ISABELA
Nasugbu, Batangas
"Ayos ka lang?" Pinatong ni Arkhe ang kamay niya sa isa kong hita habang patuloy siyang nagda-drive papunta sa bahay nila rito sa Batangas.
Napabuntong-hininga lang ako. "I'm still nervous. Ikaw kasi, e."
Natawa siya. "Bakit ako?"
"Ang daya mo. Akala ko simpleng pupunta lang tayo rito sa Batangas para makilala ako ng family mo. 'Yon pala, birthday ng Mama mo ngayon. Nahihiya tuloy ako."
"Kaya nga hindi ko na sinabi sa 'yo. Kilala kita. Alam kong mas lalo ka lang mahihiya."
Binaba ko ang tingin ko rito sa dala kong maliit na box. "Okay na ba talaga 'tong binake kong cookies? I should've bought your mom a better gift."
"Ayos na ayos na 'yan. Mas maganda nga 'yang pinaghirapan kaysa sa binili. Tsaka mahilig si ermat sa mga ganyan. Matutuwa 'yon."
"Really?"
"Oo nga. H'wag ka nang kabahan." Kinurot niya ang ilong ko. "Mag-enjoy ka lang mamaya. Mabait sila Mama. Makukulit din 'yong mga 'yon, kagaya ko."
Napangiti na lang ako nang tipid. "Okay." Sabay lipat ko na ng tingin dito sa bintana. "Malapit na ba talaga tayo sa inyo?"
"Oo. Ayan na, isang kanto na lang."
I took a deep breath again. Tensed na tensed na talaga ako. Kahapon pa 'to nung inamin sa 'kin ni Arkhe na birthday pala ng Mama niya kaya rin kami pupunta rito. Parang hindi na nga ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari ngayon at kung anong dapat kong i-expect. It's my first time meeting his family. Paano kung hindi nila ako magustuhan?
"Ark?" tawag ko na lang. "Marami ka na bang girls na napakilala sa family mo?"
Hindi naman siya sumagot.
Tiningnan ko siya. Nakangiti lang siya ngayon habang nagma-maneho.
"Ba't hindi ka sumasagot?"
Hindi pa rin talaga siya nagsalita. Nginingitian niya lang ako.
"Hmm, siguro marami ka nang naipakilala sa kanila kaya ayaw mong sabihin sa 'kin. Okay lang naman. Tanggap ko 'yon." Ngumiti ulit ako at tumingin na ulit dito sa bintana.
Mayamaya pa ay napansin ko nang pahinto na kami sa tapat ng isang bahay.
"Nandito na tayo," sabi ni Arkhe.
Hindi ko naman siya nasagot kasi napatingin agad ako roon sa tabi ng bahay nila. "M-may party pala ang Mama mo?"
May mangilan-ngilan kasing mga tao na nag-aayos ng mga tables at chairs. Para silang nagkakasiyahan. May naka set-up ring mga charcoal grills sa labas. Looks like there will be a Barbeque party.
"Oo," sagot ni Arkhe. "Pero maliit na party lang 'yan. Kami-kami lang ng mga pinsan ko tsaka mga kapatid nila ermat."
I looked at him and pouted my lips. "You tricked me again. Hindi mo rin sinabi agad na may reunion din pala kayo ngayon. Akala ko simpleng birthday lang. Talagang dinala mo ako rito kung kailan kumpleto kayo."
Natawa siya. "Para nga isang pakilala na lang. Tara na." Nagtanggal na siya ng seatbelt.
Siya ang naunang bumaba ng kotse para mapagbuksan niya ako sa kabilang pinto.
Kinalma ko naman muna ang sarili ko. My gosh, kinakabahan talaga ako. I'm still not used to socializing with a lot of people. Pero wala naman na akong magagawa, nandito na ako. Kailangan ko na lang labanan ang hiya ko.
BINABASA MO ANG
Everything I Want [BOOK 1]
General Fiction[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. She fell so hard for him that she became willing to give up everything she has in life - her riches...