Nang magising si Kai ay ang kulay puting kisame ang bumungad sa kaniya. Masakit na masakit ang ulo niya kaya nahirapan siyang bumangon. Napangiwi siya nang biglang sumakit ang kamay niya na may nakakabit na swero.
"Nasaan ako?" nanghihinang anas ni Kai.
"Nasa langit ka na, dude." naiiling na bungad naman sa kaniya ni Mantis.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Napalabi naman ito at muling nagsalita.
"Isinugod ka namin sa ospital dahil bigla ka na lang nawalan ng malay kanina. Ikaw naman kasi, sinabi ko na sa'yo na hintayin mo lang ako at ipapark ko lang ng maayos ang kotse mo pero bigla ka naman tumakbo sa looban. Nadale ka tuloy."
Natigilan siya nang maalala ang buong pangyayari. Nakita niya na aktong ihahampas ng matandang babae ang hawak nitong tubo kay Charity kaya mabilis na dinaluhan niya ito. Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay niyakap pa siya nito habang pinipigilan nito ang matanda sa pagwawala.
"Ah.." napaungol siya nang muling kumirot ang ulo niya.
May benda ang ulo niya at masakit din ang bandang likod niya. Daig pa niya ang binugbog ng mahigit sampung tao dahil sa pananakit ng buong katawan niya. Nang bigla siyang may maalala ay agad na tumayo siya.
"Nasaan si Charity? okay lang ba siya?" iglap lang ay nasa harap na niya si Mantis at pinipilit siyang bumalik ulit sa kama niya.
Natigilan siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa niyon ang nag aalalang mukha ni Charity. Maliban sa nakabalot na benda sa magkabilang mga kamay ay wala na siyang nakitang ibang pinsala dito.
Nakatulalang pinagmasdan niya ang babae. Ngayong nakita niya ang pag aalala at takot sa mga mata nito ay mabilis na naging abnormal ang tibok ng puso niya. Parang nawala ang mga gamit na naroon sa kwarto at tanging ang magandang mukha lang nito ang nakikita niya.
"Sibat na muna ako." si Mantis.Hindi niya ito pinansin at hinayaan na itong lumabas ng kwarto para hindi na ito makaistorbo pa.
"C-charity.." daig pa niya ang ipinako sa kinatatayuan nang patakbong lumapit ito sa kaniya. "Ouch," napaigik siya nang mahigpit na niyakap siya nito.
"S-sorry.." umiiyak na sabi nito.
Itinago nito ang mukha sa dibdib niya habang ang mga palad nito ay nakapigil sa laylayan ng hospital gown niya.
"Halos mamatay na ako sa sobrang takot at pag aalala sa'yo. Magdamag kang walang malay kaya hindi ko na alam kung ang gagawin ko." mahinang sabi nito habang humihikbi.
Saglit na natigilan siya. May kakaibang emosyon ang bumaha sa dibdib niya. Gustuhin man niyang yakapin ito ay hindi niya magawa. Maliban sa masakit ang katawan niya ay may swero pang nakakabit sa isang kamay niya. Gamit ang libreng kamay ay kinabig niya sa baywang si Charity. Hinaplos niya ang ibabaw ng ulo nito habang patuloy pa rin ito sa paghikbi.
"Takot na takot din ako.... ang akala ko sinaktan ka na niya bago pa ako dumating." naipikit niya ang mga mata nang ipaikot nito ang mga braso sa bandang leeg niya.
Gamit ang libreng kamay ay hinuli niya ang palad ni Charity. Dinala niya ang palad nito sa mga labi niya at paulit ulit na hinalikan ang ibabaw niyon na may benda."Masakit pa ba?" ibang iba ang pakiramdam niya habang magkadikit ang mga balat nila.
Pakiramdam niya ay parang may bombang sasabog ng malakas sa loob ng dibdib niya dahil sa matinding emosyon na bumabalot sa kaniya.
"Hindi na.." tugon nito.
Hinaplos nito ang magkabilang pisngi niya bago siya nito muling niyakap ng mahigpit. Paulit ulit itong humingi ng tawad sa kaniya habang patuloy pa rin ito sa pag iyak.
"Sorry kung palagi na lang kitang itinataboy palayo. Hindi madali para sa akin na tanggapin ang ginawa ng daddy mo, Kai. At sa tuwing nakikita kita ay ipinapaalala mo sa akin ang lahat."
"I know, tanggap ko na ang tungkol sa bagay na iyon. Nakahanda akong maghintay na buksan mo ulit ang puso mo para sa akin. Kahit abutin pa ng mas matagal, basta masiguro ko lang na okay pa rin tayo. Kung sakaling tanggapin mo na ulit ako, pangako, iingatan kita. Papalitan natin ng masasayang alaala ang lahat ng sakit at takot diyan sa puso mo."
Halos hindi kumukurap ang mga matang anas niya.Nang mag angat ito ng tingin sa kaniya ay masuyong kinintalan niya ng munting halik ang noo nito. Habang yakap siya nito ng mahigpit ngayon ay parang unti unti nang nawawala ang sakit ng katawan niya.
Ah! I'm home!
BINABASA MO ANG
BE MY GIRL (COMPLETED)
Romance"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi si...