VIII

805 42 5
                                    

Kakatapos lang namin makuha ang resulta. At wala na akong may ikakasaya pa nang malaman iyon. Hindi ko naman hiniling pero kusang ibinigay sa akin. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong earth. Hindi na nga ako makapaghintay ng next year eh. Gusto ko lumabas na ngayon.

"Mahal, umuwi na tayo. Pagod na ako."

Pagod agad? Wala naman siyang ginagawa. Pero sige na nga, hindi na rin naman ako makapag-angal eh. Dahil masaya ako ngayon.

"Wag mong sabihin sa dalawa na nagpa ultrasound tayo Mahal ah? At wag mo ding sambitin ang salitang iyon sa harapan nila. Gusto ko sila masurpise ng husto, lalo na at sa nalaman natin ngayon." Ngiting dagdag nito. And I'm sure na masaya din ito ngayon kagaya ko. Kaya pala ganun nalang ka weird ang paglilihi kase naman, hindi ko masabi, basta alam niyo, kayo nalang bahalang mag-imagine ng kung ano.

"Tara na. Pagod din ako eh. Dahil sa kung ano ano na lang ang pinanggagawa mo sa akin."

"Sorry na. Naiinis kase ako kapag wala kang ginagawa."

Grabeng paglilihi naman yan. May ganun ba?

"Pero wag mong sabihin sa dalawa ah? Dahil kukutusan talaga kita." Pagbabanta nito sa akin. Wag kang mag-alala dahil hindi naman ako mabunganga. Hindi naman malikot yung bibig ko.

"Oo na. Hinding-hindi ko sasabihin."


























"San kayo nanggaling?" Bungad na tanong sa amin ni Mama nang makarating na kami dito sa bahay. As what my wife said kanina, hindi dapat namin sabihin na--

"Nagpa ultrasound kami Ma." Sagot ni Franki.

Akala ko ba na sekreto lang namin yun!?

Bakit sinabi niya?

Grabe, sa kaniya pa naman nanggaling.

Kukutusan ko kaya?

"Nagpa ultrasound!?! So ano na!? Babae ba o lalaki?!" Excited namang tanong ni Mommy na biglang lumitaw sa likuran namin.

Wala na.

Sira na ang plano.

"Hehe? Si Diana po ang nagpa ultrasound mom." Palusot nito. At ako pa talaga? Hindi naman ako buntis. Wala naman akong dapat ipa ultrasound. Bahala ka diyan, Franki. Ikaw na magpalusot diyan. Ayokong tumulong.

"At ano naman ang pina ultrasound mo, Diana?" Takang tanong ni Mama. Hay. Sabi na eh.  Magigisa na naman ako sa tanong.

"Yung tiyan nya po, Ma."

At salamat nalang, at may tagasagot ako.

"Bakit?" This time ay si Mommy naman ang nagtatanong.
Franki, ikaw na ang bahalang sumagot.

"Gusto niya lang kase icheck kung kompleto pa ang mga organs niya sa tiyan."

Makikita ba yun doon?

Hindi naman, diba?

Hay. 

Parang sasabihin ko nalang ang gender ng anak namin ah?

Para hindi na lumalala ang mga palusot ng asawa ko.

Baka saan pa yan mapunta.

Nakakatakot.

"So, ano ang resulta? May kulang ba?" Sabay na tanong ng dalawa. Syempre, kompleto talaga organs ko. Ano ba kayo.

"May kulang po. Pero okay lang kase hindi naman yun importante."

"Ano!?! Hindi pwede yun! Ano ba ang kulang at hanapin natin! Tapos ipatransplant nalang! Ayokong mamatay ang anak ko."

Our Endless Story Where stories live. Discover now