CHAPTER 36
"HAYAN."
Nginitian si Lucky ni Dr. Axel pagkatapos tanggalin ang IV sa pupulsuhan niya.
"You're good to go. Mag-ingat ka palagi," bilin nito sa kanya. "Your incision is already healed but still, be very cautious in everything you do because your inside is still healing. Nasabi ko naman na sa 'yo ang mga dos and don'ts, sundin mo at magiging maayos ka lang. Don't worry."
Nakangiting tumango si Lucky. "Thank you, Doc. I owe you my life."
Dr. Axel smiled. "No, you don't. It's always Him," sabi nito, saka itinuro ang itaas.
"I know," she said, still smiling. "Nagpasalamat na ako sa Kanya nang paulit-ulit."
"Good." Marahang tinapik ni Dr. Axel ang balikat niya. "Take care. I'll see you in your checkups. Don't miss it, okay?"
"I won't miss it," sabi niya na nakangiti pa rin.
"Good. Sige alis na ako," paalam nito. "Ingat ka."
Nang makaalis ang doktor, humarap siya sa Mommy La at Daddy Lo niya nang nakangiti. "Okay na po ako."
Hinaplos ni Mommy La ang pisngi niya. "And we're thankful to everyone who helped, especially you, who fought."
Umalis siya ng kama, saka niyakap ang lolo't lola niya. "Promise me you'll visit?"
"Oo naman, apo," sagot ng Daddy Lo niya. "Bibisita kami palagi kasi mami-miss ka namin. Hinahayaan ka lang naman namin na gawin ang gusto mo kasi alam naming doon ka mas magiging masaya at alam naming aalagaan kang mabuti ni Blake. And you're engaged to him and you'll be marrying him next month."
Lucky grinned when she heard the word marrying. Wala sa plano niyang magpakasal pagkatapos ng operasyon niya pero nagbago 'yon dahil kay Blake. Maybe because she couldn't see herself without Blake beside her in the future.
Gusto niyang makasama ito nang matagal. Ayaw niyang mag-isip ng kahit anong negatibo. Ang mahalaga ay buhay siya ngayon at kasama niya ang kasintahan.
Bumaba ang tingin niya sa daliri niyang naroon ang singsing na pendant ng necklace ni Blake. She couldn't wear the necklace because of her incision so Blake put the ring on her finger.
"I'm happy for you, Lucky," sabi ni Mommy La habang hinahaplos ang singsing sa daliri niya.
She couldn't stop herself from grinning. "Me too, Mommy La. I'm happy. I know that life is beautiful but I've never felt this bless in my whole life!" she exclaimed happily. "God is really amazing."
Niyakap uli siya ng Mommy La niya at hinaplos ang buhok niya. Pinakatitigan siya nito nang matiim. "Ngayong gusto mo na talagang bumukod kasama si Blake, kahit may pag-aalinlangan pa rin kami kasi hindi pa nga kayo kasal, hahayaan ka namin sa gusto mo. Hindi ka namin pipigilan na maging masaya. At may tiwala naman kami kay Blake na gagawin niya ang mga ipinangako niya."
Tumango siya. "Salamat, Mommy La, Daddy Lo."
Hindi talaga sumang-ayon agad ang Mommy La at Daddy Lo niya na magsama na sila ni Blake sa iisang bubong at iisang kuwarto, na hindi na lang siya nito basta aalagaan lang tulad noon, kasi nga hindi pa naman daw sila kasal.
Pero nagpaliwanag si Blake sa pamilya niya na magpapakasal naman sila agad pagkalabas niya ng ospital. After explaining their plan—well, Blake did all the talking and explaining—her grandparents finally agreed.
"Someone looks happy," sabi ng boses na nanggaling sa pinto ng kuwarto niya.
Lumingon siya roon at mas lumapad pa ang ngiti niya nang makita kung sino 'yon. "Blaze!"
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...