...Sinubukan kong tumayo kahit kakaibang sakit na ang nararamdaman ng aking katawan.
"You're in deep pain. Let us end it." Napasinghap ako dahil sa nagsalita.
Dalawang bampira ang nakatayo ngayon sa aking harapan.
Napaatras ako.
Dahil siguro sa adrenalin rush ay nalaman ko na lang na tumatakbo na ako palayo sa dalawang iyon.
Tumakbo ako ng mabilis at hindi na sila liningon pa. Tuluyan na akong pumasok sa gubat.
Nakakakilabot na halakhak ang umalingawngaw sa paligid.
"You're like a scared kitten."
Napaigik ako ng tumama ako sa isang matigas na bagay at napaupo sa lupa.
Damn!
Nakangising bampira ang nakita ko sa aking harapan. Marahil sa kanya rin ako nabunggo.
"You can't run from us."
He's right. Kahit gaano pa ako kabilis tumakbo ay maaabutan din nila ako. They're vampires. They got incredible speed.
Nakalapit na rin sa kanya ang isa niya pang kasama.
Marahan akong napaatras sa kanila hanggang sa tumama ang aking likod sa isang puno.
Ito na ba ang katapusan ko?
I can't help but remember how my life went through the years. Simula ng magka-isip ako, tumuntong sa elementarya, lumipat ng village, nagtrabaho upang maipagpatuloy ang pag-aaral, at hanggang sa senaryong nasa harapan ko ngayon.
I know that I don't have many memories to rekindle because I've been living in an isolation for many years. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa mga taong nakilala ko at medyo napalapit na sa akin kahit sa madaling panahon pa lamang.
Handa na ba ako?
Handa na ba akong lumisan sa mundong ibabaw? Sabagay, wala namang magluluksa sa aking pagkawala. Dahil nauna nang mawala ang kaisa-isang taong naging sobrang malapit sa puso ko.
Ang aking ina.
"You're so beautiful." Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang isang bampira sa akin.
Marahas niyang hinaplos ang aking pisngi. Ramdam ko ang gaspang ng kanyang kamay at ang tulis ng kanyang mga kuko.
Napahiyaw ako ng maramdamang sinugatan niya ako sa pisngi.
"Your blood is so inviting that we can't resist to taste it." Dinilaan niya ang dugo ko na kumapit sa matulis niyang kuko.
"Too bad, you'll die soon."
"Huwag kang pangahas. Diba malinaw na ipinag-utos sa atin na dalhin siya ng buhay?" Suway sa kanya ng isa niyang kasamahan.
"The scent and taste of her blood are making me insane. It's too sweet like no other. Ngayon lang ako nakaamoy at nakatikim ng ganitong klaseng dugo. It's driving me crazy. I know you're feeling the same too."
Naramdaman kong muli niya akong sinugatan sa pisngi.
"Have a taste." Alok niya sa kasama niya.
Agad itong lumapit at dinilaan din ang aking dugo na nasa kuko ng kasama niya.
Biglang mas pumula ang kulay ng kanyang mata pagkatapos matikman ang aking dugo.
"You will die and we will suck your blood out of your body." Nakakatakot niyang sabi.
Itinutok niya ang kanyang kamay sa aking dibdib.
This is it.
Mommy, susundan na kita.
Pumatak na naman ang aking luha na kanina pa walang tigil sa pagbuhos. Parang hinahati ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay handa na akong mawala, ngunit sa kabilang banda ay may panghihinayang at takot na mamatay.
Marami pa akong gustong gawin at makamit. Paano na iyong aking mga pangarap? Gusto ko pang makapagtapos. Makapagtrabaho. Bumuo ng sariling pamilya. Mamuhay ng payapa.
Ngunit tila pinagkaitan ako ng tadhana.
Napapikit ako ng makitang handa na akong saksakin ng bampirang nasa harap ko gamit ang kanyang kamay.
Hanggang dito na lang ang buhay ko.
Napangiti ako ng mapait.
My guardian angel is not around to save me this time.
That, if I ever had a guardian angel in the first place.
Tanggap ko na ang naging takbo ng buhay ko. Death is certain to everyone. From the moment we were born, we are subjected to die. That's a common flow in the universe. Yet, we have no idea of how and when we will die.
Like me. I have no idea that I will die like this.
I will die like those victims from our neighbouring villages.
Nagtaka ako dahil ilang segundo na ang nakalipas ay hindi ko pa rin nararamdaman ang pagbaon ng mga kuko ng bampira na handa na akong saksakin.
Nakarinig ako ng iilang daing kaya napamulat ako bigla.
Napanganga ako ng makitang nagiging abo ang katawan ng bampirang kaharap ko.
His ashes flew with the wind, revealing someone I never expect to come.
"Tsk."
Kahit hindi masyadong maliwanag sa parte ng gubat na ito dahil sa mga nagtataasang kahoy ay malaya kong nakikita ang kanyang mukha.
Sobrang salubong ang kanyang kilay. Nakakatakot ang kanyang aura na mukhang handa siyang pumatay---well, he just killed a vampire a while ago. Ang kanyang mga asul na mata ay kulay pula na.
Just I expected, he's also like them. A vampire.
Parang naging slow motion ang lahat.
He grabbed my hand for me to stand, then he carries me in a bridal style position.
Napasandal ako sa matigas niyang dibdib. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng natural na kapayapaan sa mga bisig niya.
Biglang nawala lahat ng takot at pagkabahala sa aking sestima. I suddenly feel safe and sound. It's as if he is my safe haven, my stronghold, my home.
Isang bampira ang susugod sana sa amin ngunit biglang nagliyab ang katawan nito. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari.
Umalingawngaw ang kanyang sigaw dahil sa sakit, na kalaunan ay nawala kasabay ng pagiging abo niya.
"S-sir Caldrix." I called his name in whisper.
"Hush now, my little Gresha."
Just upon hearing his voice, the storm inside me suddenly calmed.
Is he my guardian angel all this time?
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok ang kaisipang iyan sa aking utak.
I saw him grin.
"No, Gresha. I can never be your guardian angel because I'm a demon. But I'm willing to save you anytime no matter what it costs, because you are my religion."
With that, I fell to a deep slumber.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...