Chapter 33

60.4K 1.6K 114
                                    

ISABELA

"AKALA KO HINDI na naman kita pwedeng puntahan ngayon," sabi sa 'kin ni Arkhe habang magkatabi kaming kumakain dito sa garden namin.

Napangiti lang ako nang mapait.

Pinuntahan niya kasi ako rito sa bahay. Pero saglit lang kaming magkakasama. Aalis pa kasi siya mamaya papuntang Bulacan para sa isang project kasama 'yung kaibigan niyang tattoo artist.

Dapat nga sana sa labas kami kakain ngayon dahil ang tagal na naming hindi nagkikita. Pero nag-suggest ako na dito na lang muna kami sa bahay. Masama na naman kasi ang pakiramdam ko, hindi ko lang pinapahalata sa kanya.

"Wala kang lakad mamaya?" sumunod niyang tanong sa 'kin.

Umiling ako. "Wala."

"Natapos mo na 'yung inaasikaso mo?"

"Uhm, hindi pa. Bukas aalis ulit ako."

"Saan ka pupunta?"

Yumuko ako at bumalik sa pag kain. "Diyan lang."

Ramdam ko siya na nakatitig na sa 'kin ngayon sa gilid ko. Ang tagal niyang gano'n bago siya bumuntong-hininga. "Bakit parang palagi kang may pinupuntahan? Ano ba talagang pinagkakaabalahan mo ngayon?"

"Nothing serious. May pinapa-asikaso lang kasi sa 'kin si Amanda tungkol sa isa naming business."

"Business? Akala ko hindi ka interisado sa ganyan?"

Nginitian ko siya. "Hindi nga. Kaso kailangan ako ng kapatid ko ngayon."

Hindi na ulit siya nagtanong. Tumuloy lang siya sa pag kain.

Pinagmasdan ko siya. Lalo akong nanghihina kasi halatang-halata ko sa kanya ngayon na hindi talaga siya masaya sa mga nangyayari. Parang hindi niya na nga pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko.

I took a deep sigh and just continued eating my meal.

Nadadagdagan ang kasalanan ko kay Arkhe kasi nagsisinungaling na rin ako. Hindi totoong may inaasikaso ako tungkol sa negosyo namin. Kaya madalas akong hindi nakikipag-kita sa kanya ay dahil nag-uumpisa na akong magpagamot.

Sunod-sunod ang mga checkups ko sa bago kong doktor at ang dami ko ring mga tests na pinagagawa. They were all exhausting. Partida, hindi pa ako nag-uumpisa sa mismong mga treatments.

Napapagod ako at mas nararamdaman kong may sakit ako. Parang nadi-depress na naman nga ako. Ang dami kong iniisip these past weeks to the point na hindi ko na alam kung anong uunahin. My symptoms were getting worse each day, too.

Kung dati, paminsan-minsan lang akong sinasaktan ng ulo, ngayon, halos araw-araw na at nagiging malala na sila.

Ang bilis ko na ring mapagod. Kaya nga hindi ko rin magawang makipag-kita nang madalas kay Arkhe kahit na miss na miss ko na talaga siya. Baka kasi mahalata niya lang na matamlay ako. Ngayon nga, masama na naman ang pakiramdam ko dahil nagsuka ulit ako kaninang umaga. Umaakto lang ako na okay lang ako.

I'm such a coward, hindi ko pa rin talaga masabi kay Ark hanggang ngayon ang tungkol sa brain tumor ko. Pero ipapaalam ko na rin naman na sa kanya lahat. Naghahanap lang ako ng tyempo, sobrang bigat pa kasi ng mga nangyayari sa 'kin ngayon.

"Sab?" tawag niya kaya nabalik na ulit ako sa wisyo.

Tiningnan ko siya na nasa tabi ko lang. "Hmm?"

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon