NAGULAT si Apolinario nang pagpasok niya sa common area ng Bachelor's Pad ay makita niya si Maki at Keith na inaalis ang malaking LCD screen sa entertainment area. Automatic na iginala niya ang tingin sa paligid. Walang ibang tao maliban sa dalawa. Kaya naman pala malakas ang loob ni Maki manatili roon.
"Montes! Mabuti nandito ka, tulungan mo kami buhatin 'to," malakas na sabi ni Keith.
Inilapag niya ang bag sa couch at lumapit sa dalawa. "Sira na naman ba 'yan?"
"Hindi. Pero nag decide kami na palitan na rin. May pagbibigyan siya nitong luma."
Tumaas ang mga kilay niya at napatitig kay Maki. "Sinong pagbibigyan mo?
Sinulyapan siya nito at tipid na sumagot, "A friend."
"May kaibigan ka bukod sa amin?" gulat na tanong niya.
Tumiim ang bagang ni Maki habang natawa naman si Keith.
"What? Nagtatanong lang ako."
"Meron siyang secret friend na ayaw niyang ipaalam sa iba," sabi ni Keith.
"Really? That's... unexpected," komento ni Apolinario.
Naibaba na nila ang LCD screen nang biglang magsalita si Maki, "Ikaw rin naman may sikreto. Palagi kang inuumaga ng uwi kapag ganitong araw. You always stay the night somewhere once a week. Hindi mo rin gustong malaman ng iba kung sino ang kasama mo, 'di ba?"
Nanghahamon ang tingin ni Maki kaya tumaas ang noo niya, hindi napigilan maging defensive. "I'm not hiding it intentionally. Wala lang akong makitang dahilan para ipagsabi ang tungkol sa personal kong buhay. I like my privacy."
Tumango ito. "I know. I do too."
Hindi na sila nag-usap uli at magkakatulong na ikinabit ang bagong LCD screen. Pagkatapos tumayo silang tatlo sa harapan niyon. "Mas malaki 'to kaysa sa inalis natin ah. Kailangan pa ba natin mag upgrade? Ilan na lang tayo dito sa Bachelor's Pad at kapag gusto natin manood ng movie sa penthouse tayo nanonood, 'di ba?" tanong ni Apolinario.
Ilang segundo bago sumagot si Maki. "This place is not going to be this quiet for long."
"Anong ibig mong sabihin?"
Si Keith ang sumagot sa tanong niya. "May pinaplano si Matilda at alam mo naman na hindi kami makakatanggi sa gustong mangyari ng nanay ni Maki."
Tumalikod si Maki at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila. "That old woman is such a pain in the ass," sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng common area.
"Pero sinusunod pa rin niya," amused na sabi ni Apolinario.
"Well, she was his savior."
Napunta ang tingin niya kay Keith. "She was your savior too."
Ngumiti ang lalaki, may dumaang emosyon sa mga mata pero agad din nawala. Bigla siya nito tinapik sa balikat at iniba ang usapan. "So, kamusta na kayo ng maid of honor? Ilang buwan ka nang relaxed at kalmado, malayo sa hitsura mo noong unang mga araw pagkatapos ng kasal."
Nailang si Apolinario at gusto sana iwasan ang usapan na ito pero hindi nito binibitawan ang balikat niya. Tumikhim siya at iniwas ang tingin. "We are okay."
"Okay as in kinalimutan niyo na ang nangyari?" pilyong tanong ni Keith.
Bumuntong hininga siya. "Few days after the night of the wedding, I realized that if things don't go according to my plans I must adjust accordingly. Kaya nakipagkita ako sa kaniya na ang intensiyon ay linawin ang nangyari sa amin at kalimutan ang lahat. Kasi sa loob ng mga araw na 'yon palaging ginugulo ng alaala niya ang utak ko at ayoko nang ganoong klase ng distraction. Pero nang magkita kami, nag-away na naman kami. And for some reason we were so angry yet we were so..."
"Turned on?" dugtong ni Keith.
Uminit ang mukha ni Apolinario, tumikhim at nakangiwing iniwas ang tingin. "Yeah."
"So you ended up doing it again at ngayon may relasyon na kayo?"
"It's not a serious relationship. It's more like an... arrangement."
"At ayos lang 'yon sa kaniya?"
Tumikhim na naman siya, tumalikod at dumistansiya na kay Keith para matapos na ang usapan. "Yeah."
"Really?" manghang tanong nito.
"Oo nga sabi. Aakyat na ako sa unit ko." Tinapik niya ang balikat ng lalaki at saka lumabas na rin ng common area. Kahit nang nakasakay na siya ng elevator tumatakbo pa rin sa isip niya ang mga tanong ni Keith.
Really. Kahit siya hindi makapaniwala na pumayag si Sheila sa arrangement nila. Sa tuwing magkasama sila palagi niyang pinapakiramdaman ang mood nito, palaging pilit binabasa ang facial expression, humahanap ng clue kung talaga bang okay lang rito ang isang no-strings-attached sexual relationship. Pero mukha namang kuntento at nag-e-enjoy ang dalaga sa sitwasyon nila.
Katunayan never ito nagdemand sa kaniya ng kahit na ano. Never pinaramdam sa kaniya na may obligasyon siya rito. Sa loob din ng ilang buwan ay never itong nagkusang tawagan siya. Palaging siya ang tumatawag dito. Siya pa nga ang kusang nag-aya na kumain sila sa labas para maiba naman ang set-up nila. She's so unassuming and casual that it irritates and bothers him sometimes. Kung hindi lang niya ito ilang taon nang kilala at kung hindi lang niya napatunayan noong unang may mangyari sa kanila na inexperienced ito, iisipin niyang sanay sa casual relationship ang dalaga.
Kaya isa lang ang puwedeng maging rason kung bakit ganoon ang attitude ni Sheila. Bukod sa physical attraction nila sa isa't isa na hindi pa rin nababawasan kahit ilang buwan na silang may affair, wala na itong iba pang interes sa kaniya. Masakit sa ego isipin minsan pero practically speaking, mas mabuti na ang ganoon. Because the moment she fell for him, he will have to stop their affair and let her go.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONIST
RomanceMatagal nang magkakilala sina Apolinario Monies at Sheila Ignacio pero hindi sila magkaibigan. 'Katunayan, palagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita. But at the night of Sheila's best friend's wedding, they had a truce. Nakapag-usap sila tungkol...