Chapter 32

198K 8.2K 4.7K
                                    

Sabi nila, na kapag nagbago ang perspective ng isang tao on how he views life because of you. You're indeed a game-changer for him. Minsan nga tinanong ko sa sarili ko na, posible pala talagang mabago ang isang tao ng pagmamahal ano?

Kasi wala ding kasiguraduhan kung iyong taong mahal mo ngayon, o 'yong taong nagpapasaya sa 'yo ngayon ay nandiyan hanggang dulo. You're lucky if you find someone that you can be with for the rest of your life.

Pero sa tingin ko...

It depends on how the relationship will go.

Kung paano niyo ipaglalaban ang pagmamahalan niyong dalawa. Because for me, there's no such thing as forever. Everything has its ends. Kung mawawala, edi mawala. Pero ang mahalaga, dumaan siya sa buhay mo para baguhin ka. Love has a purpose. Para turuan tayong maging matatag.

There's no such thing as forever if we base in physical aspects. Kasi kung mahal mo ang isang tao, magtatanim iyon ng alaala hindi lamang sa isip mo kundi pati sa puso mo. Even if you're not together, kahit may bago ka na, and there's always a place from your heart for him. At iyon ang pang habangbuhay.

Naabutan ko si mommy na kumakain mag-isa sa hapag. My mom had always been prim and proper. She taught me also to be one.

Umupo ako sa left side niya. Nagulat siya sa pag-upo ko, but she continued eating her breakfast.

"G-good morning." I was hesitant to greet her.

Mukhang nagitla siya sa pagbati ko. Ni hindi ko na maalalang binabati ko siya noon. Kasi simula nang kinalimutan niya na si daddy and found a new man, lumayo na ang loob ko. 'Cause, she always prioritizes him. Naisip ko tuloy na baka ayaw na sa 'kin ni mommy and she wants to build a new family with Allen, his ex. But I also wondered kung sila pa rin. I caught her talking to him, and I heard things. I wasn't that stupid.

"G-good morning..." Natulala si mommy. "Ginulat mo ako, hija..."

Tumungo ako.

I started eating breakfast. Tamang bacon, sunny side up egg, hotdog, and fried rice ang nakahain. Kumuha ako ng ilan. Ayoko masyadong kumain ng marami dahil ayoko ring tumaba. Not that being fat is ugly. All shapes are beautiful. I just want to keep my body figure as it is.

Tahimik ang pagkain namin sa hapag. Tanging tunog ng kubyertos ang namayani sa lamesa. I was startled when Mom opened a conversation with me. Naalala ko, nahuli niya ako nang nakaraan.

"Magco-college ka na, hija. Anong kukunin mong kurso?" tanong niya matapos subuin ang sliced hotdog.

Natigilan naman ako sa tanong niya. Wala pa akong naiisip na kursong kukuhanin. Ni hindi ko pa nga alam kung ano bang gusto ko. Si Nazareth din ay tinanong ako noong nakaraan tungkol dito pero wala rin akong maisagot.

Nazareth was holding my hand as we walked towards the kids. Naisip ko kasing magpakain para sa mga street children. And Nazareth willingly helped me with this. His lips were rosing up while looking at my face.

"Balak mo bang mag-madre?" He chuckled. Sinuntok ko siya sa tiyan kaya ininda niya iyon. "I'm just kidding, love!"

"Leche!"

"Halikan mo ako."

"At bakit naman?!"

"Sinuntok mo 'ko. Masakit. Kaya halikan mo ako para mawala ang sakit..."

Aamba ulit ako nang batok sa kaniya kasi putangina guys, nakakahiya. Lahat ng mga bata nakatingin sa amin habang masaya silang kumakain. Para silang kinikilig sa aming dalawa.

"Ayieeee!"

"Ang sweet niyo naman po!"

"Sana oil..."

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon