Chapter Two

13.7K 309 4
                                    

Habang kumakain silang pamilya sina Jenny ay ngsalita ang ama.

"Jenny iha, ano na? Kailan ka ba mag-aasawa?" tanong nito.

"Pa.... Bakit nauumay na ba kayo sa pagmumukha ko na lagi ninyong nakikita?" ngiti niya.

"Hindi naman sa ganun. Tumatanda ka na eh nag-iisang anak ka lang namin sana naman makita pa namin ang apo namin bago man lang kani mamatay." sagot ng ama.

"Pa, antayin niyo na lang darating din tayo diyan. Sa ngayon eh ako muna ang baby ninyo. Hehe." pabiro ulit niya.

"Ikaw talagang bata ka. Yang pagkuha ng larawan kasi ang lagi mong inaatupag kapag wala kang trabaho kaya naman walang makaporma na ligawan ka." singit ng ina.

"Huwag na idamay ang photography sa usapang ito dhil 'yun ang boyfriend ko ngayon." sagot naman niya.

"Kahit kailan puro ka kalokohan." ang ama.

Kinabukasan ay pumunta siya sa bahay ng isa sa kanyang pasyente, kina Mr. Eddie Villaflor. Siya ang pasyente niyang tanging dinadayo niya sa kanilang bahay para sa kanyang therapy. Iyun kasi ang gusto ng pamilya ng matanda para hindi na bumiyahe pa papunta sa ospital na pinagtatrabahuan ni Jenny. Tatlong araw sa loob ng isang linggo lang naman ang therapy ng matanda kaya ibinibigay niya ang Martes, Huwebes at Sabadong araw niya.

"Good morning sir Eddie." magiliw niyang bati sa matanda.

"Wow! Nandito na ang hinihintay ko." sagot naman ng matanda na nakaupo sa kanyang wheelchair.

"Mukhang hinihintay mo talaga ako ah sir Eddie? Excited ka na ba sa therapy?" tanong niya.

Lumapit ang asawa ng matanda.

"Naku Jenny kanina ka pa niya inaantay.Gusto daw niya sa may tabing dagat pumunta at doon mo na daw siya i-therapy kahit huwag muna daw ang usual na ginagawa mo. Ewan ko ba bat gusto niya pumunta doon." paliwanag ng asawa ng matanda.

"Malayo po ba dito ang beach?" naitanong ni Jenny.

"Hindi naman. Ipahahatid ko na lang kayo sa driver kung payag ka.".sagot ng ginang.

"Hmmmmm. Sige po. Baka kailangan nga ni Sir ng preskong hangin baka doon na siya tuluyang gumaling." nangingiting sagot niya.

Inihanda na nila ang gagamitin saka sila lumakas na. Sampung minuto lang ang biyahe mula sa bahay ng mga Villaflor sa beach.

"Saan ba dito manong ang walang masyadong tao?" tanong ni Jenny sa driver.

"May alam po ako Ma'am na hindi pa masyadong dinadayo dito." sagot ng driver.

"Sige doon na lang tayo para mas tahimik si Sir Ed." sagot ni Jenny.

Samantala...

Nag-iimpake na si Gino sa loob ng kanyang opisina. Kailangan niyang makuha ang mga dapat niyang dalhing gamit para aa paglipat niua sa Laguna. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sang-ayon sa pagtatransfer sa kanya ng ama ngunit wala naman siyang magaw kundi ang sundin ito.

"Hay naku pare, kung hindi lang dahil kay Papa at sa negosyo hindi ako luluwas papuntang Laguna." reklamo niya sa kanyang kaibigan habang nag-uusap sila sa phone.

"Medyo malayu-layo ka din sa barkada kung ganun. Paano na ang mga ginagawa natin dito 'di hindi ka na niyan makakadalo?" tanong naman ng kaibigan.

"Iyun na nga pare ang ayaw ko. Alam mo naman ako hindi ako napipirmi sa bahay." kunot noong sagot niya.

"Sabgay okay din sa Laguna ka, mas mapagtutuunan mo ng maigi ang pagsusurf mo kapag wala ka nang trabaho. Hayaan mo dadalaw dalawin ka namin doon para sa mga surfing activities." ani ng kaibigan.

Mr. Sunget is my Patient (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon