As expected, agad akong sinumbong ni ate kay mama pagpasok namin ng bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala si papa. Mabuti naman . . .
"Kung saan ka masaya, 'nak, ayos sa akin. 'Yon lang naman ang kahilingan ko. Ang maging masaya ang mga anak ko." sambit ni mama pagkatapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari ngayong araw.
"'Ma . . ."
"Basta 'nak, sana this time ay protektahan muna ang puso mo. I don't want to get you hurt again. Baka hindi ko na kayanin pa kapag muli kitang nakitang umiyak dahil sa lalaki."
"Don't worry, 'ma. Alam ko pong hindi ako sasaktan ni Arvin. He loves me. I love him. We love each other, 'ma. At sa tingin ko po, siya na."
"Randell, 'nak, hindi sapat ang mahal niyo ang isa't isa para magtagal ang relasyon niyo. Alam mo 'yan. Kaya pinapaalahanan lang kita."
"Alam ko po, 'ma . . . salamat po."
Pagkatapos akong yakapin ni mama, dumiretso na agad ako sa kwarto. Hindi pa ko nakakapagpalit ng damit nang mag-vibrate na ang phone ko.
From Arvin:
I wasn't expecting that. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o hindi. Masyado mo kong binibigla, Randell. Kainis ka naman hahaha. Anyway, nakauwi na ko. At hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako nito.Hindi ko mapigilang hindi mapangiti pagbasa ko ng text message niya.
Sana talaga siya na. Sana si Arvin na ang lalaking para sa akin. Sana kami na hanggang dulo.
BINABASA MO ANG
One Hundred I Love You's
RomancePromises are meant to be broken. *** Cover Design by Pzalm Franzenne Fama Begasin