A/N: Yay! First of all, congratulations kasi nakaabot ka rito. Salamat sa pagsubaybay sa kwento nila Arvin at Randell.
Ngayon, papunta na tayo sa Part Two. Pero bago 'yon, gusto ko muna kayong pasalamatan sa pamamagitan nito.
This is a special chapter for OHILY's Part One. This part is no longer a one hundred word count. Mga 1,500 word count ang target ko so we'll see. Dahil, una, kating-kati na kong isulat ang mahabang version ng point-of-view ni Arvin. At pangalawa, gusto kong mabigyan ng justice ang title through this hehe.
Again, thank you! And enjoy reading~
XO,
Endeex
END OF PART ONE:
SPECIAL CHAPTERWHEN YOU fall in love with a certain person and you accidentally broke her heart, you will do everything just to get her . . . back. After you made a mistake, wala ka nang ibang hihilingin pa kundi ang maibalik ang tiwala niya sayo. Maibalik ang puso niyang nawasak mo. Kahit na ang kapalit pa nito ay ang paulit-ulit na pagwasak ng sarili mong puso.
It's been three months already since that day happened. The day when she, maybe, decided that she loved the wrong person. And that wrong person was none other than me.
Natapos ang third year college ko nang hindi niya pa rin ako pinapansin. Nang hindi niya pa rin ako kinikibo o kinakausap man lang.
At ito ngang bakasyon na, patuloy pa rin ako sa pagsuyo sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag tungkol sa nangyari nung gabing 'yon. Wala na kong pakialam kung pakinggan niya ko o hindi. Basta sinigurado ko na sinabi ko sa kanya lahat-lahat.
Kung paano ako pinuntahan ni Faye sa bahay. Kung paano siya nakiusap na for one last time ay samahan ko siya. Kung paano niya sinabi sa akin na buntis siya. Kung bakit niya kami nakitang magkayakap. At kung bakit ako nagsinungaling sa kanya.
Lahat 'yon ay paulit-ulit kong sinasabi sa kanya. Walang labis, walang kulang. Dahil gagawin ko ang lahat, maibalik lang ang tiwala niya. Maibalik lang yung dating siya. Yung siya na gusto pa ako.
"Randell, mahal kita." mahina kong bulong sa kanya. Magkatabi kami ngayon rito sa auditorium. Bago raw kasi makuha ang report card namin for 3rd year, 2nd sem ay kailangan muna naming um-attend sa isang forum.
Ang totoo niyan, hindi talaga ako ang katabi ni Randell. Si Kenneth dapat. Mabuti na lang at napakiusapan ko si Kenneth. Pagtabi ko sa kanya, wala man lang siyang reaksyon. Naka-focus lang siya sa harap. Ang sakit makita na yung taong gusto mo, wala nang pakialam sayo . . . hindi tulad noon.
"I love you, Randell."
Wala pa ring kibo.
"Saranghaeyo."
Ni hindi man lang gumalaw ang mga labi niya at sumilay ang ngiti na matagal ko nang inaabangan.
"Mo ai ni."
Nanatili ang poker face niyang mukha.
"Je t'aime."
Nag-react siya! Buntonghininga nga lang.
"Te amo."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humarap pagkatapos kong sabihin 'yon.
For the past three months, ngayon na lang ulit nagtama ang mga mata namin. Pero tulad ng dati, ganito pa rin ang epekto sa akin. Ang bilis pa rin ng pagkabog ng dibdib ko. Parang may sampung kabayo na nagkakarerahan sa loob.
BINABASA MO ANG
One Hundred I Love You's
RomancePromises are meant to be broken. *** Cover Design by Pzalm Franzenne Fama Begasin