Chapter 39

419K 15.3K 3.5K
                                    

Chapter 39

"YOU'RE PREGNANT."

Sa pagdilat ko ay puting kisame ang sumalubong sa akin. Agad akong napabangon nang makita ang lalaking nakasuot ng kulay puti sa tabi ko. Alam ko na wala ako sa langit dahil may dextrose ang kamay ko. Alam ko na nasa ospital lang ako. Tumingin sa akin ang lalaking nakaputi at nagpakilalang doktor.

"Yes, you're pregnant," ulit niya sa nilahad niyang balita kanina. "Congratulations."

Buntis ako? Nakailang kurap ako pero hindi pa rin gaanong maabsorb ng utak ko ang narinig ko.

"You're lucky dahil hindi ka napuruhan nang mabunggo ka ng sasakyan. Hindi malala ang nangyari dahil mabagal lang naman ang andar ng kotse. May guardian angel ka, hija.

"Fully paid na ang bill mo, hija. Maswerte ka at mabait ang driver na nakabunggo sa 'yo. Sinagot niya lahat ng gasto mo rito sa ospital, kahit pa ayon sa CCTV ay ikaw ang basta tumawid."

Tumango-tango ako. May edad na ang doktor ay napansin ko na may pagka-istrikto siya. Sabagay, kahit sino naman ay maiinis sa akin dahil sa katangahan ko.

Ngumiti ang doktor at hinawakan ang aking balikat. "You'll be fine. Kinontak na raw ang asawa mo."

"Ho?"

"Ang nurse na ang bahala sa 'yo, hija. Magpagaling ka while waiting for your husband. Pakaingatan mo ang iyong sarili sa susunod." Lumabas na ng pinto ang doktor.

Napahawak ako sa aking impis na sikmura makalipas ang ilang minutong pagtulala. Nakapag-isip-isip ako, naliwanagan. Napangiti ako pagkatapos at saka napatili.

"Aki, magiging kuya ka na!" Walang pagsidlan ang tuwa ko.

Mag-iingat na ako simula ngayon. Kakain na ako kahit wala akong gana. Matutulog na ako kahit hindi ako inaantok.

Aalagaan ko ito. Mamahalin ko ito. Mamahalin ko ang bago kong baby dahil bigay ito ni God. Bigay ito ni Aki. Bunga ito ng pagmamahalan namin ni Alamid.

"Good morning, Ma'am." Pumasok ang isang nurse na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast muna po."

Umaga na pala? Napalingon ako sa bintana sa gilid. Hindi iyon nakabukas dahil naka-A/C ang kuwarto. Pero masisinag ang liwanag mula sa kulay puting kurtina. Kung gaanon ay kagabi pa pala ako tulog. Maigi iyon at ibig sabihin, nakapagpahinga ako.

Inilapag ng nurse ang tray ng pagkain sa gilid ng hospital bed. "Thank you, nurse..."

"Welcome po. Later po pwede na po kayong lumabas, as per Doctor Jacinto. Fully paid na rin po ang bill niyo pati ang ilang gamot na iuuwi niyo. Mga ilang vitamins lang po iyon for the baby."

"Thanks." Nagutom ako ng maamoy ko ang pagkain sa tray. "Siya nga pala, ang sabi ni Dr. Jacinto ay tinawagan niyo ang asawa ko?"

Malamang na si Alamid ang tinutukoy nilang asawa ko since number niya ang nasa favorite list sa aking contacts. Plus pa na nakasaved na may "My Love" ang name niya ron. At kung binasa nila ang inbox ko, malamang na si Alamid nga ang asawang tinawagan nila.

"Ah, yes po. We tried calling your husband since last night, but until now, hindi pa po siya sumasagot. We even sent him a message and a voice mail, pero wala pa rin po e."

Nanlumo ako.

"Pasensiya na po, Maam. Baka busy lang po ang husband niyo. Sige po, iwan ko na po muna kayo."

Bigla akong nawalan ng ganang kumain.

Nang makaalis ang nurse ay hinanap ko ang cell phone ko. I found it on the bedside table. Kinuha ko iyon at tinawagan si Alamid. Nagriring pero hindi sinasagot.

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon