Obsession 2

32.7K 1.2K 136
                                    

Gresha

Dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata ay napamulat ako.

Hinigpitan ko muna ang kapit sa aking kumot at nag-inat saka tuluyang tumayo na.

Another day.

Napahaba ang tulog ko dahil sa pagod. Hindi na nga ako nakapaghapunan kagabi.

I'm hungry.

Tinahak ko ang mini kitchen at naghanda na ng aking makakain.

Habang kumakain ako kay biglang may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko kung sino man ito.

"Good morning, Gresha. Can you do my homework? May lakad kasi ako. Babayaran na lang kita," nakangiting pahayag ni Cathy.

Nakabihis siya ng maayos, mukhang may lakad na naman sila ng boyfriend niya.

"Masyado bang matagal ang lakad na iyan?" tanong ko pabalik sa kanya.

Ayaw kong masanay siya na palagi na lang sa akin pinapaggawa ang homework niya. She needs to learn to do it on her own.

Ngumiti siya ng alanganin.

"Ah. Hindi naman, ngunit hindi ko talaga kayang sagutin eh. Kaya ipapagawa ko na lang sa'yo, dating gawi." Tumawa pa siya.

Tinanggap ko na lang dahil alam kong magpupumilit na naman siya, tulad ng nakagawian niya.

Nang makaalis na siya ay muli kong isinara ang pinto.

Naging emotionless muli ang aking mukha. Ganito ako palagi. Ganito ako pinalaki ng aking ina.

I was raised in isolation. I was distant to everyone. She would always remind me to never give my trust to someone easily. Hindi ko alam kung bakit, ngunit hinayaan ko na lang dahil wala naman akong problema sa pagpapalaki niya sa akin.

Ngunit nang mawala siya ay tuluyang nagbago ang takbo ng buhay ko. Kailangan kong makisalamuha sa karamihan upang maigapang ko ang aking sarili. Sinusubukan kong ibahin ang natural kong pakikitungo.

Ngunit kung mag-isa lang ako tulad ngayon ay bumabalik ang aking pagiging malamig, ang aking orihinal na pagkatao.

Kumuha ako ng lapis at pinagpatuloy na ang aking agahan habang sinasagutan ang homework ni Cathy. Hindi naman masyadong mahirap. Kung makikinig lang siya sa kanilang guro ay sigurado akong masasagutan niya ito, ngunit isa siyang iresponsabling estudyante.

Inuuna niya ang kanyang boyfriend sa lahat ng bagay. Hindi niya man lang natatanaw kung gaano siya kaswerte na may mga magulang pa siya na sumusuporta sa kanya.

*

Masiglang paligid ang sumalubong sa akin ng makalabas ako sa village na tinutuloyan ko. Tinahak ko na ang daan papunta sa pinagtatrabahuan ko tuwing Linggo.

Nasa Ipil-ipil Street ito, nasa kabilang village lang at hindi gaanong kalayo mula rito. Ang kasunod na village ay naroroon ang unibersidad na aking pinapasokan, at nilalakad ko lang din ito tuwing may pasok. Sayang sa pamasahe kung sasakay pa ako.

Habang nagalalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang patungkol sa kumakalat na balita.

Another victim.

Sana naman mahuli na ng mga pulis ang may kagagawan nito at matapos na ang karumaldumal na krimen.

"Magandang araw, Mang Agustine," bati ko sa nakatalikod na may katandaang lalaki. Siya ang amo ko tuwing Linggo.

"Napaaga ka na naman, Gresha. Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

Alam niya ang kasalukuyang sitwasyon ko. Alam niyang ako na lang ang sumusuporta sa akin at nag-aaral pa ako. Kaya in-adjust niya ang oras ng aking trabaho. Ginawa niyang 9am ang aking pasok.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon