CHAPTER 24

678K 24.1K 9.6K
                                    

CHAPTER 24

NAHIHILO PA RIN si Lucky nang magising siya sa isang estrangherong silid. Agad siyang bumalikwas at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto.

Inatake siya ng kaba at takot dahilan para masapo niya ang dibdib na kumikirot.

Si Blake! Tiyak na hinahanap na siya ngayon ni Blake! Siguradong nag-aalala na ito sa kanya. Siguradong hinahanap na siya nito ngayon!

I have to see Blake. I have to be with him. Blaze was shot!

Ilang beses siyang huminga nang malalim nang maramdamang parang kinakapos siya ng hangin.

Calm down, Lucky! Calm down!

Habol niya ang hininga hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawang lalaki. Agad siyang napaatras, may takot sa mga mata niyang nakatingin sa dalawa.

"A-ano ba'ng kailangan n-n'yo sa 'kin? S-sino ba kayo?" kinakabahang tanong niya sa dalawang lalaki na may mga baril sa baywang.

Parang magigiba ang puso niya sa sobrang takot at kaba.

"S-sino k-kayo—"

Sa halip na sumagot, hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang pupulsuhan at marahas na hinila palabas ng kuwarto.

Nanlamig siya sa takot. "No... let me go... Let go!"

Pilit siyang nagpupumiglas pero wala iyong silbi. Mas malakas ang mga ito sa kanya at nanghihina siya dahil kumikirot ang dibdib niya.

Please, heart, please not now. Don't give up on me now.

Blake still needed her! She had to make sure that she was okay for Blake to be okay. Hindi puwedeng mapahamak siya dahil masasaktan si Blake.

Nilabanan ni Lucky ang takot sa puso niya. Pilit niyang nilalabanan ang sakit ng dibdib kahit halos mawalan na siya ng ulirat sa sobrang sakit.

Nang paupuin siya ng dalawang lalaki sa pang-isahang sofa, agad niyang sinapo ang dibdib at namilipit siya sa sakit.

"Calm down. Wala naman akong balak na masama sa 'yo," sabi ng boses na nagpaangat ng tingin sa kanya.

Napatitig siya sa lalaking nakasuot ng Amerikana at halatang may-edad na. Nakatingin ito sa kanya na parang pinag-aaralan ang mukha niya. He had a dangerous air around him, scaring her even more.

"S-sino ho kayo?" kinakabahan niyang tanong sa nanginginig na boses habang sapo pa rin ang sumasakit na dibdib. "A-ano ho ang kailangan n'yo s-sa 'kin?"

"Relax, hija," sabi nito na parang pilit na pinapalambot ang boses para hindi siya matakot. "Wala naman akong planong saktan ka. Ang totoo niyan, matagal na kitang ipinapahanap."

Lucky shrunk on her seat when the man walked towards her. "D-don't come near me..." she begged.

"Relax. I'm not gonna hurt you."

Her lips trembled. "I don't believe you." She gripped her aching heart. "Please... ibalik n'yo na ako sa apartment ko. Please..."

Biglang tumalim ang mga mata ng lalaki. "Why would I do that? Kaya nga kita ipinahanap, 'di ba? Hindi ako makakapayag na sa mumurahing bahay nakatira ang anak ko!"

Napakurap-kurap si Lucky sa lalaki at unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang unti-unting nagsi-sink in sa isip niya ang sinabi nito.

"I-I'm not your c-child..." nanginginig ang mga labi na bulong niya. "I-I'm not... y-you're not my f-father..."

Nakangiting dumukwang palapit sa kanya ang lalaki, saka malamig na ngumiti. "Sigurado akong ikaw ang anak ko." Ngumisi ito. "Kahawig na kahawig mo ang mommy mo. Such a pretty woman."

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon