CHAPTER 26
"WHERE'S LUCKY?" agad na tanong ni Blaze kay Blake nang makapasok siya sa inookupa nitong pribadong kuwarto ng ospital. "Kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang sagutin ang mga katanungan ko—"
"She's weak and unconscious when I left," sabi niya sa mahinang boses, saka umupo sa stool na katabi ng kama ng kakambal. "I think I'm gonna lose her, Blaze... hindi pa ako handa."
"Hindi ka naman talaga magiging handa kahit ano'ng gawin mo." Bumuntong-hininga si Blaze. "Ayos lang ba siya? Sabi ni Khairro nawalan daw uli siya ng malay?"
Tumango siya habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang paghingi ng sorry sa kanya ni Lucky. "She said she was sorry... I don't even know what she's sorry for."
"She's gonna be okay..." sabi ni Blaze.
"Is she?" Tumingin siya sa kakambal. "There's a blood clot in her heart. She needs an operation. Pero baka hindi niya kayanin. Pero kapag hindi naman siya operahan, mapapahamak pa rin naman siya. Saan ako lulugar? Ano'ng pipiliin ko?"
"Be with her," utos sa kanya ni Blaze. "Doon ka sa kanya. Ayos lang ako rito."
"Her grandparents are with her." Ihinilamos niya ang palad sa mukha. "I just want her to be okay... so we can get married. Bakit ba ang hirap?"
"Life is hard."
"I know that." Mapait siyang ngumiti. "We've been suffering for eleven years, Blaze. Minsan ba, tinanong mo ang sarili mo kung kailan 'to titigil? Kung kailan tayo sasaya? Bakit palagi na lang ganito? Bakit palagi na lang tayong pinahihirapan?"
Blaze looked down. "Hindi ko rin alam..." Bumuntong-hininga ito. "Tanggap ko na naghihirap ako, pero ang hindi ko matanggap ay ang nangyayari ngayon. Para na akong mababaliw sa kakaisip kung paano napunta kay Lucky ang kuwintas na 'yon."
Tinapik niya ang balikat ng kakambal. "We'll get there. One step at a time. We'll work it out."
Napatitig sa kanya si Blaze, saka mahinang natawa. "Hayan ka na naman, eh, sinasanay mo na naman ako."
He smiled. "That's what brother's do, remember?"
Napailing lang si Blaze, saka bumuga ng marahas na hininga. "That's what he told me too... that you'll work it out because that's what brothers do."
He frowned. "Who?"
"Me," sagot ng boses mula sa nakabukas na pinto ng kuwarto.
Agad siyang bumaling doon at nalukot ang mukha nang makita ang conde. "Ano'ng ginagawa mo rito? Kung manggugulo ka lang, bumalik ka na lang doon sa asawa mo."
Ipinakita nito ang kamay sa kanila. "No wedding ring, assholes."
Napailing na lang si Blake. "Ano na naman ang ginagawa mo rito? Bumalik ka na sa Barcelona."
"I came in peace," nakangising sabi nito, saka naglakad palapit sa kanila. "I'm a Jedi today."
Nalukot na naman ang mukha niya. "Kapareho mo lang ang kuya mo. Weirdo."
Night frowned. "What's so weird about being a Jedi? That'll be the coolest job ever."
"Out," pagpapalayas niya sa lalaki.
"Don't want to." Naglakad ito palapit sa ref na naroon at binuksan iyon. "You don't have a cake here?"
"This is a hospital, moron." Blaze hissed. "It's not a bakery."
Natatawang isinara nito ang pinto ng ref, saka namulsa at humarap sa kanila. "I hate cake. It's too sweet. Hindi bagay sa kakisigan ko."
"Then why look for one?" Blaze asked.
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...