Obsession 9

24.5K 1K 18
                                    

Gresha

Maayos kong ibinalik sa cupboard ang pinagkainan ko matapos ko itong hugasan.

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng magtrabaho ako dito sa mansion. Hindi naman ako masyadong nahirapang mag-adjust.

Napatingin ako sa paligid. The place looks better than the first time I arrived here. Mas malinis at maayos na ito ngayon.

Natatandaan ko pa noong una kong makita ang mansion. Halos hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahang isang napakalaki pala nito. Halos limang beses ang laki nito sa mansion ni Mang Agustine. I can't believe that I spent a whole week of cleaning just for the first floor.

European ang main design ng mansion. I'm kindda familiar with house designs dahil mahilig akong magbasa ng architectural brochures sa library. Pangarap ko kasing makapagpatayo ng magarang bahay para sa magiging pamilya ko sa hinaharap.

Puno ng mga antigong bagay ang loob ng mansyon. Doon ko nalaman na kaya pala inerekomenda ako ni Mang Agustine sa trabahong ito dahil alam niyang may background na ako sa paglilinis at pag-aalaga ng mga antique na bagay. Sa kanya ko rin personal na natutonan iyon.

A deafening silence.

Tulad ng unang pagtapak ko rito ay nakakabinging katahimikan ang palaging sasalubong sa akin kahit saang sulok man ako pumunta.

Hindi rin kami madalas mag-usap ni Tita Veronica. Parehong nasa first floor lang ang kuwarto namin ngunit dahil nga sa laki ng mansiyon ay mahabang hallway pa ang lalakarin ko papunta roon. Kung may kailangan lang akong itanong at ipagpaalam ay tsaka ko lang siya kinakausap. Most of the time, she's at the library of this mansion. Isang beses lang ako nakapasok doon at sobrang namangha ako sa laki nito at rami ng librong naroroon.

Well, everything here truly amazes my whole being. Maybe because I've never been to a place as grand as this one.

Marahan kong binuksan ng maliit ang kurtina, yung kasya lang upang makita ng aking isang mata ang paligid sa labas. Hindi ko maiwasang maalala noong pangatlong araw ko rito.

I'm busy sweeping the dust off. Noong mga nakaraang araw ay magkatulong kami ni Tita Veronica sa paglilinis at gina-guide na rin niya ako sa ibang bagay tungkol sa paglilinis dito. Ngunit may kailangan siyang asikasuhin ngayon kaya ako na lang mag-isa ang naglilinis.

Nahihirapan akong makita ang alikabok sa paligid dahil sobrang dilim sa loob. Halos natatakpan ng makakapal na kurtina ang bawat bintana. Sinadya kong patayin ang chandelier na dapat sana ay ang nagbibigay liwanag sa paligid, naisip ko kasing masyadong sayang sa kuryente. Pansin ko kasing halos laging nakabukas ang mga ilaw sa mansion. Kaya walang pag-aatubili ay napagdesisyunan kong buksan ang kurtina ng katapat kong bintana.

Masyadong makapal at mabigat ang kurtina. May kalakihan din ito kaya pahirapan ako. Nakakakalahati pa lang ako sa pagbubukas nito ng isang dumadagundong na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng first floor.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING GRESHA!?" Isang sigaw mula kay Tita Veronica kaya bigla akong napaharap sa kanya

Her strict face is now crumpled with dismay and anger.

Dahil una kong beses masigawan niya ay bigla akong kinabahan at nanginig. Hindi ko inaasahang sa simpleng pagbukas ng kurtina ay magiging ganyan na ang reaction niya.

"I-I'm just about to open the c-curtain." Dahil sa kaba ay halos malunok ko na ang dila ko.

Bigla siyang napatingin sa aking likoran. Nanlaki ang kanyang mga mata. Shock and fear crossed her eyes. Pagkadaka ay napalunok siya na parang nakakita ng multo.

What's the matter?

Dahil sa pagtataka ay napalingon rin ako pabalik sa aking likoran. Hindi ko inaasahang nakasara na ang kurtina ng bintana na sa aking pagkakaalam ay kalahating nabuksan ko na kanina. It's so weird.

Siguro dahil sa pagkataranta sa sigaw ni Tita Veronica ay hindi ko namalayang bigla ko na pala itong naisara pabalik kanina.

Biglang siyang huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

"Look. I'm sorry for how I reacted earlier. Masyado lang akong stress sa mga bagay na inaasikaso ko ngayon. I didn't mean to scare you." Napansin kong biglang umamo na ang kanyang mukha. Kahit ang pagka-istrikto nito ay nawala na rin kaya kumalma na rin ako.

"That's fine, Tita Veronica." I give her a reassuring smile.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo na mahigpit na ipinagbabawal ng ating amo na buksan ang kurtina sa mansiyong ito?"

Napailing ako dahil hindi naman talaga niya iyon ibinilin sa akin. Sa dinamidami ng ibinilin niya ay maigi ko yung tinatandaan at sinusunod, ngunit ang tungkol dito ay hindi kabilang sa mga bilin niya.

Napahilot siya sa kanyang sentido.

"How did I forget a very vital reminder?" napapailing niyang sabi na mukhang kinakausap ang sarili.

That was the first time that I was scolded by her. So far, hindi pa nasusundan, sana naman hindi na.  Ngunit hanggang ngayong ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ayaw nilang buksan ang kurtina. Like duh? Nagpagawa pa sila ng bintana kung palagi namang nakasira at natatakpan ng kurtina. Ngunit dahil tagalinis lang ako rito ay hindi na ako nag-usisa pa.

Mula sa maliit na nakatabig na parte ng kurtina ay nakita kong hindi gaanong katirik ang araw ngayon. Mabuti naman.

Gusto ko kasing maglinis ngayon sa harden na nasa harap ng mansiyon. Nang madaanan kasi namin ito noon ay halatang ilang taon ng walang maintenance.

Tinungo ko na ang stock room at kumuha ng mga kakailanganin kong kagamitan.

Habang tinatahak ang daan patungo roon ay bigla akong naging conscious sa paligid. Simula ng dumating ako rito ay pakiramdam ko palaging may mga matang nakatitig sa akin.

I bit my lip.

I'm just being paranoid. Dahil siguro sa sobrang katahimikan ng lugar ay kung anu-ano nang ideya ang nililikha ng aking utak para malibang manlang ako.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon