Unang kita ko palang sa bago kong daddy ay alam ko na agad na gusto ko siya. Kahit napakabata niya para sa mama ko, ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay magkakaroon na ako ng buong pamilya. Makakasama ko na sa wakas si Mama, 'tapos magkakaroon pa ako ng daddy.


Ang mga titig ni Lolo Isko ay naging malamlam. Tila may malalim na ipinaparating ngunit kung ano man iyon ay masyado pa siguro akong bata para aking maintindihan.


"Masaya ako na masaya ka, apo." Ginulo ni Lolo Isko ang buhok ko. "Mapapanatag na ako na iwan kayo ng mama mo dahil alam kong nasa mabuti na kayong kalagayan. At alam ko na pati ang ating kompanya ay nasa mabuti ng mga kamay."



KASALUKUYAN. TATLONG TAONG NAGDAAN...


"ANONG ITINATANGA-TANGA MO DIYAN?!"


Napakurap ako habang nakatingin sa maputlang babae na nakahiga sa gitna ng malaking kama. Payat na payat siya at nangangalumata. Pero kahit ganoon ay matalas pa ring manalita. Nakakasugat pa rin ng puso ang mga sinasabi niya.


Tatlong taon na mula nang mamatay si Lolo Isko, at maiwan ako rito sa bahay namin sa Davao. At isang taon ang nakalipas nang umuwi bigla si Mama dahil may malubha na pala siyang karamdaman.


"Get out, Frantiska!" sigaw niya sa akin. "I don't need you here!"


Napayuko ako sa kalamigan ng boses niya. Kung kausapin niya ako ay parang hindi niya ako kaanu-ano. Kung tratuhin niya ako ay parang hindi ako bata na dose anyos lang ang edad. Minsan tuloy pakiramdam ko ay hindi na nga ako bata. Siguro dahil na rin sa ganitong ugali niya sa akin kaya unti-unti kong naunawaan ang mga bagay-bagay.


"I pity you, Fran," matamlay na sabi niya. "You're only twelve, pero heto at mauulila ka na. You don't know your real dad and your mom is dying. Kanino ka maiiwan?"


Saan nga ba ako pupulutin? Wala na sina Lolo at Lola, at mawawala na rin si Mama. Paano na ako? Pero importante ba ako? Hindi naman.


"Sa tingin mo ba kukupkupin ka pa ng asawa ko kapag wala na ako?" Umismid ang namumuti niyang mga labi. "That bastard is a heartless creature! Wala siyang pakialam sa akin, sa 'yo pa kaya na hindi niya naman anak?"


Nine years old ako nang ikasal si Mama sa lalaking iyon na ten years lang ang tanda sa akin. Pumayag lang sa kasal si Mama dahil inakala niya na porket batang lalaki ang magiging asawa niya ay makakaya niya itong paikutin at kontrolin, pero pinagsisihan niya ang kanyang desisyon nang makilala niya na ang tunay nitong katauhan. Isa itong tuso na mahirap lamangan.


Matapos mismo ang kasal ay umalis si Mama para sumama sa ibang lalaki. Matapos din ang kasal ay umalis din ang batang asawa niya na parang walang nangyari. Nagkanya-kanya sila.


Hindi naman talaga prinsipe ang batang napangasawa ni Mama, kundi isang taong bato na walang emosyon at pakiramdam. Tanging mukha lamang nito ang maamo, pero ang buo nitong pagkatao ay malamig pa sa yelo. 


Bata pa ako pero ngayon ay naiintindihan ko na. Masyadong bata ang lalaking iyon kay Mama. Sa papel lang talaga sila mag-asawa. Dahil lang sa kasunduan. Dahil lang sa pera.

Obey HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon