Part 23

21.6K 608 12
                                    


"ANONG NANGYARI?"

Tiningala ni Sheila si Jesilyn na humahangos na lumapit at malakas na ipinukpok ang mga kamay sa lamesa niya.

"Huh?" wala sa sariling tanong niya.

"Anong nangyari sa inyo ni Apolinario? Sabi ni Lyn pinuntahan ka niya rito noong isang araw at magka-holding hands pa kayo nang umalis para mag meryenda. Pero bakit may sinabi sa akin si papa na ibinalita raw sa kaniya ni tito Basil? Sabi raw ni tito may dine-date raw si Pol na pamangkin ng may-ari ng PhilMed at na siguradong papunta sa kasal ang relasyon nila," nanlalaki ang mga mata at worried na litanya ni Jesilyn.

"Ah." Ngumiti si Sheila. "Yeah. Nasabi na niya iyon sa akin. Ayon sa fifty-year-plan ni Montes dapat nakapag-asawa na siya bago siya tumuntong ng thirty years old. Malapit na siya magahol sa oras kaya tama lang ang dating ng babaeng iyon sa buhay niya. His marriage will go according to his plan."

Umawang ang bibig ni Jesilyn habang nakatitig sa mukha niya. "Okay lang sa'yo na magpakasal siya sa ibang babae? Kahit na mayroon kayong relasyon?"

Natawa siya. "Jesi, sinabi ko na sa'yo na hindi naman kami committed sa isa't isa. Hindi kami boyfriend-girlfriend. Alam namin pareho na temporary lang ang mayroon kami. Kung magiging prangka ako, sex lang ang dahilan kaya kami nagkaroon ng ugnayan. So siyempre ngayong may babae nang perpekto para sa mga plano niya sa buhay, normal lang na tapusin na namin ang mayroon kami, 'di ba? Saka huwag ka mag-alala kasi nag-usap naman kami ng maayos. Naiintindihan ko ang lahat."

"Nakangiti at tumatawa ka... pero bakit pumapatak ang mga luha mo?" malungkot na tanong ng bestfriend niya.

Nagulat si Sheila at agad hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. Basa nga. Kumurap siya at lalong tumulo ang mga luha niya. Ayaw tumigil kahit anong punas ang gawin niya. Huminga siya ng malalim at frustrated na isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad. "Sorry. Emotionally unstable ako lately. Alam mo na, PMS," garalgal na sabi niya.

"Oh, Sheila," puno ng simpatya na bulong ni Jesilyn. Naramdaman na lang niya, yakap na siya nito. "Sige, hindi na natin ito pag-uusapan. Kung hindi ka komportable magkuwento, okay lang. Tahan na," alo nito sa kaniya.

Pinilit naman talaga niya tumigil umiyak kaso kung kailan siya inaalo ng bestfriend niya, lalo lang siyang naiyak ng husto. Ganoon sila naabutan ni Lyn na kahit hindi alam ang nangyayari ay niyakap din siya. Nang makarecover siya ay namamaga na ang mga mata niya. "Salamat. Okay na ako," sumisinghot na sabi niya sa dalawa.

"Sigurado ka ba? Ngayon lang kita nakita umiyak ng ganito, Sheila," worried na sabi ni Lyn.

Pilit siyang ngumiti. "Hormones lang 'to. Okay lang talaga ako, promise. Magtrabaho na tayo ha?"

Nagkatinginan sina Jesilyn at Lyn bago nagsalita ang una, "Sige. Magtrabaho na tayo. Tapos mag a-undertime tayong tatlo ngayong araw. Tatawagan ko si Sylve at lalabas tayo mamaya. Girls' night out."

Mahinang natawa si Sheila. "Papayag ba ang mga asawa niyo na magpagabi kayo?"

"Huwag ka mag-alala, papayag si Benedict basta alam niya kung nasaan tayo at kung sino ang mga kasama ko," sabi ni Lyn.

"Ganoon din si Ryan. Basta kailangan ko siya tawagan kapag uuwi na para raw susunduin niya ako," sabi naman ni Jesilyn.

Sa totoo lang gusto sana niyang umuwi at magmukmok sa loob ng apartment niya. Pero mukhang hindi siya makakatanggi sa plano ng bestfriend niya kaya bumuntong hininga na lang siya at tumango.

