Chapter 12: The Beginning

23.4K 790 275
                                    

Siguro kung hindi lang talaga kita kapatid ngayon, kababaliwan kita.

Pinaulit-ulit ko sa utak ko yung mga sinabi niya. Tipong magsesepilyo na nga lang, mapapangiti ako dahil naalala ko yung mga sinabi niya. Kapag maliligo ako, maiisip ko yung sinabi niya bago ko ibuhos yung tubig sat abo sa mukha ko, pero di ako nagigising sa pagkahibang ko. Haharap ako sa salamin at mapapangiti dahil maririnig ko yung boses niya sa utak ko habang sinasabi niya yung mga salitang 'yon.

Siguro kung hindi lang talaga kita kapatid ngayon, kababaliwan kita.

Aaaaaaaaaaaaaaa! Ako ang nababaliw! Ako ang nababaliw! Kulang na lang, hanapin ko sina Basilio at Crispin, e. Mababaliw na 'ko—ay mali. Baliw na 'ko!

Ano ba naman? Halos ilang linggo na ang nakalilipas nang sinabi niya 'yon, pero hanggang ngayon, binibingi pa rin ako ng mga salita niya. Grabe, nakakaadik.

Summer na at tapos na ang klase. After ng araw na 'yon, di na kami nakapagusap. The next day kasi, hindi na siya pumasok. And the next day and the next day and the next day and—forever na yata. Sabi ni Chris, tinamad na raw kasi siya pumasok. Tutal, finishing of clearance na lang naman na. E, inaasikaso na raw ng adviser nila (dahil spoiled sila ng adviser nila). Ang daya nga, e. Kahit pa sinabi ng prinicipal na required pumunta sa graduation ng fourth year para may pumalakpak, di pa rin siya pumunta.

Ayan tuloy. Naloloka pa rin ako hanggang ngayon sa mga huli niyang sinabi bago kami nagkahiwalay: Siguro kung hindi lang talaga kita kapatid ngayon, kababaliwan kita. Kung hindi ako nababaliw at nababangang, di ko na alam ang ibig sabihin ng baliw at bangag.

Isa pang naging resulta ng araw na 'yon ay ang pagkakaroon na 'ko ng insomnia. Hindi na 'ko makatulog. Ang tulog ko, alas dos o alas tres. Ang malala, ang gising ko, alas sais ng umaga. Tatlo o apat na oras lang ang tulog ko.

Si Lord talaga. Galing mag-joke. Hay.

Kung sana may picture lang talaga ako ni Kyle, siguro kanina ko pa 'yon hinahalikan. Oo na. Hibang na talaga ako.

Naisip ko tuloy, nakakadiri na ba ako na ganito yung pagka-hopless romantic ko? Ako 'tong si Ms. Asa, as in A-S-A—asa.

"Asa ka naman, Xeira," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin no'ng isang araw. "Oo, pinapansin ka na niya. Pero alam mo 'yon, hinding-hindi kayo magiging kayo. Tingnan mo, may tumubo na ngang pimple diyan sa gitna ng ilong mo. Nag-iisa pa. At dahil diyan"—pinindot ko yung pimple—"papangalanan kitang Kyle."

Buong summer, ang ginawa ko lang ay matulog, kumain, tumugtog ng gitara, magkompyuter, tapos minsan, nagbabasketbol din. Favorite sport ko kasi 'yon. Bukod sa ang sarap sa pakiramdam ng napapasok yung bola, nakaka-exercise pa ako.

In short, wala ako nagawa this summer.

In fact, excited na nga ako magpasukan dahil makikita ko na ulit si Kyle.

Isa pa, na-cut lahat ng communication lines ko. Before grad, pinatanggal na ni Mama yung phone line dahil wala naman daw tumatawag at saka may cell phone naman daw kami. Taposm nahulog pa sa batsa na may bleach yung cell phone ko. Buti na nga lang at black and white 'yon, kaya di ako masyadong nanghinayang. Ang pinanghihinayang ko lang, ando'n kasi yung number ng mga kaibigan ko sa dati kong school pati yung number ni Chris.

Kaso, wala akong number ni Kyle. Kaya lalo ako hindi nanghinayang. Haha!

Siyempre, 'no! Nakakahiya naman hingin sa kanya yung number niya. Sabihin pa, e, nakikisali ako sa mga federasyon ng mga babaeng may gusto sa kanya.

Isisikreto ko na lang 'to habambuhay.

Weh? Kaya mo 'yon, Xeira? pagkontra ko sa sarili ko sa utak. Tingnan lang natin.

548 Heartbeats (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon