Chapter 14

174 8 0
                                    

"I wanted you to be safe." Aniya. Hindi ako nakasagot.

"Lagi kong kinakausap si Tito. Tinatanong ko kung ayos ka lang. Kung kumakain ka ba ng maayos. Kung... kung hindi ka ba nahihirapan. And I'm happy to hear him say that you're doing good. Kaya natitiis ko yung inis kay Haley." He sighed.

"Bakit hindi ka nag sabi? Bakit hinayaan mong magalit ako sayo? Bakit hindi mo ipinaliwanag sa akin lahat ng 'yan?" Wala sa sarili kong sabi. Tumitig lang siya sakin.

"Senator Malcor talked to my Dad, at sinabing mag-iinvest siya sa company. Alam mo kung gaano ko kaayaw na ma-involved sa nesgosyo ni Daddy. At alam mo rin kung gaano kagusto ni Dad na manguna ang company sa bansa. Biencamino Corporation ang nangunguna at hindi matanggap ni daddy 'yon. Pinilit niya akong sundin ang lahat ng gusto ni Haley pero sinubukan kong tumutol-" Napatigil siya ng tumunog yung cellphone niya. Nagkatinginan kami bago siya umurong papunta sa kung saan nakapatong yung cellphone niya.

"Need help?" Tanong ko bago bumaba sa kama at tulungan siyang makatayo.

"Yes, please," He smiled before wrapping his right arm to my shoulder.

"Argh!" Inis na sabi niya nang subukan niyang ilakad ang kaliwang paa.

"W-why?"

"Hindi ko pa rin maramdaman yung kaliwang paa ko." Pumikit siya ng mariin.

"Dito ka nalang sa kama. Ako na ang kukuha." Hinilot lang niya ang sentido bago bumalik sa pagkakaupo.

"Thank you." Aniya. Tipid lang akong ngumiti.

Kapapatay lang ng tawag ng kunin ko ang cellphone at iabot sa kanya.

"It was Haley..." Kunot noo niyang sabi.

"What happened?"

"Nalaman niyang mag uusap tayo noong nakaraan. Tingin ko ay siya rin  yung may pakana ng hit and run." I saw how he clenched his jaw.

"I'm scared that they'll do something bad to you so I agreed. Sasakyan ko lahat ng gusto ni Haley at kapalit noon ay hindi ka niya idadamay sa kabaliwan niya."

"An obsessed bitch." Iling ko. Grabe na yung kabaliwan ng babaeng 'yon.

"Kinausap ako ni Senator na pagbigyan ko ang anak niya. Six months lang ang ipinakiusap niya pero lumagpas na ng isang taon. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang inisin ka araw-araw para lang pansinin mo ako. Ayos lang kahit magalit ka sakin. Kahit mag away tayo. At least you looked at me even for just a sec." Natatawa niyang sabi.

"Ang hirap makita na yung babaeng sobrang mahal ko ay walang pakialam sa akin. Ni-hindi man nga lang ako magawang tapunan ng tingin. It was so hard for me to see you everyday and ignore your presence. No- its the other way actually, its you who's ignoring my presence. Paano ako iiwas? Paano ako didistansya? Umiiwas ka na e. Baka kung lumayo pa ako, hindi na tayo magkita." Tumigil siya para hawakan yung kamay ko at paupuin sa gilid ng kama.

"Lagi mo nga akong pinag-iinitan sa room e." Irap ko. Ngumiti lang siya.

"Because I have to show Haley that we're not together anymore. She has connections, remember? At 'yon lang din ang dahilan para tignan mo ako. Ang bilis mo palang mag moved on 'no?" I arched my brow at him.

"Kung alam mo lang kung ilang balde yung iniyak ko." Irap ko.

"I know. I know everything. Akala mo ba dahil madalas mo akong makita kasama si Haley ay wala akong ginagawa para malaman yung mga nangyayari sayo? No, babe. You're wrong."

"W- what? What do you mean, Mr. Class President?" My forehead creased.

"First, I have my connections. You know how much your father likes me. Plus, he knows everything. Second, after a couple of months and a lot of physical abuse I've recieved, Concielo finally heard my explanations. She helped me after that." Sabay kaming natawa. Si Concielo talaga!

"Third, I always put something in your locker but you didn't recognized that it was me. Next, I might ignore you most of the time, but I'm always looking at you. Sleeping peacefully, eating snacks from your admirers, and smiling genuinely while talking with your friends."

"Are you serious about that? Really? What did you put in my locker? A letter?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Nope."

"Then what-" Naputol ang usapan namin nang pumasok ang mga lalaking halos kasing tangkad ni JD.

"Joco! You okay, bro?" Bungad noong lalaking naka t-shirt na tulad ng mga Law students sa school.

Wait- what? Naguguluhan akong tumayo at umupo sa sofa na nasa dulo ng kwarto. Nagtatanong na tumingin sa akin si JD pero tumango lang ako at tinuro yung mga kadarating lang na lalaki.

"What's up, bro?" Sabi noong isang lalaki.

"Dude, what happened?" Tawa ng isa habang nakikipag-kamay kay JD.

"Anong katangahan 'to, Vidallion?" Sabi noong isang mukhang seryoso.

"Mga gago, tumigil nga kayo. Nandito si Andi." Sabay-sabay silang tumahimik at nag palitan ng tingin.

"Hello?" Nahihiya kong sabi.

Hindi ko alam na may kaibigan si JD maliban kay Lemuel. Alam ko naman na marami siyang mga kakilala pero puro family friends lang ang mga 'yon.

"Hi, I'am Grant Chua, Engineering student at St. Maximus Academy." Pagpapakilala noong nakasalamin na mukhang seryoso.

"Franq Chaves, Culinary Arts at SMA." Tipid siyang ngumiti.

"Patrick Roque, Political Science student at SMA." Tango noong lalaking naka school shirt.

"Hello, Andi! I'm Khalil Norqueza, Archi student at SMA."

"Tama na nga yan! Salamat sa pagpunta pero may pag-uusapan pa kami ni Andi. Kaya kita nalang tayo-"

"Mabuti pa nga. May exam pa ako bukas." Patrick cutted him.

"I also have to do my plates, do I complain?" Si Khalil.

"Oo nga naman! Kahit kelan talaga 'tong Abcde na 'to." Franq shook his head.

"Gago." Natawa silang lahat nang sinuntok ni Patrick si Franq sa braso.

"Lets just go. Stop being a gay." Si Grant.

Sandali pa silang nag asaran bago nagpasyang umalis para pumunta sa kani-kaniyang mga lakad. Nang mawala ang ingay ay umupo na ulit ako sa tabi ni JD.

"From now on, promise me that you'll tell me everything. No keeping secrets."

"You don't have to tell me. I will gladly do that, my queen." He slowly leaned closer.

My eyes were automatically closed as I feel his lips against mine.

All For Love (SMA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon