Hindi ko na alam kung nasa falling action na ba ako o nasa dulo pa lang ng first act. Sa sobrang sakit sa pakiramdam, gusto ko na lang matapos na lahat.
Ang hirap ng sinusubukan mong matulog, pero every time na pipikit ka, maaalala mo lahat-lahat ng ayaw mong maalala. 'Tapos babalik ang sakit. 'Tapos mapapatanong ka kung bakit. 'Tapos iiyak ka na naman. 'Tapos sasakit na naman ang dibdib mo, na magpe-pray ka na lang na sana mawala na ang sakit na nararamdaman mo kasi hindi mo na kaya.
Na ayaw mo na.
Na sumusuko ka na.
Inisip kong baka namali lang ako ng interpretation sa nangyari. Baka friends lang talaga sila—kahit na naghalikan sila sa harap ko, sige, tanggapin na nating baka nga friends lang sila. GT and I were friends din naman. At alam kong may mali rin ako roon. Kaya baka nga . . . baka lang friends sila kahit na . . .
Fuck this bargaining stage. Hindi e. Hindi lang halik e. Higit pa e.
Nagsabi si Justin na nakauwi siya before twelve. Hindi ko alam kung . . . kung matutuwa ba ako o . . . o magagalit o . . . hindi ko na talaga alam.
Sabi niya, mag-uusap daw kami. Mag-e-explain siya. Ipaliliwanag niya ang side niya.
Gusto kong mainis sa sarili ko kasi pumayag akong mag-usap kami.
Sabi ko, sa business park na lang. Doon sa may vined pathway.
Bago ako umalis, nakita ko pa ang sarili ko sa salamin. Sobrang sabog ako kaiiyak buong magdamag.
Hindi na ako nag-breakfast. Nawawalan ako ng ganang kumain. Nanghihina ako at ang ingay ng tiyan ko, pero wala talaga akong gana.
Pagkakita ko kay Justin sa may pathway, gusto ko na lang umiyak nang umiyak. Hindi pa man ako nakakalapit, umiiyak na ako.
"Love."
Sinubukan niyang lumapit pero umatras ako saka huminto. Huminto rin siya kaya hindi na nadagdagan ang isang metrong layo naming dalawa.
"Sabi ko kasi sa 'yo kagabi, huwag ka nang sumama."
Hindi gaya ng lagi niyang sinasabi, na magiging okay rin ako bukas, sana nga okay na agad ako. Sana nakalimot na lang ako sa iisang gabi lang. Kasi every time na naaalala ko, lalo lang akong nasasaktan. Iba ang sakit. Ang bigat sa dibdib. Na kahit dati, iniisip kong biro-biro lang at kaartehan, masakit pala talaga.
"Jus, ang gago mo . . ." sobrang hinang sabi ko, kasi wala na akong lakas para sumigaw. Nauubusan na ako ng lakas para sigawan siya—para magalit sa kanya. Wala na akong lakas para lumaban pa para sa aming dalawa.
"Love naman. Joke lang talaga 'yong kagabi."
Sinubukan niyang lumapit pero dinuro ko agad siya para balaan.
"Love, mali ang iniisip mo."
"Nag-chat siya . . . kahapon," sabi ko habang tumatango. Dapat maniwala siya. Dapat maniwala siya sa mga sarili niyang kasinungalingan. "Yung Myra. Akala ko si Shanaya e. Buong akala ko talaga—"
Naiinis ako. Naiinis ako na ipinakikita ng kilos niyang kaya pa niyang lusutan lahat. Na kaya pa niyang sumagot. Na may sasabihin pa siyang magpapabago sa isip ko.
"Love, we're just friends, okay?"
"Friends. FRIENDS! Jus, may picture kayo sa hotel, friends? Nakahubad kayong pareho, friends? Ikaw ang nasa bio niya sa FB, friends? Nilaplap ka niya sa harapan ko, friends?"
Naiinis ako sa kilos niya. Yung kakamot siya ng ulo. Yung itsura ng mukha niya na nandito na naman kami sa usapang 'to.
"Jus, may picture siyang ipinakita! Pregnancy test! Positive! May ultrasound pang kasama!"
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...