Author's Note: Saving Shonie's Panaginip Na Lang and Pag-Alis, attached. Pakinggan at support natin sila ah?
Nagsimula na magpa-picture si Heaven sa Saving Shonie, ilang minuto na lang kasi ang natitira at sasalang na sila sa event. All smiles si Greg at Heaven sa pictures, tuwang-tuwa si Greg dahil alam niya na napasaya na naman niya si Heaven.
"Thank you po, punta na po kami sa labas. I can't wait to hear you sing, Kuya Shonie!" sabi ni Heaven
"Uy salamat ha, sige. God bless you!" sagot ni Shonie
Pagkalabas nila Greg at Heaven ay kitang-kita na sobrang saya ng dalaga. Yung ngiti niya, kitang-kita sa kanyang mga mata. Para na namang heaven yung feeling kapag nakakapunta siya sa mga gig. Parang wala siyang problema sa buhay.
"Uy, baka naman pwedeng mainlove ka na sa akin dyan? Pangalawang banda na 'to, baka naman?!" biro ni Greg
"Loko ka ano? Kung anu-ano pa ang sinasabi mo dyan eh. Tara na nga, umupo na tayo." sabi ni Heaven sabay upo doon sa unahan, kung saan nakaupo din si Kio
"Ano? Ayos ba? Nakapag-papicture ka na sa crush mong si Shonie?" tanong ni Kio
"Oo, nakapag-papicture na ako. For sure mai-uupload ko na ito sa I-Face mamaya," sagot ni Heaven
Maya-maya pa ay may nagsalita na, ang emcee. Pagtingin ni Heaven, parang pamilyar ang mukha na iyon sa kanya. Inalala niya ang mukhang iyon! Tama, ang lalaking iyon ay ang inakala niyang si Greg noong kasama niya si Save dito sa 8th District.
Napansin naman ni Greg iyon kaya tinanong niya si Heaven kung may problema ba. Gulat na gulat kasi ang mukha nito, tila ba nakakita ng multo.
"Huy, ano ka ba? Bakit ka nakatingin ng ganyan kay Inigo?" tanong ni Greg
"Ah, wala naman. Kilala mo siya?" tanong ni Heaven
"Oo. Kaibigan ko iyan eh, bakit? Kilala mo din ba? Aba, small world ah," sabi ni Greg
"Ah, hindi. Baka kamukha lang nung kakilala ko, hayaan mo na." sabi ni Heaven
"Guys, thank you for coming to this event! Tonight, mapapakinggan natin ang Saving Shonie! Palakpakan naman dyan!" sigaw ni Inigo
Puro hiyaw at palakpak naman ang mga tao, lalo na si Heaven na panay ang kuha kay Nover o kilala sa pangalan na Shonie. Habang si Greg ay nakatingin naman sa kanya, tuwang-tuwa sa mga ngiti ng dalaga.
Pumanhik na sa stage ang bandang Saving Shonie, tahimik na ang lahat dahil magsisimula na silang tumugtog. Nandoon din sa pinaka-unahan na upuan ang asawa ni Shonie na si Kristel Rose.
"Thank you guys sa pagpunta. Syempre, nagpapasalamat din ako sa asawa ko dahil alam kong busy ka pero pumunta ka pa din dito. To start the night here is Videoke Queen by Rico Blanco."
Tuwang-tuwa si Heaven dahil ito ang unang kinanta ni Nover. Alam kasi ng lahat na kaboses ni Nover si Rico Blanco. Doon pa lang ay naghiyawan na ang mga tao.
Videoke Queen, Ako ba'y maaring mong mapansin (videoke, videoke)
Videoke Queen Ikaw ba'y maari kong maangkin (videoke) Videoke Queen
Ang hawak mo ay puso ko, hugis lang ng micropono
Wag mo akong bitawan ako ay iyong iyoVideoke Queen, Ako ba'y maaring mong mapansin (videoke, videoke)
Videoke Queen Ikaw ba'y maari kong maangkin (videoke) Videoke Queen
Ngayon ako ang aawit, sa nerbiyos na papapikit
Ito'y inaalay sayoNapatingin naman si Greg kay Heaven, dahil sobrang naka-karelate siya sa kanta. Alam na niya kasi sa sarili na hindi na niya ginagawa ito para sa pag-papanggap, kundi dahil gusto na niyang mapansin siya ni Heaven dahil may gusto na siya dito.
