[ A/N: On these special chapters, I'll be using Ogie's point of view for the flashback. Kindly understand the scenes by its indicated dates. Thank you! ]
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
One.March 20, Wednesday
"Asan na kaya yun?" tanong ko sa sarili habang nagmamasid sa paligid. Hinahanap ko si Regine, hindi ko na namalayan kung saan nagpunta ang babaeng yun. Bumili lang ako saglit ng tubig tapos nawala nalang siya.
Pumasok ako sa pinakamalapit na lugar na pwede niyang puntahan—ang library. At andun nga siya, nagbabasa ng libro. Malapit lang siya sa pinto kaya agad ko siyang namataan.
Dala-dala ang camera, umupo ako sa kaligwas kung saan siya nakapwesto. Medyo may kalayuan lang ako sa kanya pero nasa iisang table lang kami. Mahaba ang table, nasa kabilang dulo siya at ganun din ako.
Matagal ko na siyang sinusundan. Ang totoo nga niyan, hanggang tingin nalang ako sa kanya. Napakaduwag ko naman kasi. Ni malapitan nga hindi ko magawa, makausap pa kaya? Paano na ako nito? Pero may tiwala ako sa Diyos, kung kami nga talaga gagawa Siya ng paraan para magkalapit kami.
Habang busy siya sa pagbabasa ng libro, sinemplehan ko na siya. Pinicturan ko na siya gamit ang camera kong lagi kong dala-dala para makuhanan siya ng picture.
I don't know why she seems so perfect in my every shot. Hindi naman ako ganun kagaling sa pagkuha ng litrato tapos kapag sa kanya na nakatutok ang camera, wow perfect! Uhm, how? I cannot believe this. May sira na nga ata ang ulo ko.
Maya-maya lang ay tumayo na siya. Napatakip ako dahil bigla siyang humarap sa direksiyon ko. Mukhang hindi naman niya ako napansin. Binalik niya ang libro kaya naghanda na rin ako sa pag-alis.
Nang makalabas siya ng library ay naman sumunod ako. She entered girl's comfort room at syempre hindi ako pumasok. Patago lang akong naghintay sa labas ng cr.
Tumatakbo siyang lumabas ng cr, sumunod ulit ako. Pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo, napansin kong hindi ko pala bitbit ang camera ko kaya mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo pabalik sa library. Mabuti't walang nakialam.
Muli ko siyang sinundan. Talagang binilisan ko ang pagtakbo para maabutan siya. Nang makita ko siya, nasa gitna siya ng kalye habang may paparating na sasakyan. Hindi na ako nagdalawang isip pa na tulungan siya. Ito na rin siguro ang pagkakataon para magkalapit at magkausap kami.
Parang nawala ako sa pagkatao ko nang inihiga ko siya sa bisig ko. Sa konting oras na nawalan siya ng malay ay natitigan ko ang maamo niyang mukha.
Mga ilang minuto lang ay nagising na siya. Halata sa mukha niya ang pagtataka, siguro hindi ako pamilyar sa kanya. Inalalayan ko siyang makatayo.
Wala na akong ibang naalalang pinag-usapan namin dahil parang nawala talaga ako sa sarili. Tanging natandaan ko nalang na sinabi ko ay, "Be my friend." Ngumiti ako at inilahad ang kamay para sa isang handshake. "I'm Ogie Alcasid and you are?"
"Regine Velasquez, ang babaeng problemado sa buhay." She chuckled while holding my hand for a handshake.
"Then we'll fix it together. I'm here and I will always be here, for you. Wag ka ng matakot."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Two.March 26, Tuesday
I miss my Regine so I texted her. Gusto ko nang marinig ang boses niya. Gusto ko na siyang mayakap. Gusto ko na siyang makita. I want you so bad.
To: My loves, Regine
Hey, are you busy? Let's go out. Baristas, 6:30 pm. See you!
BINABASA MO ANG
Perfect Shot [COMPLETED]
Fanfiction"I just want you to know, that when I picture myself happy, it's with you." In which a boy, Ogie, who loves photography unconsciously gets hooked into this not-so-pretty girl, Regine. He always follow her and secretly take pictures of her like a sta...