XLII

602 39 9
                                    


Naguguluhan akong nakatingin sa kaniyang Diya na kasalukuyang nakatingin din sa akin. At parang naghihintay nga siya na batiin pabalik. Ano? May pa baby-baby na siya pagkatapos niya akong galitin kagabi? Sinong niloko niya?

"Good morning din baby." Bati ko sa kaniya na may kasama pang ngiti. Isang totoong ngiti.

"Okay, Franci. Someone's already completes my day."

Kaya napagtanto ko kung ano ang aking sinabi bago lang.

Huwaaat!??

Did I called her baby too!?

No!! Hindi naman yun ang dapat kong isagot eh! Dapat good morning lang, wala ng baby! Periodt. Pero nasabi ko na. Hindi ko na mababawi pa.

"Anyway, anong ginagawa niyong dalawa ng ganito kaaga?" Tanong niya, at kumuha ng baso para magtimpla din. Ng gatas. Seriously? Naggagatas siya!? Anyway, wala namang kape dito eh. So wala siyang choice.

"Storytelling of my favorite story of all, Diya."

"Alin doon?"

"Diana, the libag slayer."

"It's giant, baby. Not libag okay?"

"But it's still the same. Libag is another name for giant that doesn't take a bath."

That's what you get for having a daughter, you are arguing for the little version of yourself every morning. And about that story, hindi ko maipagkakaila na sobrang mahal mo talaga ang iyong asawa, Diana. And yes, kilala na kita dahil din sa kagabi.

Flashback

Hindi na niya ako pinatulan pa at pumasok nalang ito sa loob ng banyo. I wouldn't deny it to myself na I'm bit jealous to that girl kanina. As she kissed her on the cheek na malapit sa labi, parang gusto ko siyang sugurin at sabunutan. I don't know kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Plus, pa yung shirt niyang may stain ng lipstick. Maybe they already do the momol thing, and thinking about it parang lalong dumagdag ang galit ko. Na in the first place, wala naman akong rights.

I decided na tumabi na sa kambal at matulog para hindi ko na makita ang mukha niyang maganda na nakakabwisit. Pero anak naman ng manok at pagong, hindi ako makatulog dito. I turn sa isang side para makaramdam ng pagkakomportable pero bago pa tuluyan ay  bumukas na ang pinto sa banyo kaya bigla akong napapikit ng wala sa oras. At ang sobrang awkward ng pwesto ng katawan ko. Dahil ulo ko palang ang nakaikot sa isang side, wala pa ang buong katawan!

How can I manage this kind of position hanggang umaga!? Mas lalong hindi ako makatulog.

Nararamdaman kong papalapit siya dito sa kama. Wait, akala ko ba sa couch siya matutulog? No. Alam kong may space pa dito sa kama eh. Dahil king size ito. Kasya ang limang tao. Atsaka, maliit na space lang naman ang nao occupy ng dalawang bata. So ibig sabihin, dito siya matutulog? I mean, sa tabi ko talaga?

Unti-unti niyang inayos ang pwesto ko at, hindi ako magpapasalamat dahil galit pa rin ako sa kaniya. She's a cheater. At hindi marunong makuntento sa isa! At yan ang pinakaayaw ko sa isang tao-

"I'm just gonna pretend that you're my wife tonight." Biglang saad nito na siyang nagpatigil ng sirkulasyon ng dugo ko sa katawan. Char! Patay na ako nun.  But anong sinabi niya? She's going to pretend that I'm her wife!? May balak ba siyang gahasain ako ngayong gabi?

"Nice to meet you again, Franki Russell." Simula nito sa kunong pagpapanggap ko bilang asawa niya. Hey? Hindi ko alam yan ha? Tulog ako.
But, nice to meet you too. Din.

Hindi nga ako nagkamali na humiga ito sa aking tabi. Kinuha niya ang ulo ko- I mean, pinaunan niya ito sa kaniyang braso and how sweet is she for doing that diba? Pero galit pa rin ako sa kaniya. Hindi kase makuntento sa akin.

I don't know pero bigla ako naging komportable ngayon. Niyakap niya kase ako ng napakahigpit na parang wala ng bukas. Wala naman talaga dahil for tonight lang pagiging asawa ko. I'm just going to let be used, and feel abused later.

"I'm Diana Mackey. Ang asawa mo." Patuloy pa rin nito. Doon lang ako napatigil nang malaman ko na ang pangalan niya.

Diana?

"Did you remember that I told you a story of How Does The Star Fallen? Noong panahon na galit ka pa sa akin. And you were sick that time."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, and yes, naalala ko yun. Pero hindi lahat:

'I am a star, I am extraordinary, and I am powerful. I granted wishes but only one, as having only a one life. You know what the consequences of granting people's wishes? I make their wishes come true as an exchange of my one life. That's why I'm here every night, looking for someone's deserve my life.'

"Pinagkwento mo ako tungkol sa star noon. Kung paano sila nahuhulog sa kalangitan. You asked me How instead of Why. And nasagot  ko naman, because I used to be your star. I granted your one wish kahit hindi ko kaya. And doon ko naramdaman kung paano mahulog ang isang bituin. Sobrang sakit. Tiniis ko lang dahil mas mahal kita, Franki."

Napatulo na ang luha ko dahil dito. Ako ba talaga si Franki? Dahil tagos hanggang buto ang lahat ng kaniyang sinabi.


"If I can only be a star for my own self, walang pag-aalinlangan na tuparin ko ang aking isang hiling. Yun ay makapiling ka ulit. But you can't be a star for your own life, dahil sabi nila, may magtutupad daw yun para sayo. And I know who's that person is, but hindi pa niya ako kilala."

"Pero naniniwala naman ako sa tadhana na pagtagpuin kami ulit. Kahit hindi na kilala ang isa't isa."

Ang sakit naman neto. Pero mas doble pa yata sa nararamdaman niya ngayon. Don't worry, if you're talking about me na hindi kita kilala. Na ako nga talaga ang asawa mo, sayo parin ako babalik kapag masigurado ko na ang lahat. For now, isa lang ang sigurado ako, yun ay mahal na kita.

"Good night."

Pagtatapos na nito.
At hinalikan ako sa gilid ng aking noo.






"Mii, are you okay?" Pukaw sa akin ni Franci. Kaya agad ko naman pinahiran ang luha kong tumulo kanina na hindi ko naramdaman.


"Uh- yes." Agad kong sagot sa kaniya.


And hindi ko nahalata na nandito na rin pala si Diana sa aking harapan.

She cupped my face at pinahiran ulit ang mga luhang naiwan.


"Ito ang pinakaayaw kong tignan sa lahat, ang makita kang umiyak."

Our Endless Story Where stories live. Discover now