Kill that Thought
Maraming pagkakataon na sumubok siyang kausapin ako sa mga nagdaang araw. Mas marami nga lang ang mga oras na umiiwas ako. At sa tuwing umiiwas ako, alam kong ramdam niya yun.
Dumami ang mga customers pagkaraan ng ilang linggo. Isang dahilan para maging abala at hindi pansinin ang mga madalasang pagtangka niyang lapitan o kausapin ako.
Inalala ko ang mga bagay na pwedeng maglayo sa akin sa sariling nararamdaman para mapigil yun.
Pagkatapos ng lahat, nandito siya para guluhin ang nanahimik kong buhay. Sa mga pinupukol niyang tingin sa akin, biglang nag-iiba ang pananaw ko sa buhay. Hanep, ah.
I know this kind of attraction. Though I live, never allowing this in my whole life... I am still aware of this thing.
But in real love? I refuse to believe. My parent's kind of love was vague and blurry. The only clear memory I have of their romance is that. Just indefinite and hazy. I remember them both taking care of each other when still alive. But never did I see something.. magical.
I have no concrete love figure so I couldn't really identify if it's a mere infatuation.. or an attraction. But to prevent whatever it is, better avoid it.
Madalang na nga lang ako makisalamuha sa mga taong malalapit sa akin, paano pa kaya sa mga bagong kakilala lang. If they won't get in touch with me.. then establishing a relationship isn't possible.
What I fear here is his every move showing he wants to connect.
Kaya ang tinde ng pag-iwas ko.. sa lahat ng oras, sa bawat sandali.
Katatapos lang ng duty namin. Naayos ko na ang mga gamit sa locker, nakapag palit na rin, at pauwi na.
"Anong sinasakyan mo pauwi?" tanong ni Tere habang hinuhubad ang uniporme.
"Nag tataxi ako.."
Sinuot niya ang jeans at t-shirt pagkatapos hubarin ang uniporme. Tere and I have many commons in terms of clothing and personality. She is as silent as I am. Nga lang, mas barumbado siyang tignan.
"Diba delikado na pag ganitong oras? Baka mamaya ma-holdap ka niyan.." believe me, she said it as calm as the looming sea kahit na tunog babala yun.
"Huwag naman.."
"Eh ngayon, mag tataxi ka?" sa oras na ito, inaayos niya ang liston ng sapatos na kulay itim.
"Oo."
"Edi ihatid ka na lang namin ng boyfriend ko!" she suggested.
Lumabas kami ng locker room. Dinaanan pa namin ang iilan sa mga kasamahan at trabahante ng bar. The place was empty, halos wala ng customers. Kung mayron man, yung mga sobrang nalasing lang at hindi na makatayo pa. Kaya mayron talagang in-assign si Ms. Rose para sa kanila. Help them go home or get a taxi for them.
"Huwag na. Okay na ako. Isa pa.. sa kabila ang daan niyo."
Tumangi ako kahit na maganda ang alok niya. Naisip ko kasi baka makaabala ako sa kanila.
Nang makarating kami sa labas, may naka park mismo sa harap na auto. Umilaw yun, hudyat na may tao sa loob, pero lumabas din. Isang lalake na naka polo shirt, na ang buttones ay hanggang leeg, itim na pants, naka formal shoes at mayrong malinis na gupit. Nerd. Yun agad ang pumasok sa isipan ko.
"Sigurado kang hindi magpahatid? Kasi okay lang naman.."
Mariin akong tumango. "Salamat na lang."
Lumapit sa amin ang sa tingin ko'y boyfriend niya. Nakangiti. He has an angelic face that says how good a boy he is. Very opposite to Tere's look. Bad girl.
YOU ARE READING
The Living Dead (Tragic Story #2)
General FictionZarina Ferrero considers herself a living dead, after all the tragedies she had been through. She is cold. Doesn't care about anything.. but to only live despite the darkness of her past. Living dead: people who mentally and emotionally killed them...