Chapter 48: Don't Go

14.4K 487 188
                                    

"Five, four, eight, forty-one," tukso sa 'kin ni Kyle habang nag-uusap kami sa telepono. Ewan ko nga ba kung bakit sa araw-araw na magkausap kami sa telepono, hindi kami nauubusan ng pinaguusapan.

Dugdug. Dugdug.

"Bakit ba ayaw mo sabihin sa 'kin 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Thirty-three," sagot naman niya.

"Hindi ko pa nga alam yung five-four-eight, may forty-one na tapos may thirty-three pa. Ewan ko sa 'yo."

"Pinagkasya ko lang yung thirty-three kasi meron na'ng ibig sabihin ang forty-three."

"Ano nga 'yon?"

"O, sige, sabihin ko na sa 'yo. Ang one-four-three, ano 'yon?"

"I love you," sagot ko.

"I love you too."

"Kyle naman, e!"

Paulit-ulit na lang siyang nag-a-"I love you" sa 'kin. Ewan ko ba do'n. Pero ewan ko. Kung ganito lahat ng lalaki sa mundo—at consistent sila hanggang sa dulo—marahil walang umiiyak na babae ngayon, di ba?

***

The usual, ordinary day pag pasok naming sa school. Ang masaklap, ngayong araw na 'to ang test namin sa physics. Nagme-memorize ako ng table of elements kahit na alam kong hindi ko naman 'to magagamit pampataas lang ng grade dahil bagsak ako sa last quiz naming—actually, lahat kami. Sabi ni ma'am, bonus quiz daw 'to. Bonus pa ba na matatawag 'to kung paghihirapan mo muna makuha yung bonus mo? Ay, ewan.

"Hello?!" galit na galit na komento ni Marj. "Anong konek ng beryllium at hyrdrogen dito sa physics?! Chemistry, puwede pa! Pero physics?!"

"Mag-aral ka na lang, Marj. 'Bonus' quiz nga, e," sarcastic kong sagot.

Bigla akong nataranta nang naisip kong nakalimutan ko kung ano yung atomic number ng beryllium. Alam ko namang no. 1 ang hyrdrogen, pero yung isa, namental block ako. Di ako sigurado kung no. 4 o no. 5.

"Ano nga palang number ng beryllium?" tanong ko.

"Be 'yon, di ba? Four 'yon."

"Four—"

Para akong natamaan ng kidlat pagkasabi ni Marj 'yon, tipong bigla ko na lang na-solve yung isa mga pa-puzzle ni Kyle.

***

Pumunta sina Chris at Kyle sa classroom tapos sabay-sabay kaming nag-lunch na apat. Uso na nga yung pa-order-order sa Jollibee sa klase kaya nagpadeliver kami.

Pagkatapos kumain, parang free time na ng buong fourth year. One week na lang, periodical exams na tapos graduation na. Pumasa ako sa university na gusto ko, pero si Kyle, doon pa sa isa pang campus. Pag naiisip ko na magkakahiwalay kami ng campus, gusto ko umiyak. Pero gano'n talaga. Kailangan namin subukan ang long-distance relationship.

Pumunta kaming dalawa sa may gilid ng corridor. Walang tao, lahat busy. Nanonood ng laban sa volleyball ang mga teachers at students. Para bang free time ng lahat, kahit ng mga teachers.

"Ikaw," umpisa ko, "may pa forty-one, forty-one ka pa diyan."

"Alam mo na?"

"Di ko sure."

"Ano po ba ang alam ng mahal ko?"

"Mula sa. beryllium at hydrogen sa table of elements? So magiging . . . beh?" Nang tumawa siya, sabi ko na lang, "Fine. Sorry na. Mali kung mali."

"Tama!" sagot niya. "Ang talino talaga ng baby ko!"

"Kapatid mo 'ko. Di mo 'ko baby."

"Dati 'yon. Nag-transform na tayo. Hindi mo na 'ko basta kuya. Baby mo na rin ako," sagot niya.

548 Heartbeats (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon