Obsession 6

26.2K 1.1K 70
                                    

Gresha

Dahil pubos na yung stocks ko ay naisipan kong mamili sa malapit na supermarket. Madali lang ang inilagi ko sa university dahil nagpasa lang naman ako ng mga proyekto, at wala namang naging problema.

Malaking tulong ang perang ibinigay sa akin ni guardian angel.

I smile with that thought. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino siya. Bakit niya ako tinutulungan?

"Here's your receipt, ma'am." Sabi ng lalaking cashier.

Nginitian ko lang siya. He stared at me for a bit then I saw him blushed.

Lumabas na ako sa supermarket at ang mainit na sinag ng araw ang agad na sumalubong sa akin.

Nang may mapadaang tricycle ay pinara ko ito. Nakapaninibago lang dahil noon ay hindi ako mahilig sumakay pauwi, ngunit ngayon ay iba na. May budget na kasi ako para sa pamasahe.

Hays. Hindi talaga mawalawala sa isip ko ang guardian angel ng aking buhay.

Nang makapasok na ako sa kuwarto ay agad kong inayos ang aking mga pinamili. Pagkatapos ay kumuha ako ng binili kong mumurahing chocolate at napagdesisyunang mag review na lang muna dahil medyo maaga pa.

*

"You can now pass your paper if you are already done answering." Pag-iimporma sa amin ni Ma'am Hernandez.

Dahil tapos ko ng i-chek ang ang aking mga sagot ay napagdesisyunan ko nang ipasa na ang aking test paper. Malugod naman itong tinanggap ni Ma'am Hernandez.

"Ms. Iris, you are really an asset to this school." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you so much, Ma'am."

Nang makalabas na ako ng classroom ay kakaibang ginhawa ang aking naramdaman. Sa wakas natapos na rin ang dalawang araw na nakalaan para sa Final Exam.

May exam na medyo madali, meron ding sobrang hirap. Ngunit umaasa akong sana magbongga naman ng maganda ang pagsisikap ko. Kailangan ko ng mataas na grado dahil doon nakasalalay ang pagiging scholar ko sa unibersidad na ito.

Tinignan ko ang aking relo at nalamang eksaktong 4:00 na ng hapon.

Bukas ay ang huling araw ng pasukan para sa semester na ito. Wala na sana kaming exam bukas, ngunit dahil scholar ako ay kailangan ko pang mag community service. Wala naman akong reklamo dahil malaki ang naitutulong sa akin ng scholarship.

Pumara na ako ng jeep pauwi. Dahil oras ng uwian ay marami ang pasahero kaya medyo siksikan sa loob. Ganito talaga basta public transpo.

Habang nasa loob ng jeep ay malaya kong naririnig ang usapan ng mga pasahero. Tungkol na naman ito sa kumakalat na kriminalidad. Panibagong bangkay na naman ang natagpuan sa kabilang village. Dahil naging busy ako sa pagrereview ay isinawalang bahala ko muna ang tungkol dito. Ngunit base sa descriptions nila ay kusang tumatayo ang aking mga balahibo. Nakakatakot at nakakasindak.

"Sa tingin ko ay isang organisasyon o sindikato ang may pakana niyan. Tignan mo naman, halos parepareho ang paraan ng pambibiktima nila, at ito ay upang tumatak sa atin ang kailang grupo."

"Baka naman mababangis na hayop lang na nabulabog sa kagubatan kaya pumunta rito sa siyudad."

"Pwede ring aswang ang salarin."

Dahil sa huling suhestiyon mula sa isang pasahero ay halos lahat nagtawanan.

"Ayos ka lang ba pare? Anong taon na ngayon, ngunit naniniwala ka pa rin sa bagay na yan?"

Muli silang nagtawanan at nagpatuloy sa pag-uusap.

Lahat kami ay napatigil ng biglang umiba ang direksiyon ng sinasakyan naming jeep.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang nangyayari. Halos lahat ng pasahero ay nagpapanic na rin.

Sa harapan ay may dalawang truck na malapit nang bumangga sa amin. Napakabilis ng pagmamaneho ng kung sinomang driver ng truck at halos pazigzag na ang kanilang direksiyon.

"Aray." Daing ko ng mauntog ang aking ulo sa bakal dahil sa biglaang pagpreno ng jeep.

Napatingin ako sa driver ngunit mabilis itong umalis sa upoan niya at lumabas ng sasakyan.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa loob ng jeep. Nagsisigawan. Nagtutulakan.

Bigla akong natuod ng makitang ilang pulgada na lang ang layo at magsasalpukan na ang aming sinasakyan at ng truck. Ilang segundo na lang.

I'm trembling with fear. Tears are flooding my eyes, halos blurry na ang paningin ko.

Naramdaman kong parang bumaligtad ang jeep kasabay ng isang malakas na ingay ng nagsalpukang sasakyan.

Napasigaw ako at napapikit.

Is this the end of me?

Ilang segundo lang ay naramdaman kong parang may malakas na hangin ang pumalibot sa aking katawan at mabilis ako nitong hinila kung saan.

Is this the feeling when you're about to die?

Narinig ko ang malakas na pagsabog dahil sa impact ng nagbabanggaang sasakyan. Nakapikit pa rin ako at nanginginig.

Naramdaman kong tumama ang pang-upo ko sa semento.

Bigla akong napamulat.

Nakaupo na ako ngayon sa isang bench na malapit sa kalsada.

At sa aking harapan ay mga nakabaliktad na sasakyan. Halos umusok ang parte ng kalsada. Nakakarinig din ako ng iilang sigaw. Sigaw na nagpapatunay na sobra silang nasasaktan ngayon.

I hold my breath.

Malinaw kong nakikita ang jeep kung saan ako kanina nakasakay. Wasak ang unahang parte nito at bumaliktad din.

How was it possible?

Alam kong nasa loob ako kanina ng jeep. Nasa loob ako, nanginginig sa takot. Umiiyak sa pangamba. Nasa loob ako at tanggap ko na ang aksidenting mangyayari sa akin.

Ngunit bakit nandito na ako?

Walang galos, walang pasa, walang sugat, ngunit puno ng tanong at pagatataka.

Paano ako nakalabas?

"Hush now, Gresha." Isang panglalakeng boses ang aking narinig. Medyo husky at piyok ang pagkakasabi nito.

Just upon hearing his voice, my system automatically calms down.

Napalingon ako sa paligid ngunit walang sino man ang nasa malapit dahil lahat ng taong nandito ay nagdagsaan na sa pinangyarihan ng aksidente.

Saan galing yung boses na yun?

Am I hallucinating again? Is this a post traumatic reaction?

Kahit ilang beses ko pang isipin ay napakaimposible. Napakaimposibling nakaligtas ako mula sa aksidente. Kinurot ko pa ang aking sarili at sinigurong hindi ako isang kaluluwa na lang.

Ang daming tanong ang sumakop sa aking isipan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang pumasok sa isip ko ang isang persona.

My guardian angel.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon