Chapter 26.2

63.5K 2.1K 390
                                    

ISABELA

Clark, Pampanga

MABILIS NATAPOS ANG set ni Arkhe.

I didn't even realize it was over as I totally enjoyed every tune he played. Mas lalo siyang gumaling! At mas lalo rin siyang sumikat ngayon.

Naalala ko sa La Union dati, hindi pa ganoon karami ang sumusuporta sa kanya. Pero kanina sa event, no'ng tinawag na siya at tumungtong na sa platform, naghiyawan talaga lahat ng mga tao at sinisigaw nila ang pangalan niya. I got goosebumps! Lalo tuloy akong naging proud sa mga narating niya.

Ngayon, nakabalik na kami rito sa hotel kung saan kami magpapalipas ng gabi. Wala pa namang alas-dose nang makarating kami rito.

This room is actually quite big for two. May isang king-sized bed at isang solo one sa gilid, may maliit na kusina kung saan pwedeng magluto, at meron ding sariling jacuzzi sa labas.

Pinuntahan ko na muna si Arkhe na nag-aayos ng gamit niya roon sa table.

"Hey." Umupo ako sa upuan. "Ang galing mo talaga sa event kanina."

Napangiti siya. "Kanina mo pa sinasabi 'yan."

"Hindi ko kasi makalimutan, eh. You've improved a lot."

"Nag-enjoy ka ba?"

"Syempre naman. Sino ba namang hindi mag-eenjoy sa gano'n?" Nangalumbaba ako rito sa mesa at tumitig lang pataas sa kanya na nakatayo ngayon. "And you've become more popular, too. Kanina pagkatapos ng set mo, ang daming mga nagpa-picture sa 'yo."

"Oo nga. Parang ngayon nga lang nangyari 'yong gano'n karami. Iba 'yong event kanina. Ang tindi."

"The crowd loves you."

Napangiti lang ulit siya, tapos bigla na lang naghubad ng T-shirt. "Ang init." Sinabit niya 'yong damit niya sa upuan.

Ang bilis ko namang napansin 'yong mga peklat sa katawan niya. Napatayo agad ako para tingnan nang malapitan ang mga 'yon. "What happened to you?"

"Bakit?"

"How did you get all these scars?" Tinuro ko 'yong mga nasa dibdib at likod niya. "Wala ka namang mga ganito dati, ah."

Umiwas lang siya ng tingin. "Wala 'yan."

"No, really, what happened to you?"

Hindi na siya sumagot.

"Arkhe?"

Bumuntong-hininga siya. "Wala. Madalas lang akong napapa-away no'ng mga panahong wala ka sa tabi ko."

Napabagsak ako ng mga balikat. "A-anong klaseng away? Nakikipag-saksakan ka ba? These aren't ordinary battle scars."

"Wala 'yan. Magaling na nga." Lumayo na siya sa 'kin para tumuloy sa pag-aayos ng gamit.

Hindi na lang ako nagtanong ulit. Bigla akong nalungkot at nag-alala. Ang dami pa pala talagang nangyari sa kanya dati na hindi ko alam. Hindi niya naman inalagaan ang sarili niya, eh.

Umalis na lang din muna ako para ayusin din ang gamit ko. "Ark?"

"Hmm?"

"I'll take a quick dip in the jacuzzi outside. You want to join me?"

Tumingin siya sa 'kin. "Ayos lang ba sa 'yo?"

"Oo naman. Bakit naman hindi."

Ngumiti siya nang tipid. "Sige. Magpapalit lang ako."

"Me too." Kinuha ko ang swimsuit ko sa bag at pumasok na sa bathroom para magpalit.

I'm not really prepared. Dala ko lang 'tong yellow one-piece swimsuit ko na mababa ang neckline at halos bukas ang buong likod. I partnered it with a lace cover-up.

Everything I Want [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon