AYAW niyang bitawan ang kamay ko kahit nasa loob na kami ng sasakyan. Para namang tatalon ako sa daan pababa sa higpit ng hawak niya. Mabuti na lang hindi ako pasmado kaya hindi nagpapawis ang palad ko.
"Dahan-dahan sa pagda-drive. Makakarating rin tayo."
Panay ang tingin ko sa kanya habang seryoso siya sa pagmamaneho. Isang kamay niya lang ang nasa manibela habang nagda-drive siya. We are heading to Taytay Rizal. Nandun nakatira iyong ninong niyang judge.
Yes, we are going to get married tonight. Pagkasabi ko ng oo sa kanya sa resto, nagyaya na siya kaagad. Sandali niya lang na kinausap ang ninong niyang judge para ikasal kami. Hindi na ako pwedeng umatras kasi nandito na ito. At wala rin naman akong balak umatras. I'm already decided to marry this mas beside me. Ibig sabihin lang naman na kapag kasal na kami ay sa kanya na ako at sa akin na siya. Iyon lang ang laman ng isip ko mula pa kanina.
Siguro nga ay masyado pa akong bata, siguro padalos-dalos nga ako, at siguro din ay nadadala lang ako ng nararamdaman ko ngayon. Pero isa ang aking sigurado, hindi lang ngayon, kundi mas matagal pang panahon ko gustong makasama si Jackson. Wala na akong balak kumilala ng iba pa maliban sa kanya.
"Damn it," mahinang usal niya nang tumunog na naman ang phone sa ibabaw ng dashboard.
Kanina pa nagb-beep iyon pero hindi niya pinapansin. Ang kaso makulit e, panay beep pa rin. Nung magstart ng tumawag ang kung sino mang gusto siyang makausap ay saglit niyang binitawan ang manibela para i-off ang phone niya. Oo iyong manibela iyong binitawan niya at hindi iyong kamay ko.
Ang dami kasi talagang nagt-text at tumatawag sa kanya. Isu-suggest ko sa kanya na bumili ng isa pang phone, para bukod iyong contacts sa personal at iyong sa panunungkulan niya as mayor of QC.
"We're here, Fran." Sa Ridgemont Executive Village kami pumasok. Sa pangalawang kanto kung saan may malaking bahay na blue ang pintura kami huminto. Sinalubong agad kami ng mga kawaksi at pinatuloy sa loob.
Isang maputi at may edad na lalaking payat ang naghihintay sa amin sa main door. Naka-PJs na ito, mukhang patulog na nang istorbohin ni Jackson. Ngumiti agad ito nang makita kami. "JC!"
"He's Judge Ulyssis Madriaga, my godfather," pakilala ni Jackson. "Siya ang magkakasal sa atin. And 'Nong, this woman beside me is my fiancée."
"Good evening po." Nagmano ako dito.
"Very lovely. No wonder at ayaw nang ipagpabukas pa ng inaanak ko ang kasalang ito."
I wonder kung kilala ba ako ng ninong niya. Kung alam ba nito kung paano ako napadpad sa buhay ni Jackson.
"By the way, JC, alam ba ito ng daddy mo?"
"Malalaman pa lang."
Napangisi ang judge at niyaya na kami sa study room niya na nasa second floor ng malaking bahay.
"These are the legal papers na kailangan niyong pirmahan. After tonight, mag-asawa na kayo." Pinapwesto na kami ng ninong ni Jackson sa tapat ng mesa niya. "Bukas din ay registered na ito. Ako nang bahala sa lahat. Hindi aabutin ng tanghali."
BINABASA MO ANG
Obey Him
General FictionHe's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their relationship does not conform to society's standards; it is unconventional if not scandalous, but to...