Chapter 34

29K 881 151
                                    

Chapter 34

            We left that place with a heavy heart. Parehas kaming nanahimik ni Alex all the way sa airport dahil hindi namin alam kung paano na ang gagawin namin. Yung last straw ng sinasabi kong pag-asa eh parang nawala pa na parang bula. I guess it was wrong of me to put a lot of my hope doon kay Armando. Maybe Alex and I can never be.

            “Guardian angel? G-guardian angel po kayo?” tinanong ko sa kanya after kong marinig yung sinabi niya.

            “Dati, hindi na ngayon…” sinagot niya kaagad, “I was reborn and I grew up like you.”

            Naaalala ko pa yung mukha nung Armando. Nakatingin lang siya sa akin nung sinabi niya na pinanganak siya na katulad ko at nagkaroon siya ng pamilya na katulad ko. He started over like all of us.

            Tinignan pa niya si Alex nun, “Ipapanganak ka uli habang siya,” tumango siya sa side ko, “--tatanda. Oo nga magiging mortal ka pero hindi ibig sabihin na kung ano ka ngayon, ganun ka rin kapag hiniling mo. Lahat may kapalit.”

            “How did you remember all of this if you were reborn?” tinanong ni Alex sa kanya ng deretsahan, “If you started over?”

            Walang hesitation na sumagot yung Armando, “Dahil lahat ng mortal may anghel na sumusunod. I was assigned one. Professor na ako sa university nung simulang makita ko siya.” Inilayo niya yung tingin niya sa amin at ipinakita niya yung isang charcoal sketch ng isang napakagandang mukha ng isang babae, “Nung mga panahon na may naaalala ako na mga mukha ng mga taong hindi ko kilala, siya ang nagpaliwanag sa akin ng lahat. Na anghel daw ako dati at mukha ng mga taong tinulungan ko ang nakikita ko. Pero siyempre, wala naman akong matandaan. Alam ko lang, naniniwala ako sa kanya.” He bit his lip for a little bit, “Hindi ko alam kung hiniling ko bang maging mortal para sa sarili ko, o katulad mo na gustong maging mortal para makasama ang isa pang mortal. Does it matter?” tinanong niya kay Alex, “I don’t know if there ever was someone in that point of my existence. Because I just. Don’t. Remember.”

            Nakita ko nun si Alex na hinawakan yung ulo niya. Gusto ko nun na yakapin siya pero hindi ko nagawa. It’s one thing to be reborn at hindi kami mabubuhay ng sabay, but it’s also one thing na hindi niya ako matatandaan. Walang luha na gustong lumabas sa mga mata ko dahil alam ko—kahit papaano—may paraan naman siguro. There has to be.

            “I’ll see you later…” narinig ko na sinabi ni Alex nung malapit na akong mag-board sa plane. He looked really down, and he didn’t seem to want to talk about it. Hindi pa ako nakakalayo nun, he disappeared.

            I tried to sleep off yung maikling flight ko nun pero hindi ko pa rin nagawa. I kept playing the conversation over and over doon sa ulo ko. I think I was psyching myself out. Gusto kong makatulong at makahanap ng paraan, pero parang wala akong magawa.

            As soon as I landed doon sa airport at kakalabas ko pa lang, nakita ko na may malaking cardboard sign doon sa mga taong naghihintay na nakalagay eh, ‘Waiting for my beautiful girlfriend, Zoe Aldana’ at may heart pa doon sa dulo. Kahit na maraming tao doon, hindi  mo mami-miss dahil malaki yung sign at yung may hawak pa eh sobrang tangkad na tao na parang poste. Naka-sunglasses pa siya at ngiting-ngiti na kumakaway sa akin. Lumakad naman akong papunta sa kanya, “Hoy anong kalokohan yan? Ibaba mo nga yan!” kinuha ko naman yung cardboard sa kanya, “At anong ginagawa mo dito sa airport ha Jax?”

            “Sinusundo kita, hindi ba halata?” nakangiting pagsabi niya sa akin.

            Nagtinginan naman yung mga tao na kasabayan niya at nagsimula na kaming asarin na dalawa. Feel na feel naman ni Jax yung mga sinasabi dahil umakbay pa sa akin at panay ang sabi na ang ganda daw ng girlfriend niya at ang swerte daw niya. Ngumiti na lang ako bago ko pa siya piningot at hinila doon sa gilid.

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon