Chapter Eight

100K 2K 120
                                    

"NASAAN ka na ba?" inis na tanong ng executive assistant na tumawag sa phone niya, kanina pa raw nagsimula ang book signing at hinihintay na siya ng kanyang mga readers sa event center.

"Papunta na ako diyan." Lakad-takbo na rin ang kanyang ginawa habang nasa loob siya ng Imperial Mall kung saan kasalukuyang ginaganap ang booksigning. Na-late kasi siya ng gising dahil sa tinapos pa niya iyong sinusulat niya. At naiinis na rin siya dahil ang laki ng mall at kailangan pa niyang lakarin ang event center na nasa kung saang bahagi ng mall.

"Kanina mo pa sinasabi iyan, saan ka na ba kasi?"

"Nasa may penshoppe na ako pupunta na ako diyan." She turned off her phone and decided that she needs some help. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng formula kung paano siya makakapunta sa Event Center, kung sana ay kayang sagutin ng cosine at cotangent ang mga tanong niya siguro ay nakarating na siya.

"Miss, kayo po ba si Miss Sancho?" Napatingin siya sa mga lalaking naka-blue na sa hinuha niya ay official security guard uniform ng mall.

"Ako nga, bakit?"

"Pinapunta po kami dito para dalhin po kayo sa event center."

Nakahinga siya ng matiwasay. "Thanks God." Maingat na inalalayan siya ng dalawang guards, may ilan na napapatingin sa kanya malamang nagtataka ang mga ito kung bakit may mga kasama siyang guards, feeling tuloy niya sobrang ganda niya. Mabilis siyang nakaabot sa event center at agad siyang sinalubong ng kanilang executive producer.

"Mabuti naman at nakarating ka na rin."

"Salamat sa mga guards na pinapunta mo akala ko ay next year pa akong makakarating dito." Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.

"Who? What guards?"

Hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil binati na siya ng mga nakalinyang mga fans niya. "Ayeth!" Ngumiti siya sa mga ito, some of them were familiar faces while some of them were new. Ngumiti lang siya.

Binati din niya ang mga kasama niyang writers na abala sa pagbati ng kani-kanilang fans.

"Finally, I got to see my favorite romance author." Bungad ng isang magandang dalagita na naka-modern gothic ang style. "Paki-write po sa dedication, To Ainsley with Love." Ginawa niya ang utos nito. Sa tantiya niya ay nasa fourteen years old pa ito.

Isa sa nakakuha ng kanyang pansin ay ang isang itim na notebook na hawa nito. "Cool! Isn't it a death note?" napansin niya ang pagningning ng mga mata nito at sunod-sunod na tumango.

"Yes po Ms. Ayeth, may nagbigay sa akin nito dati and from then na-inlove na ho ako sa death note. This is very helpful po kasi kapag may isinusulat akong name sa notebook ay nakakarma sila so I often called it as Karma Notebook." Natuwa siya sa wild ng imagination ng dalagita.

"Can I open it?"

"Sure po." And she opened it may mangilan-ngilang pangalan nga ang nakalagay doon, may nabasa siyang name doon. Familiar, Alfonso Benedict A.K.A Albie, si Albie nga na tinanan si Allyxa may nakalagay sa tabi ng name nito na isang phrase, mabobroken hearted ng todo-todo ng ilang years.

Natawa siya sa nabasa, coincendence or not pero iyon kasi ang naranasan ng lalaking iyon over the years. "Salamat po ulit Miss Ayeth." Humagikgik pa ito at saka abot teynga ang ngiting naglakad palayo sa kanya, napangiti rin siya ng may makitang isang malaking chocolates sa tabi niya. It's her favorite chocolate.

Marked Series 3: Breathing to Smile (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon