Chapter Eleven

2.8K 28 0
  • Dedicated kay Judelo Tuazon Miranda
                                    

Play the song Only Love by Trademark.

ACQUAINTANCE Party na nila. They were wearing their cowboy and cowgirl’s attire as if it is the acquaintance theme for this year. Mag-isang nagpunta si Jude sa De Luxe Hotel kung saan gaganapin ang College of Nursing’s Acquaintance Party. Lulan siya ng taxi noon nang tinawagan siya ni Stephen.

“Hello. Stephen.”, sinagot ni Jude ang kanyang cellphone.

“Jude, parating ka na ba?”, si Stephen sa cellphone.

“Parating na ako. Sakay na ako ng taxi. Nasa De Luxe Hotel ka na ba?”, si Jude.

“Oo Jude. Hinihintay kita dito.”, sabi ni Stephen.

Napangiti naman si Jude.

“Sige, parating na talaga ako. Tatawagan na lang kita ha kapag nandiyan na ako.”, sabi ni Jude.

“Sige Jude. Hihintayin kita. I love you.”, sabi ni Stephen.

Nawala na sila sa linya.

Nagulat si Jude sa mga huling salitang binigkas ni Stephen. I love you? Baka naman as a friend. Binibigyan niya lang siguro ng maling kahulugan. Hindi na niya isinaisip ‘yun. 

“Ah manong, malapit na po ba tayo sa De Luxe Hotel?”, tanong ni Jude sa taxi driver.

“Malapit na po.”, sabi ng taxi driver.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin siya sa naturang hotel. Bumaba na siya ng taxi at nagbayad.

“Ito pala ‘yung De Luxe Hotel.”, sabi ni Jude.

He’s wearing a cowboy costume na pinili at binili ni Stephen sa kanya. Naka-cowboy’s hat din siya.

“Bagay kaya sa’kin ‘tong suot ko?”, bulong ni Jude sa kanyang sarili.

Nagkibit lamang siya ng balikat at tumuloy na sa hotel. Pagkapasok niya sa hotel ay kinabahan siya. Nilapitan siya ng isang attendant doon.

“College of Nursing Acquaintance Party sir?”, tanong ng attendant kay Jude.

“Ah, y-yes. May I know the venue ma’am?”, pormal na sagot ni Jude.

“Nasa 2nd floor po. Functional Room”, sabi ng attendant.

“Sige, thank you.”, si Jude.

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Tuloy ay inawat na niya ang kanyang sarili.

“Jude, ano ka ba! ‘Ba’t ka naman kinakabahan!”, inawat niya ang kanyang sarili.

Pagkarating niya sa 2nd floor, ay kaagad naman niyang nakita ang Functional Room dahil sa door tag. Pumasok siya kaagad sa naturang lugar na pangyayarihan ng kanilang Acquaintance Party. Marami-rami na rin ang mga tao doon. May nakikita na siyang mga Clinical Instructors. Lumingon-lingon siya sa paligid. Wala pa si Stephen. 

“Hindi pa ba dumarating si Stephen?”, bulong niya sa sarili.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tatawagan sana si Stephen. Habang nagda-dial siya ay muntik na niyang mabitawan ang kanyang cellphone. Ginulat kasi siya ni Stephen.

“Stephen! Ano ka ba!”, nagulat si Jude.

“Sorry, nagulat ba kita?”, tanong ni Stephen.

“Ay hindi! Pinatawa mo ako!”, pamimilosopo ni Jude.

Napangiti si Stephen.

“At last nandito ka na. Ikaw na lang talaga ang hinihintay ko dito Jude.”, sabi ni Stephen.

One Friend (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon