Gresha
Dahil sa mga katok mula sa pinto ay wala sa sarili akong napamulat ng mga mata. Gusto ko pang matulog.
Nanghihikab pa ako ng buksan ko kung sino man ang nasa kabila ng pinto.
Agad nagising ang aking diwa ng tumambad sa akin ang istriktong mukha ni Tita Veron. Sabi niya sa akin noong nakaraan ay Veron na lang daw ang itawag ko sa kanya sa halip na Veronica. Okay naman sa akin para medyo maiksi.
"Our boss invites us for dinner. You have 30 minutes to fix yourself," maiksi niyang pahayag at umalis na siya na hindi manlang hinintay ang aking sagot.
Ano raw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Dinner?
Napatingin ako sa relos ko at napatampal ng malamang 6:00 pm na. Ang plano ko kanina matapos kumain ay magpahinga lang sandali at babalik din sa garden, ngunit masyadong napahaba ang naging tulog ko. Siguro masyadong napagod ang aking katawan kanina.
Kinurot ko ang aking sarili dahil sa pagkadismaya. Unang linggo pa lang ay nagiging iresponsable na ako.
Bigla naman akong naging alerto ng bumalik sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Tita Veron. Sasabay kumain sa amin si Boss Blue Eyes --- hindi ko pa alam ang pangalan niya. Ito ang unang pagkakataon na sasabay siya sa amin.
Omg!
*
It only took me 20 minutes to fix myself.
Nang makarating ako sa dining room ay agad kong nakita sina Tita Veron at si sir na prenteng nakaupo. Kanina pa ba sila? Baka isipin nilang paimportante pa ako.
Pormal na bistida ang suot ni Tita Veron at pulidong nakapusod ang kanyang buhok. Si sir naman ay naka-long sleeve na royal blue at nakatupi ang sleeve hanggang siko. Bigla akong naging conscious sa suot kong simpleng jogging pants at mint green na tshirt.
"You're here, at last," nakangiting bati sa akin ni Tita Veron at itinuro ang silya na kaharap niya kaya doon ako umupo.
Napakahaba ng mesang ito. Nasa gitna si sir, nasa kaliwa niya ako at nasa kanan naman niya si Tita Veron.
Hindi ko alam kung bakit, pero simula ng makapasok ako ng dining room ay hindi na ako pinutulan ng titig ni sir. May mali ba sa hitsura ko? May dumi ba ito? Napayuko na lang tuloy ako dahil medyo nakakahiya.
"Let's eat," pahayag ni Tita Veron at binuksan ang takip ng mga putahe.
Halos mapanganga ako sa rami ng mga nakahandang pagkain. Iba't-ibang putahe, ang iba ay hindi ko alam kung ano ang tawag. Ngunit lahat ay nakakatakam. Napakaayos ng pagkaluto at napakaganda ng pagka-garnish.
Nang magsimula na silang kumilos ay kumuha na rin lang ako ng kanin. Pinagpipilian ko pa kung anong ulam ang pipiliin ko ng biglang - - -
"Try this beef steak, Gresha. This is my specialty," alok sa akin ni sir, kaya tinanggap ko na lang dahil nakakahiyang tanggihan.
Specialty niya ito. Ibig sabihin ay siya ang nagluto.
Nagsimula na kaming kumain. Sobrang tahimik at tanging mahihinang tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig sa paligid.
Napakasarap ng beef steak na ito.
"Try this one also." Hindi ko pa nauubos ang aking pagkain ay may inalok na naman si sir.
Napatingin ako sa kanya. Sobrang seryoso pa rin ng kanyang mukha. Walang emosyon. Awkward ko itong tinanggap.
"Thank you sir...."
"Call me Caldrix." Sa ilang araw ko rito ay ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Sa wakas at nagpakilala na siya.
"Thank you, Sir Caldrix," sabi ko at tipid na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...