"Gusto ko pansinin mo na ako Heaven," sabi ni Greg
"Hala, ano ang sinasabi mo dyan ah? Lokong 'to ah, hindi ba kita pinapansin ah?" sagot naman ni Heaven
"Haynaku, hindi mo naman gets eh, kainis!" sabi ni Greg
Hindi na pinansin ni Heaven iyon dahil busy siya sa pakikinig sa bandang Saving Shonie. Hindi niya namalayan na tapos na pala ang kanta.
"For our next song, may tanong ako sa inyo. Hanggang panaginip na lang ba ang lahat? This is Panaginip Na Lang by Saving Shonie.
Tila'y isang alaala
Nawaglit satin ang tadhana
Wag lang mawalan ng pag-asa
Sa isip ko'y magkasamang muliSa panaginip nalang pala magsasaya Sa panaginip nalang pala ang lahat
Dahil sa kantang iyon ay nagising sa katotohanan si Greg. Totoo naman eh, hanggang panaginip na lang ba ang lahat? Hindi na ba niya sasabihin kay Heaven ang nararamdaman niyang kakaiba para sa dalaga?
"For our last song, this is Pag-Alis by Saving Shonie. Para sa mga nasaktan! Mabuhay kayo!
Gusto ko ng mapag-isa
Ayoko ng isipan pa
Binalewala mo lang ang aking Pagmamahal sayo sinta
Bigla nalang naglaho naMga pangako mo sa akin
Napa-isip si Heaven, dahil iyon ang nangyari sa kanila ni Save. Binalewala lang siya nito, hindi binigyang importansya ang pagmamahal niya. Kaya naguguluhan siya ngayon, bakit pa kailangang bumalik nito sa kanya?
"Relate ka ano? Kitang-kita sa mukha mo eh. Naglaho na lang siya, tapos ngayon babalik. Parang tanga lang eh," sabi ni Greg
"Doon ka nga, nakakainis naman 'to eh! Hindi mo ba nakikita? Moment ko na ito ngayon!" sabi ni Heaven
"Ay, naku! Sorry naman, hindi na nga kita papansinin." sagot ni Greg
Pagkatapos kumanta ng Saving Shonie ay nagpasalamat ulit sila sa mga pumunta. Ilang minuto pa ay nabalik na ang mikropono kay Inigo.
"Tara na, umuwi na tayo Greg." sabi ni Heaven
"Ha? Bakit naman? Hindi ka na ba makikipag-usap sa Saving Shonie? Akala ko ba--"hindi na natapos ni Greg ang kanyang sasabihin dahil hinila na siya palabas ni Heaven
"Hala, bakit mo naman ako hinila? Sayang, magpapa-picture pa naman tayo," sabi ni Greg
"Okay naman na iyon, nakausap ko naman na sila kanina bago magsimula ang gig diba?" sagot ni Heaven
"Eh diba, doon sa JLU hinintay mo pa sila ulit? Bakit nagkaganyan ka sa Saving Shonie?" pagtatakang tanong ni Greg
"Eh basta, i-uwi mo na ako. O kaya naman ay gumala pa tayo. Basta huwag lang dito sa 8th District. Please?" pagmamakaawa ni Heaven
Dahil wala naman siyang magagawa, pinasakay na lang niya sa kotse si Heaven at saka umandar. Tamang-tama, gusto din niyang magtapat sa dalaga dahil sa kakaibang nararamdaman na niya para dito. Ang tanong, ano kaya ang magiging reaksyon ni Heaven? Matutuwa ba siya o hindi? May halong kaba at excitement ang nararamdaman ni Greg pero bahala na.
BINABASA MO ANG
The Playlist (Completed)
Teen FictionKalakip ng musika ang pag-ibig. Di mo alam, baka mamaya yung taong kalapit mo lang pala sa gigs na pinupuntahan mo ang sasagot sa mga katanungan mo sa pag-ibig. This is Greg and Heaven's story. © Book Cover by Khae Santiago Featured Bands: JLU (Jobl...