CHAPTER 4
"TEACHER LUCKY, TEACHER LUCKY," kuha ng isang estudyante niya sa atensiyon niya. "Are my shapes okay? Is my color okay? Am I doing it right? Am I correct?"
Nangingiting hinaplos ni Lucky ang buhok ni Summer, isa sa mga makulit niyang estudyante pero mabait naman. "Your shapes are perfect, Summer, but the color violet is like this." Ipinakita niya ang kulay na dapat ay ginamit nito.
Summer pouted. "So, I'm wrong."
"Yes, baby." She kept on caressing her hair. "But we can still fix it. Hindi ba sabi ni Teacher kapag nagkamali—"
"Ayusin agad po."
Pinanggigilan niya ang pisngi nito. "And that's what you'll do, sweetheart, we will fix it okay? Kaya huwag ka nang malungkot. Madali lang 'yan. And when you fix it, I will give you some gummy bears. Gusto mo ba 'yon?"
Summer grinned. "Okay po, Teacher Lucky."
Nangingiting inalalayan niya ang bata pabalik sa mesa nito, saka umupo sa tabi nito para turuan ito sa tamang gagawin.
Natawa na lang si Lucky nang dumugin siya ng mga estudyante na nagtatanong kung tama ba ang ginawa ng mga ito.
Kahit makukulit at maiingay, hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. She liked kids who were lively and having so much fun. Kasi hindi niya iyon naranasan noong bata pa siya kaya gusto niyang ang mga estudyante niya ay makaranas n'on.
So she would play with her students, sing with them and converse with them. Napapagaan ng mga batang 'to ang loob niya, kaya nga hinayaan siya ng Mommy La niya na magtrabaho.
"O, Lucky, hindi ka pa uuwi?" tanong ng katrabaho niya nang madaanan siya nito sa classroom.
She smiled at Gretchen. "Mamaya. Tatapusin ko lang 'tong paggugupit ng mga shapes para bukas. Sa ibang kulay ko naman inilagay para madaling matandaan ng mga bata."
Napailing ito. "Ang sipag-sipag mo talaga. O, siya, mauna na ako sa 'yo."
"Ingat."
"Ikaw rin."
Nang makaalis si Gretchen, ibinuhos niya lahat ng atensiyon sa ginagawa. Nang matapos siya at makalabas ng classroom, nagulat siya nang makitang naghihintay sa kanya si Peter. Isa rin ito sa katrabaho niya pero mas mataas ang posisyon nito.
"Hi, Peter," bati niya.
Agad itong tumuwid ng tayo nang makita siya at ngumiti. "Ihahatid na kita, Lucky. Para may kasama ka. Narinig ko ang nangyari sa 'yo noong isang araw na muntik ka nang ma-hold up."
"That's so nice of you." She beamed at Peter. "Thank you, Peter."
Ngumiti naman si Peter, saka sabay silang naglakad palabas ng paaralan. Dahil walking distance lang naman patungo sa apartment niya, nilakad lang nila iyon.
"Ahm, Lucky?"
Binalingan niya ang lalaki. "Hmm?"
"May itatanong sana ako sa 'yo."
"Ano 'yon?" nakangiting tugon niya.
"Kasi ano, eh. Ahm, p-puwede ba akong manligaw sa 'yo? Matagal na kitang gusto." Napakamot ito sa batok. "Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob."
She blinked at Peter. "Gusto mo ako? Bakit?" may pagtatakang tanong niya.
Napatanga sa kanya si Peter. "Anong bakit?"
"Bakit mo ako gusto?" Gusto niyang marinig ang rason nito.
"Kasi mabait ka."
Napatango-tango si Lucky. "Ganoon ba?" Bakit parang hindi siya interesado? "Pasensiya ka na, Peter. May gusto na akong iba, eh."
BINABASA MO ANG
THE BROKEN SOUL'S PLEA
General FictionBlake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb in his soul. Pero pilit siyang kumakapit, pilit siyang lumalaban para sa hustisya at para sa kakamba...