Chapter 8

11.8K 440 3
                                    

* Zeke POV *

F*ck!  She is a girl?  Bakit hindi ko yun nahalata kanina?  Buong akala ko talaga lalake siya. Pano ba naman kasing hindi mo siya pagkakaalaman na lalake siya dahil sa porma niya. Bihis na bihis siyang panglalake,  at isa pa nakatago yung buhok niya kanina sa suot niyang bonet. At ang mas nakakainis pa. Ngayon ko lang napansin yung boses niyang pangbabae! Kung hindi niya lang siguro inalis yung bonet niya? Hindi siguro talaga namin mapapansin na babae siya

" Itutuloy mo pa bang bugbugin siya? " nakangising tanong sa akin ni Hanz.

" Shut-up!  " inis kung sabi sa kanya.

Yun pa ang isang kinaiinisan ko.  Kung hindi lang siguro ako pinigilan nina Hanz at Geo kanina.. malamang nasuntok ko na siya.  At siguradong pagsisihan ko talaga kapag natuloy yun.

" Diba dapat pigilan natin silang maglaroLalo nat may babae ang kalaban nina Hugo. Sigurado akong mapuporuhan talaga sila.  "  rinig kung sabi ni Geo.

Napatingin ako sa loob ng court. At talagang hindi parin nawala sa kanilang tatlo ang yabang at angas nila kahit na nasaksak at nasugatan na yung isang kasama nila.  Lalo nat may babae silang kakampi.  Hindi ko rin makitaan na pag-alala sa mukha yung dalawang lalake na yun sa halip nakangisi pa sila habang nakatingin sila kina Hugo.

Napatingin ako doon sa babae.  Sya yung babaeng binubully nila Hugo kanina sa school.  Talagang ibang-iba ang dating niya ngayon kumpara kanina.  At sigurado akong may binabalak si Hugo sa kanya.

" Huwag na tayong mangialam sa kanila.  " sabi ko kanya.

" Pero Zek- "

" Sila na mismo ang nagsabi na huwag tayong mangialam. Kaya mas mabuti pang manuod na lang tayo, Geo. " seryuso kung sabi sa kanya.

Hindi na sya muling nagsalita pa at tumahimik nalang. Kahit ako gusto na ring patigilin ang laro nila. Dahil alam kung mas lalo lang sila mapapahamak kay Hugo. Kaya lang parang may pumipigil sa akin na hayaan nalang sila at manuod nalang sa laro nila.  Aminin ko man o hindi.  May tiwala ako sa kanila na mananalo sila at malakas talaga ang pakiramdam ko na may gagawin silang kakaiba.  Lalo nat naramdaman ko kanina na parang biglang umiba ang aura nilang tatlo.

Nagfocus ako sa laro nila.  Hawak-hawak ngayon ng isang dayo ang bola habang kaharap nito ang kateam ni Hugo.  Nagkatinginan lang silang dalawa pero maya-maya lang nagulat nalang kami ng mabilis nitong ipinasa ang bola doon sa may lalakeng may sugat kanina. At agad na inambahan ng suntok yung kaharap niya sa mukha. Nang hindi pa ito nakuntento sinipa niya ito sa may sikmura hanggang sa matumba ito. At saka lumipat ng pwesto.

" Mukhang nagpapakitang gilas na ang mga taga probinsya.  " sabi ni Hanz.

" Sinabi mo pa.  " pagsang-ayon naman sa kanya ni Geo.

Tama nga ang kutob ko.  May tinatago nga ang mga dayong ito. 

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon