita na sana ng unahan ako ni Woozi.

"Ok naman po sya. Di naman po nasugatan o ano."

"Mabuti naman. Sa susunod iha, wag kang tatayo dyan sa gitna ng kalsada."

Paalala nung matanda sa akin. Ng makaalis na yung matanda ay narinig ko ang malalim na paghinga ni Woozi.

"Ok ka lang ba, Lea?"

Tanong ni Woozi sa akin. Dahan-dahan ako napatingala hanggang sa magtama ang aming mata. Napalunok ako bago magsalita.

"B-bakit ka nandito?"

Nauutal kong tanong sa kanya. Paano nya nalaman na andito ako?

"Paano mo–"

"Sinundan kita, Lea."

Pagpuputol nya na ikinagulat ko. Dahil dun, mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko.

"B-bakit? P-pano yung girlfriend–"

"Ano? Di ko sya girlfriend."

Natatawang sabi ni Woozi at napakunot naman tong noo ko. Ano?

"She's just a friend of mine. Sinamahan ko lang sya hintayin yung boyfriend nya."

Paliwanag ni Woozi at napamura naman ako sa aking sarili dahil nag-isip ako ng kung ano-ano sa kanilang dalawa. Pero muli akong napatingin sa kanya ng mapagtanto ko yung sinabi nya kanina.

"Teka, bakit mo ako sinundan dito?"

"Gusto kita makausap, Lea."

Nagulat naman ako ng biglang humakbang papalapit sa akin si Woozi kaya agad ako umatras. Jusko, masyado akong marupok.

"T-tungkol saan?"

"Let's talk while we eat. Tara, nagugutom na ako."

"Teka–"

Di ko na natapos sasabihin ko ng hawakan ni Woozi tong kamay ko at hinatak na ako paalis. Napatingin ako sa kamay namin dalawa at naalala ko yung araw na nanood kami ng sine kung saan hinawakan nya rin kamay ko. Dahil dun, di ko na napigilang mapangiti.

Alam mo naman na marupok ako pagdating sayo, Woozi.

FANGIRL. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon