Dedikasyon

318 5 0
                                    

Kay Myrelle, Q. Calle at mga kaibigan ko na nakinig sa bawat pagkakataong nagsisimula na akong ngumawa sa kung anu-anong mga bagay—lalo na sa kung ano'ng gusto kong sabihin tungkol sa mga kuwentong isinusulat ko. Sa bawat ideya na sila mismo ang una kong napagsasabihan. At sa bawat katha na sila ang unang nakabasa, maraming salamat!

...

Sisimulan ko ito sa pamamagitan nang pag-amin na hindi ko talaga alam kung paano magsulat ng tula. Iyon ang alam ko. Ngunit heto't hindi ko inaasahan na dahil sa isang simpleng pagtitiwala sa sarili na kahit wala mang kasiguraduhan ang isang bagay, dahil gusto mo iyong gawin ay wala talagang makakapigil sa'yo, nagawa ko ang isang bagay na hindi ko inakalang magagawa ko pala. Ganoon siguro ang pagmamahal ko sa pagsusulat. Kahit na ano man ang mangyari; Kahit na minsan ay nawawalan ako ng tiwala sa sarili, hindi ko pa rin ito mabitiwan. Nabuo ang mga piyesang ito nang hindi inaasahan. Ang pangyayaring iyon ay paulit-ulit kong ipagpapasalamat.

....

At sa naging paksa ng mga tulang aking isinulat, hindi mo man ito magawang mabasa, ayos lang. Lumipas na rin naman ang mga buwan at kahit na tuluyan na kitang nakalimutan, mananatili ang mga piyesa na isinulat ko para sa iyo.

─ Elle

Hinagpis sa Bawat Taludturan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon