Chapter 2

87 48 2
                                    

Hi! Sa storyang ito ay mas malalaman po natin ang buhay ni Iara na kilala natin bilang depressed at suicidal. Although, syempre sarili itong storya ni Zarina, pero dito natin bibigyan ng linaw ang storya ni Iara. Pasenya na at maski ako ay naguluhan. Lol. Kaya naman para magbigay linaw, madalas kong mababangit si Iara at si Achile rito.

Marami nga palang salamat sa lahat ng readers na binabasa ang weirdong storyang ito. Makita ko lang na may "68" readers ako dito, naii-inspire na akong ipagpatuloy ito.

Please leave a comment.

Thanks po!

--------------------


Jerk






Tulala ako habang hawak ang pamunas, iniisip pa rin ang nangyari kagabi, hindi ko namalayang natigil ako sa pagpupunas ng bintana at parang estatwang hindi gumagalaw.

Nag aalala ako sa mga pwedeng mangyari dahil sa nagawa ko kagabi. Those malditas even witnessed it. But thinking they really did is bearable. The thing that's bothering me is the way how Hendard looked deadly serious after giving him a punch in the face.

Am I going to be fired? Nag hihintay ako ng tawag mula kay Ms. Rose tungkol sa nangyari pero wala. Hinihintay kong itanong iyun ni Tonett sa akin kaninang hapunan pero wala. At hanggang ngayon, wala talagang nagtanong. Kaya naman inisip kong baka hindi na nakarating iyun sa iba.

But I'd rather be reprimanded by Ms. Rose or Tonett than have a hell of nights with him. Iniisip ko pa lang na gaganti siya o guguluhin niya pang lalo ang bawat gabi ko, parang ayaw ko ng pumasok sa trabaho. I sound judgemental but I can't blame myself. Wala pa nga akong ginagawa sa kanya na masama o kung ano, pero nang iinis na at pinapahamak ako, ano pa kaya ngayon na sinapak ko siya?

Halos kinikinita ko na ang magiging lagay ko sa mga susunod na gabi.

"Hoy! Naku, huwag mong sabihing naengkanto kang muli at nagmumukha ka na namang elemento dyan." si Tonett ng mapansin ang lagay ko.

"May iniisip lang Tonett."

Kumunot ang noo niya at nilagay ang mga kamay sa baywang. The usual expression you'll see every time she is curious.

"Ano naman kaya ang iniisip mo aber?"

"Wala Tonett."

Kinulit niya ako ng kinulit na sabihin at magkuwento raw. Na sabihin ko ang nasa isipan. I know she won't stop it so I made up stories to cover what's really bothering me.

"Nawalan kasi ako ng pera, kaya.." pagsisunungaling ko.

"Hala ka! Kailan, saan at ilan?"

"Kagabi sa Bar. Isang libo Tonett."

Muli kong pinunasan ang bintana bago nagpasyang tumuwid sa pagtayo at pumunta sa kusina para tignan kung may hugasin ba roon.

"Wala bang nakahanap? O kung may nakahanap man, wala bang nagbalik sayo? Mayayaman ang nagpupupunta sa lugar na iyun ah. Kaya siguradong hindi sila magkaka interesado sa isang libo. Eh ang mga kasamahan mo, tinanong mo ba? Baka may nakahanap sa kanila at tinago na lang. Sayang naman yun.."

Sumunod si Tonett sa akin sa kusina habang nag iisip kung may pag-asa bang mabawi o mahanap ko ang kunwari ay nawalang pera.

"Okay lang naman yun." Sabi ko para sana matigil na siya sa pag iisip nun. Pero mukhang mas lumalim ang iniisip niya dahil dun.

"Isang libo rin yun, uy! Pang breakfast, lunch, dinner, at double snacks yun. Pwede kang bumili ng bago mong gamit sa halagang yun. Atsaka mahirap ang makakuha ng ganun."

The Living Dead (Tragic Story #2)Where stories live. Discover now