HINDI na mabilang ni Apolinario Montes kung ilang beses siya tumingin sa wristwatch niya mula nang dumating sila ni Katarina Estrada sa restaurant ng Visperas Hotel. Iyon ang unang beses na nagkita sila alinsunod sa gusto ng kanyang ama at ng tiyuhin nito. Maganda, sexy at fashionable ang dalaga pero wala siyang maramdaman kahit katiting lang na attraction para rito. Ubod din ng daldal pero puro tungkol sa sarili ang sinasabi nito. Obvious na gusto nitong maging celebrity kung pagbabasehan ang pagka-obsess nito sa followers ng lifestyle blog nito, fashion sense ng mga artista at modelo, mga kilalang tao na pasyente raw nito at dami ng likes at views ng mga post daw nito sa social media.

She even tried to take a photo of them together but he politely refused. Ayaw niyang bumalandra sa internet ang mukha niya at i-like at komentan ng mga taong hindi niya kilala. Mabuti na lang hindi na pinilit pa ni Katarina ang pagkuha ng picture at kinunan na lang ang sarili sa iba-ibang angulo. Ilang beses pasimpleng huminga ng malalim si Apolinario, pilit pinanghahawakan ang papaubos na pasensiya. Pagkatapos tumingin siya sa labas ng restaurant habang patuloy pa rin ito sa pag-se-selfie.

"So, Apolinario, you want to marry me right?" biglang sabi ng babae kaya mabilis na bumalik sa mukha nito ang atensiyon niya. Ngumiti ito at nagsimulang kumain. "I don't mind. You are very gorgeous and you have a good job. Malaki ang utang na loob ko kay tito kasi siya ang nag finance ng Aesthetic and Wellness center ko. It seems he really wants you to be part of his family. And I think I like you."

"You like me? Kahit hindi mo pa ako lubusang kilala?"

Tumaas ang kilay ni Katarina. "Bakit? Ikaw nga hindi mo pa ako kilala ng husto pero pakakasalan mo pa rin ako 'di ba?"

Kumuyom ang mga kamao niya sa ilalim ng lamesa kasi tama ito. Ngumiti ang babae. "It's fine, really. Noon pa man alam ko nang si tito ang pipili ng magiging asawa ko. At alam ko na matino kang lalaki kasi hindi niya ako basta ibibigay sa kung sino lang. So relax ka lang at i-enjoy ang date natin. We need to create a comfortable life together so we should start now, right?"

Tumango si Apolinario at itinuon ang atensiyon sa pagkain. Pero kahit anong daldal nito, kahit anong pag-uusap nila, hindi pa rin nawawala ang boredom niya. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang may mali.

Pagkatapos nilang kumain inaya pa siya ng babae na magpunta sa isang dance club pero tumanggi siya. "Partying is not my thing."

Mukhang nadismaya ito pero hindi na nagpumilit. "Then see you soon, okay?" Bago pa siya makareact niyakap na siya nito at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos naglakad na ito palabas ng restaurant. Nang sundan niya ito ng tingin ay nagulat siya nang makitang papasok naman ang kaibigan niyang si Draco at ang fiancée nitong si Janine. Mukhang nakita ng mga ito ang ginawa ni Katarina kasi lumapit ang pareha sa kaniya at halata ang curiousity sa mga mukha.

"May meeting tayo sa Bachelor's Pad pero nandito ka at nakikipag date?" tanong ni Draco.

"May oras pa naman para makauwi ako bago ang meeting. Ikaw papunta ka na rin ba?"

"Yup. Mag te-take out lang ako ng pagkain para sa lahat. Para hindi puro galing sa Chef Derek's ang kakainin natin 'don. Tamang tama, tulungan mo na ako magbitbit. Nag confirm daw lahat ng residents kahit iyong mga hindi na nakatira sa building natin kaya kailangan natin ng maraming pagkain."

"Fine," sagot ni Apolinario.

"Then, mauuna na ako sa inyo, Draco. Tumawag si Jesilyn na nasa club na raw sila," nakangiting paalam ni Janine na mabilis hinalikan sa mga labi ang fiancée. Pagkatapos magpaalam din sa kaniya ay tumalikod na ito at lumabas ng restaurant.

Kumunot ang noo niya. "Saan siya pupunta?"

"Ah. May night out daw ang girls. Suggestion ni Jesilyn tutal may meeting daw tayong mga lalaki ngayong gabi. May kaibigan daw silang kailangan nila aliwin."

Nanlamig si Apolinario at parang may sumipa sa sikmura niya. "Who?"

Mukhang nagulat si Draco sa tanong niya. "Interesado ka talaga malaman?"

Yes. He gritted his teeth. "Not really," paiwas na sagot niya.

Tumaas ang mga kilay ng kaibigan niya pero hindi na nagkomento. Napabuntong hininga siya nang tumalikod na ito para orderin ang pagkaing ite-take out nila.

Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon