Siguro nga, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mamahalin natin ang tamang tao. At walang unang pag-ibig ang nagkakatotoo.
Minsan talaga, minamahal natin ang isang tao na hindi naman nakatakda para sa atin. At minsan naman, nagmamahal tayo ng walang kamalay-malay na pag-ibig na pala ang tawag doon.
Medyo tanga kasi tayo e.
September, 2015
"Aaaaah, ayoko ng pumasok sa school," parang mamatay kong sabi kasabay ng pagbagsak ng likod ko sa kama. To be specific, sa kama niya.
"Problema ba 'yun? Magdrop ka na lang kaya."
Nilingon ko ang likod ng lalaking nilalamon na ng screen ng desktop computer niya dahil sa kakalaro ng isang video game na 'di ko naman maintindihan. "Hindi pwede. Pag nagkataon mababawasan lang 'yung pagkakataon ko para makita siya."
Yep, siya.
Si Kristoff Francisco, ang step-brother ko na nagtatrabaho bilang music teacher sa university ko. Ang first love ko na probably ay last love ko na rin. Wala ng mas titimbang pa kay Kuya. Nangako na ako sa langit at maging sa lupa na sa buhay kong ito ay magiging kanya lang ako.
Parang walang narinig ang kasama ko sa kwarto at nagpatuloy lang sa pagpitik ng mga daliri sa keyboard ng computer. Kailan pa nga ba nagkaroon ng interes sa buhay ko ang taong 'to? Hindi naman kami magkaibigan. Pero ewan ko ba, sa tingin ko kaming dalawa ang pinaka-nakakaintindi sa isa't isa. Ako lang ang nakakaintindi sa taong 'to, at parehas noon, siya lang din ang totoong nakakaintindi sa akin.
Nakahiga pa rin. Ibinalik ko ang tingin ko sa kisame. "Ang taas pala ng ceiling mo dito," wala sa sariling komento ko. Ilang beses na akong tumambay sa kwarto niya pero ngayon ko lang napansin. Parang namagnet ang palad ko para itaas ito at subukang abutin ang kisame kahit na imposible ―hindi ko maabot.
"Parang sya," bulong ko.
Nagpatuloy pa rin naman ang kasama ko sa paglalaro. Hindi pinansin ang kung ano man ang ibinulong ko. Engrossed na engrossed sa mga nakasuot ng sexy na damit na maliliit na characters na nakikipaglaban. "Alam mo kung anong kailangan mo, Scar? Barkada, social life," sabi nito na pabilis ng pabilis ang pagpindot sa mouse at keyboard. "Ah shit!" sigaw nito at padabog na huminto sa kapipindot.
Napangisi na lang ako dahil sa pagkatalo niya sa game. Buti nga. "Hindi ako kagaya mo na walang social life at puro games lang inaatupag, loner. Kaya hindi ka napapansin ng iyong beloved Abigail e."
Hindi naman na sya umimik. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagclick ng mouse, simbolo ng pagrerestart nya ng game. Teasing attempt failed. Minsan talaga naiinis ako sa lalaking 'to dahil hindi ko siya mainis e.
Si Abigail pala ang babaeng naghahawak ng puso ng lalaking 'to. Maganda, sexy, tourism student. Gagraduate na siya this school year. At siya yung tipo ng babae na gustong jowain ng lahat. And news flash, siya ang girlfriend ni Kuya. What I know is, nililigawan na siya ni kuya since nung college years pa nilang dalawa and she said yes during Kuya's graduation which kind of sucks dahil sa situation nila ngayon. Music teacher na si Kuya in our school while she's still a student.
Although wala talaga akong pakialam about their relationship. Mas may pakialam pa ako sa kung ano bang nakita ng kuya ko sa babaeng 'yun na mala-anghel lang naman pag nakaharap si Kuya. In reality, she's a narcissist bitch.
Napatingin ako sa isa pang lalaking nauto ng Abigail na 'yun. Si Harren Santiago, ang lalaking nagmamay-ari ng kamang hinihigaan ko ngayon. Ang lalaking loner na parati nalang nakaharap sa monitor para maglaro ng computer games.
BINABASA MO ANG
the time we were in love
RomanceMag-ex si Ren at Scarlet. They dated way back in college dahil hindi sila mahal ng mga taong totoong mahal nila. So they decided to keep each other as substitutes. They made a promise, "if one of us makes it to the one we really love, this contract...