Kinabukasan, napahikab ako sa daan habang papunta sa klase ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakalaro sa phone matapos ko gumawa ng assignment, at sa totoo lang din ay di ko maintindihan yung ginawa ni Clevor kahapon.
Napatigil ako sa paglalakad; "Now, hindi na maitutuloy ni Astrid yung plano nya." Bakit kasi lahat na lang yata ng problema dinadaan niya sa pisikalan! Tss.
Nang makarating ako sa room ay hindi pa nakapwesto ang lahat, "Classmates dadating na si Ma'am Bonifacio, please take all your seats now." Even though invisible girl ako dito sa classroom unless I'm acting as the Class Representative, sinusunod talaga nila ko. But today it seemed different. No one is listening to me.
"Classmates..."
Dumating na si Ma'am Bonifacio sa room kaya nagsipag-ayos na silang lahat. I wonder why...
"Hm, Levy good morning." Pagbati ko kay Levy pero pinilit nyang umiwas sa tingin ko sa kanya. Nakita kong ngumiti si Abbie sa kanya at may pagtapik pa sa braso nya.
After ng klase ni Ma'am Bonifacio ay lumapit ako kay Levy while the other two left for the rest room. Nginitian ko sya she's still giving me the cold shoulder.
"Hello, Levy, galit ka ba?" I directly said.
"Why would I be?" Sagot nya.
"That's exactly my point, why? Please if anything's wrong talk to me so I'd understand. Mahirap magpaka-class representative if there's someone in the class na hindi ko kasundo." I said and left nang makitang nakabalik na sila Abbie at Layla. They hurried to Levy.
This time ako naman ang pumunta sa rest room. Tiningnan ko lang ang sarili ko for 5 minutes. I don't recall anything na magpapasama ng loob nya sakin.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Astrid na nakasandal sa pader katabi ng pinto ng girl's rest room, tipikal na nagiintay; nang makita nya ako ay lumapit sya agad sa akin.
"Sachi!" -Nakangiting bati nya.
"Bakit Astrid?"
Napakamot sya ng ulo bago magsalita; "I heard what happened yesterday."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya sa sinabi nya; mukhang naramdaman nya ang pagkailang ko kaya nagsimula ulit syang magsalita.
"I think we owe you an apology. Sorry for getting you in this mess, and.... Nasaktan ka ba?" Tanong nya.
Nakatitig sya sakin, at nang tiningnan ko sya sa mata ay para akong matutunaw. "Okay lang ako." Matigas kong sagot at nilagpasan sya, pero hinabol nya ako kaya sabay kaming naglalakad ngayon.
"I don't think masusunod pa natin yung plano since... well naunahan na naman tayo ni Clevor." Sabi pa nya. Napairap tuloy ako sa kawalan.
"Kung nakita nyo lang yung itsura ni Harvey kahapon. Ako yung nag-guilty dahil sa nangyare!" Hinarap ko sya ng sabihin ko yon, mukha syang nagulat nang mapalakas ang boses ko. "Kung bakit naman kasi ganon kainit ang ulo nya at sinaktan nya si Harvey ng ganun-ganon lang para sa paghihintay nya for a mere 1 hour?" Naibulalas ko. Nakapameywang pa ako ng sabihin ko iyon. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Napakamot na naman sya sa ulo; "Sachi, hindi gagawin ni Clevor yon kung dahil lang sa paghihintay nya. He may have said things na aakalain mong totoo but mabilis mag move on sa mga ganong bagay si Clevor."
"Then why the hell did he punch him?" Mas napalakas ang boses ko.
"Bakit nga ba?" Isang tanong ang sinagot sakin ni Astrid bago sya tuluyang umalis, may nakakalokong ngiti sa labi nya. Hindi ko namalayan na iilang hakbang na lang pala ay nasa room na ko.
Maybe he's come to save me?
Napailing ako sa thought na iyon, definitely not.
---
Dumiretso ako ng library matapos kong mag-lunch. Pinapag self-study kami ng professor namin. Dun ako pumwesto sa favourite spot ko, sa bandang likod sa may corner, iyong kakaunti lang ang tao. Kinuha ko ang laptop ko at nagsimulang mag trial edit sa photoshop para sa project na ipapasa next month. I'm currently at my first semester, of my third year here at WCU; I'm taking Multimedia Arts.
It's been my hobby to do art since I was a kid. I was too infused by my project na hindi ko napansin yung taong tumabi sakin until magsalita sya.
"Who would've thought na Multimedia Arts ang kinuha mo? You're the type that usually's in Literature."
"Wala sa itsura yon Bakugo." Natawa ako sa sinabi ko. May hawak din syang laptop at kagaya ko, mukhang gumagawa din ng project.
"Aren't you going to ask where Clevor is?" -Bakugo
"Ha? Anong pakialam ko sa taong yon?" I plainly replied. Napa-buntong hininga sya sa sagot ko at di na ulit nagsalita.
Matapos ang isang oras ay nagpaalam na ako kay Bakugo at umuwi na bahay. Pagkahigang-pagkahiga ko sa kama ay naramdaman ko ang pagod ng katawan ko, ilang segundo lang ay nakatulog din ako.
---
Astrid
"Pres, I think kailangan na talaga natin humanap ng secretary, hindi natin kakayanin lahat ng upcoming events ng walang tatayong secretary." Mag pag-aalalang sabi sa akin ni Sunny ang Vice President ng Student Council.
"That's why I've called you here." Sagot ko sa kanila. Isa-isang nagsi-upo ang miyembro ng Student Council.
"Kailangan ba nating idaan sa same process as how we were elected or should we do an informal arrangement?" -Georgia, Treasurer
"Depending how many will apply for it, but I already have someone in my mind to fill the space." Sagot ko. Napatingin silang lahat sa akin.
"Who?" -Lucy, External Relations Officer
"Sachiro Levy, from Multimedia Arts. You know her since she's currently at first tier, top 4."
BINABASA MO ANG
The Trouble of Hellos
RomanceThere's a thing you should know before saying helloㅡ the trouble of hellos are good byes. Sachiro is the type of girl you'll see in the library; Clevor is the type of headline boy at the school newspaperㅡ one stupid mistake and their fate collided...