Obsession 20

23.5K 959 85
                                    

Gresha

Vampyria, a place I've never imagined to be existing.

Tirahan ng mga iba't ibang nilalang na akala ng karamihan ay pawang likha lang ng malilikut at malikhaing isipan ng tao.

Tatlong araw na simula ng mapadpad ako rito dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Gusto kong umuwi sa mundo ng mortal, sa normal na mundo na aking kinagisnan. Hindi ako nabibilang dito. Ngunit tinigil ko na ang paghangad na makalabas pa rito dahil wala itong patutunguhan. Ito na talaga ang daloy ng aking tadhana.

Kahapon ay unti-unti kong tinanggap ang aking kapalaran. Hindi dahil sa gusto ko, ngunit dahil wala akong kakayahan, o mas tamang sabihing wala akong karapatan na pigilan ito.

Hindi ko na kilala ang aking sarili, parang may sarili na itong mekanismo. Hindi na ako ang nagmamay-ari ng aking mga kilos. Parang kontrolado na ito ng aking kakaibang nararamdam na bigla ko lang naramdam, simula ng mawala ang kuwentas na tanging alaala ng aking ina.

Vampyria is ruled by blood, power, wealth, and class. Whoever is the proclaimed King has the highest authority over the land. His Queen, the Council, and the Elders are always on his side to aid his rule and governance. Together, they keep the balance of keeping the fate of Vampyria and all the creatures in it.

Muli akong lumipat sa sunod na pahina. Kahapon pa ako nagsimulang magbasa sa library tungkol sa lugar na wala akong kaalam-alam, Vampyria. Si Tita Veron ang nagdala sa akin dito. Mas madaling mamuhay kung alam ko ang lugar na aking ginagalawan.

When she said that I'm in a castle, she wasn't joking. This place is too huge, old, and mysterious. Kahit ang kanilang library ay ilang beses pang mas malaki sa library ng aming unibersidad.

Napapikit ako. I missed the university, my apartment, the Antique Shop, even Cathy, everything. Ngunit ito na ang bagong buhay ko.

Bumukas ang malaking pintuan ng library at pumasok ang isang babae na kahapon pa laging nakabuntot sa akin. Inilapag niya sa harapan ko ang pagkain na kanyang dala.

Ngayon ko lang napansin na sobrang kakaiba ang kanyang hitsura.

She has slender body with tan skin. Her black straight hair is cut just the level of her shoulder. I got a feeling that she loves her hair to grow as long as it can, but she's not allowed to. There are some twirling markings on her skin, especially on her arms, neck, and who knows even beneath her clothes.

Anyway, she's not intimidating at all.

"Hindi naman ako nagpahatid ng pagkain." Ito ang unang beses na kausapin ko siya.

"King Caldrix did the commanding."

"But you can refuse him."

Tumawa siya ng bahagya.

"Are you prick? Then what? I will have my hair cut even shorter than it is now, or maybe, it'll be my head this time? No thanks."

Bigla akong napaismid sa kanyang pahayag. "Is he bad? King Caldrix?"

Napataas ang kilay niya sa aking tanong. "You mean how twisted, psychotic, and egotistic he is? He is hell personified. He thinks killing is a fun time. He'll even punish someone who talks while he's saying something. He is everyone's nightmare." She rolled her eyes.

Dahil sa sinabi niya ay biglang akong nakaramdam ng bigat sa aking sarili. I'm not expecting that one. Well, Sir Caldrix is, what should I say? Smooth? Caring? I don't know.

I don't know him yet.

Napalingun kami sa pintuan nang biglang bumukas ito ng marahas.

"Makakarating kay Haring Caldrix ang iyong pahayag."

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon