YUNA.
Nakatuon lamang tong atensyon ko sa labas ng bintana, habang nakatitig sa kawalan. Di ako makafocus sa klase lalo na naalala ko yung pagyakap sa akin ni Jun kagabi.
"Miss na kita, Stephany..."
Di ko na tuloy maiwasan macurious kung sino yung Stephany na binanggit nya. Di kaya girlfriend nya? Kaibigan? O baka ex nya na mahal nya pa rin hanggang ngayon? Aish. Nakakalito na. Alam kong wala naman akong karapatan na alamin kung sino sya. But the way he hugged me last night and him thinking that I was that Stephany somehow bothers me. Di ko rin alam kung bakit. Baka dala lang nung alak na ininom nya kaya bigla syang nag-ilusyon na ako si Stephany kagabi. Pero bakit ganun? Nabobother talaga ako.
Natauhan at nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pagtunog ng bell na umalingawngaw sa paligid, senyales na lunch time na. Lumabas na teacher namin at bigla naman lumapit sa akin si Jeonghan.
"Yuna?"
"B-bakit?"
Tanong ko at napatingala sa kanya.
"Napansin ko na nakatulala ka kanina habang nagdidiscuss si ma'am. Ok ka lang ba?"
Nag-aalala nyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako ng bahagya sa kanya.
"Oo naman..."
"Hmm, ok. Tara na kumain na tayo, nauna na si Lea."
Sabi nya at tumango nalang ako. Kinuha ko na gamit ko at sabay na kami naglakad palabas ng room. Ng makalabas na kami ng room ay may bigla akong naalala.
"Ay, mauna ka na pala. May ipapasa lang ako."
"Samahan na kita."
Sabi naman ni Jeonghan at umiling kaagad ako.
"Wag na at tsaka mabilis lang naman ako."
Sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Kaagad ako tumakbo papunta sa faculty. Sa sobrang tulala ko kanina nakalimutan ko ng ipasa yung project namin. Ng makarating na ako sa faculty ay kinuha ko na muna yung project sa aking bag bago kumatok. Huminga muna ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses sa pinto. Pagtapos ay hahawakan ko na sana yung knob pero napansin kong may biglang nagpihit nito. Di ko namalayan ang pagbukas ng pinto at kaagad ako umatras. Pero bigla nalang ako nagkamali ng tapak.
"Ack!"
I squealed. Nawalan ako ng balanse at bigla naman ako hinawakan sa aking braso. Napatingala ako sa humawak sa akin at nagulat ng makita si Jun iyon na nakatitig sa akin. Hinawakan nya ang aking braso at inilapit ako sa kanya upang di mahulog. At ng magdikit ang aming katawan ay naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Pero ngayon, parang may kakaiba na sa tibok nitong puso ko.
Di ako makapagsalita dahil sa gulat at nanatiling nakatingin sa mga mata ni Jun at ganun rin sya. Bigla ko nalang naalala yung pagyakap nya sa akin kagabi na mas lalong ikinatibok nitong puso ko. Di ko alam baki ganto nararamdaman ko sa kanya. Di ko na alam nangyayari sa akin. Bakit ba ako nagkakaganto kay Jun??
"Yuna?"
Natauhan ako ng marinig kong may tumawag sa akin. Kaagad ako napalayo kay Jun at pagharap namin sa gilid ay nakita namin si Jeonghan na seryosong nakatingin sa amin. Muli akong napatingin kay Jun na napatingin rin sa akin. Kaagad ako nagsorry sa kanya at pumasok na sa loob ng faculty upang maipasa tong project ko.
At di ko alam bakit hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.
•·················•·················•
Habang sabay-sabay kami naglalakad sa hallway ay naaalala ko pa rin yung nangyari kanina. Kung pano ako saluhin ni Jun at kung pano nya ako tignan. I don't know why I suddenly feel tingly on the inside. Di ko alam kung dahil ba to sa kinain kong kaninang lunch o ng dahil kay Jun. Aish.
"Hey, ok ka lang?"
Natauhan ako ng magsalita si Lea. Kaagad ako napatingala at nakitang nakatingin na pala sila ni Jeonghan sa akin.
"Kanina ka pa tahimik dyan. May nangyari ba?"
Dagdag ni Lea at hinawakan tong balikat ko. Napayuko naman ako at dahan-dahan umiling. Di ko rin alam bakit ang tahimik ko ngayon.
"O-ok lang ako.."
"Teka, bakit namumula yang pisngi mo?"
Biglang tanong ni Lea at naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan nya ang aking noo at leeg. Pagtapos ay muli syang nagsalita.
"Di naman mainit pakiramdam mo. Sure ka na ok ka lang?"
Tanong ni Lea at di ko naman alam ang isasagot ko. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at seryoso lang nakatingin sa akin si Jeonghan. Di ako makapagsalita. Di ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganto. Pero, panigurado ako ng dahil kay Jun kung bakit ako nagkakaganto. Weird...
•·················•·················•
JUN.
"Dude, bakit ka naman nakahiga sa sahig? Di ka ba naaawa sa damit mo?"
Bungad ni Woozi ng makapasok sya sa loob ng dance practice room. Di ko naman sya kinibo at nanatili lang akong nakatitig sa kisame habang inaalala yung mga nangyari kanina. Nagpunta ako sa faculty dahil pinatawag ako ng teacher ko dun. At di ko akalain na makikita ko ulit si Yuna. Come to think of it, ilang beses ko na syang nakikita at nakakasalubong. It's like, destiny is trying to play with us. Wait, what??
Napahinga ako ng malalim at ipinatong ang aking braso sa aking noo. Maya-maya narinig ko nanaman nagsalita si Woozi.
"Iniisip mo nanaman ba yung panaginip mo? Come on, it was just a dream. Hindi mo talaga sya niyakap. Sure it felt real, but some dreams are also like that. Mukhang totoo. Pero let's face it, hindi totoo iyon."
"No.."
I unconciously said as I slowly blinked my eyes. I heard him chuckling.
"Anong 'no' ?? Jun, umayos ka n–"
"Hindi iyon panaginip. Niyakap ko talaga sya. But then I realized, it wasn't Stephany that I hugged that night..."
Sabi ko at wala na akong narinig mula kay Woozi. Mukhang nagtaka sya sa sinabi ko. Kanina, nung saluhin ko si Yuna, I realized something. As I looked at her eyes, it seems familiar from what I saw in my dream. Although in my dream, it was Stephany that I was hugging. But it turns out, I was actually hugging Yuna. It wasn't a dream, I really did hugged Yuna.
I don't know why, but there's something about Yuna that makes me feel...this way...
BINABASA MO ANG
FANGIRL.
Random" your smile is all i ever need. " svt series #3 photo used for the cover is from tumblr. ctto.