CHAPTER 30
LUCKY WAITED PATIENTLY for Blake to came back. Habang naghihintay siya, nakasama niya ang Mommy La at Daddy Lo niya na halatang masaya dahil maayos ang kinalabasan ng operasyon.
At puring-puri ng mga ito si Blake na hindi raw siya iniwan at pinabayaan.
And it made her happy because what she felt for Blake didn't change even after her heart transplant. Akala talaga niya noon ay may magbabago sa nararamdaman niya pero wala naman pala.
"How's Miss Hart the survivor?" nakangiting tanong ni Dr. Axel nang bisitahin siya sa CTICU habang naghihintay siya kay Blake. "Feeling better?"
Tumango siya. "A little bit uncomfortable but I'll live."
Nakangiting tumango ang doktor. "Mabuti naman. Any changes that you feel?"
She smiled. "I feel healthier."
Dr. Axel chuckled. "Other than that?"
Umiling siya. "Not that I know off but I'm craving for gummy bears."
Tumawa si Dr. Axel. "Wala munang gummy bears. Kailangang heathy foods ang kainin mo habang nagpapagaling ka."
Nakangiting tumango siya. "Okay po, Doc."
Sinuri siya nito at tiningnan ang tubo na nakakonekta sa dibdib niya. "Bukas ng umaga, puwede na 'tong tanggalin."
"Yey." She grinned. "I'll feel much better then."
Natatawang napailing ito at may itinanong pa sa kanyang iba bago nagpaalam sa kanya.
Habang mag-isa si Lucky, pumasok na naman sa isip niya si Blake. Ano na kaya ang nangyayari? Naligtas na kaya nina Blake si Bailey at ang mommy nito?
Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. Balak sana niyang magpahinga nang marinig ang boses ng kasintahan.
"Baby..."
Awtomatikong binuksan niya ang mga mata, saka nginitian ito pero agad na nabura 'yon nang makitang bagsak ang mga balikat nito at walang kangiti-ngiti ang mukha.
"Are you okay?" malumanay niyang tanong kay Blake.
Umiling ito habang nakatingin sa kanya. "I need a hug."
Bumaba ang tingin niya sa dibdib at napangiwi sa kasintahan. "Sorry, Blakey-baby, I can't hug you."
Umupo ito sa stool na nasa tabi ng kama at maingat na pinalibot ang braso sa may puson niya at doon siya niyakap. Kapagkuwan ay maingat na isinubsob nito ang mukha sa may tiyan niya.
Lumambot ang mukha niya habang masuyo at maingat na hinahaplos ang buhok ni Blakey. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Umiling ito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa tiyan niya. "No..."
Her face saddened. "Sorry I can't hug you."
"That's okay. This is enough..." He looked at her while the side of his face was lying on her tummy. "For now."
Napangiti siya, saka patuloy na hinaplos ang buhok nito. "How did it go? You being a badass?"
He chuckled lightly. "It was okay. You would've love me more if you saw how badass I was."
Mahina siyang natawa. "How's Bailey?"
"He's with Blaze."
Her eyes widened. "And his mom?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Blake. "Bailey won't tell us her name. Nangako raw siya sa mommy niya na hindi basta-basta ibibigay ang pangalan nito at hindi siya tumatalikod sa pangako. Blaze is working it out with Bailey but I don't think Bailey would talk. I saw that familiar glint in his eyes. May paninindigan ang batang 'yon."
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...