Mag isa lang akong kumakain dito sa may cafeteria, habang hinihintay na matapos ang breaktime. Wala naman akong naging kaibigan dito eh. Kung meron man...lahat sila mga plastik. Kahit hindi na sila magsalita, pero sa kilos nila alam ko nah. Nakangiti sila sayo habang kaharap mo sila. Pero kapag nakatalikod ka? Parang gusto nila akong sakalin na akala mo hindi ko nararamdaman.
Kaya ang nangyari.. sinabihan ko sila na ayaw ko sa mga plastik. At huwag nila akong paplastikin kung ayaw nilang mapunta sa hospital. Kaya simula non, wala ng gustong lumapit sa akin. Lumalapit lang sila kung may kailangan sa akin. Tsk! Ayaw ko din naman sa mga katulad nila noh, na akala mo kung sinong mga tao. Mayayabang naman.
" Nakabalik na sina, Hugo? "
" Oo! Nandon nga sila sa may harap ng building ngayon. At may pinaglalaruan na naman. "
" Ang balita ko nga may mga kasama siya na talagang matatakot ka. "
" Totoo? Gusto ko silang makita. "
Rinig kung sabi ng mga ito at parang naexcite pa sa pagbalik ng mga gagong yun. Kunting bugbog lang ang natamo ng mga yun, pero kung makastay ng hospital na halos 1 week. Akala mo may matinding karamdaman?
Tinapos ko yung kinakain ko saka tumayo, para alamin kung ano ang nangyayari sa harap ng building. Nasa second floor palang ako pero nakikita ko na kung ano ang nangyayari. Maraming estudyante na nanunuod sa may field, habang yung sina Hugo at ibang mga kasama nito ay nasa gitna kasama ang isang babae tsaka isang bakla na para bang pinagtutulongan nila at kinawawa. Kakabalik lang, may kalukuhan na namang ginawa?
Napatingin ako sa relo ko. At tamang-tama uwian na. Kaya bumalik ako sa may room saka kinuha yung bag ko saka umalis. Deritso lang ang lakad ko, hanggang sa makarating ako sa mga taong nagkukumpulan. Nagsusumiksik ako sa kanila na makadaan dahil nakaharang sila sa dinadaanan ko. Pero napahinto ako ng malapit na ako sa kanila. Nakita ko sina Oscar at ang mga kaibigan nito na nasa harapan nila Hugo habang nasa likuran nito ang isang babae at isang bakla.
" Tumigil na kayo, Hugo. Kung ayaw mong magkagulo dito? " seryusong sabi sa kanila ni Sandoval.
Pero ang gagong, Hugo. Ngumisi lang at talagang gusto niyang magkagulo dito? Hindi ko makita-kita ang reaksyon ng mukha ni Sandoval, dahil nakatalikod ito sa akin.
" Huwag kang mayabang, Sandoval. Baka nakakalimutan mo na dalawa lang kayo at marami kami. " mayabang na sabi sa kanya ni Hugo.
Wala akong balak makialam sa gulo nila dahil gulo nila yan. Kaya muli akong lumakad papunta sa kung saan sina Hugo at Sandoval. Talaga kasing nakaharang sila papalabas ng gate. Narinig ko naman nagpasinghapan yung mga tao na nasa paligid habang nakatingin sa akin. At wala akong pakialam sa kanila.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa mapadaan ako sa dalawang taong nasa likod nila Sandoval. Hindi ko na sana papansin sina Sandoval sa pag-uusap. Pero ang lintek na si Hugo talagang nakita niya pa ako?
" Hoy! Babae. Saan mo balak pumunta? " galit na tanong sa akin ni Hugo.
Umayos ako ng tayo at naramdaman ko naman na napatingin sa akin sina Oscar. Tumingin ako kay Hugo na nakakunot ang noo.
" Ano pa ba? Edi, uuwi. " sabi ko sa kanya.
" Walang aalis dito! At alam mo bang may atraso ka pa sa akin? " galit parin nitong sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...