Happy Birthday, Hannah Mae Bataluna 🥳 More birthdays to come ❤️
CHAPTER 28
BLAKE WAS ONLY ALLOWED to be with Lucky for ten to fifteen minutes every two hours. As the hour passed, he camped out in the waiting area near the CTICU, looking at Lucky from outside of the glass wall.
It had been twenty-two hours and she was still not awake. Kinakabahan na siya pero hindi lang niya ipinapakita sa pamilya ni Lucky na pansamantalang umuwi para magpahinga. Nanatili ang mga ito buong magdamag sa ospital para bantayan si Lucky kasama siya.
But now that he was alone, he couldn't stop worrying about Lucky.
Bigla siyang napatigil sa pag-iisip at napatayo nang may nurse na lumapit sa kanya.
"Puwede ho kayong pumasok uli sabi si Doc," sabi ng nurse. "Twenty minutes."
Nagliwanag ang mukha niya. "Salamat."
Tumango ang nurse at pinasunod siya sa loob ng CTICU. He had to change his clothes and footwear again like the last time he visited Lucky for patient's safety purposes.
At nang makalapit siya sa kasintahan na wala pa ring malay, naupo siya sa stool na nasa tabi ng kama, saka pinakatitigan ito. She still looked pale.
"Baby..." he said while holding her hand. "Please wake up. Marami akong ikukuwento sa 'yo. Remember when I told you that I don't believe in God? Binabawi ko na. I pleaded, this broken soul of mine that you fixed, pleaded on Him to keep you alive, so please, wake up. Miss na miss na kita. Gusto ko nang makita ang ngiti mo. Miss ko na ang gummy bear ko."
No response like the last time.
"I love you, baby..." he whispered and forced a smile. "I'm waiting for you, please wake up."
Blake was about to beg more when Lucky's hand twitched. He stilled, his eyes widening and his lips parting.
Fuck!
Gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya. "That's it, baby, wake up..."
Her hand twitched again for the second time before her eyes slowly opened. Pero bago pa niya ito makausap, pinaalis siya ng nurse na lumapit sa kanya.
"Sir, kami na ho muna ang mag-aasikaso kay Ma'am," sabi nito.
Mabilis siyang tumango, saka lumabas ng CTICU. Tiningnan niya lang si Lucky mula sa labas ng glass wall habang sinusuri at kinakausap ito ng mga nurse. Kapagkuwan ay dumating si Axel at ito na ang kumausap kay Lucky na tango at iling lang ang sagot dahil sa tube na nasa bibig nito.
Halo-halo ang nararamdaman ni Blake habang pinagmamasdan si Lucky na halatang nanghihina pa rin. Kinakabahan siya, nanlalamig at excited na makausap ito at makasarilinan. He wanted to be with her so bad but he had to rein himself. Mamaya kapag maayos na ang lahat, magpapaalam siya kay Axel kung puwedeng pumasok uli.
Blake kept on staring at Lucky who was still answering Axel's questions with head gestures. At nang mapatingin ito sa gawi niya, agad niya itong nginitian pero parang may sumakal sa puso niya nang agad nitong inalis ang tingin sa kanya.
Blake took a deep breath. Relax, Blake. She just came out from a life altering surgery.
Pero nagpatuloy ang pag-aalala niya na baka nga may nagbago sa kanila nang hindi na tumingin sa gawi niya si Lucky ni minsan.
It was unlikely for her not to look at him!
What's happening to my baby?
Nang makalabas si Axel sa CTICU, agad niya itong sinubong. "What's happening to her?" kinakabahan niyang tanong. "Bakit hindi niya ako pinapansin?"
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...