Kabanata 21- Mall
Ella's POV
"Wag kayong hihiwalay sakin. Baka mawala kayo" sabi ko sa kanila pagkapasok namin ng mall.
"Wooww! Ang laki pala dito Mama. Tsaka ang lamig!" Sabi ni Mark habang manghang mangha.
Natawa nalang ako at napailing iling.
"A-Ano 'to binibini? Gumagalaw na hagdan?" Tanong ni Marcus nang pumunta ako sa may escalator.
"Oo, timingan este tiyempuhan mo lang yung pagtapak tapos humawak ka dito sa hawakan. Dito sa kanan yung tatayo ka lang tapos dito sa kaliwa yung mismong maglalakad ka paakyat kapag nagmamadali ka" sabi ko sa kanya at dinemo pa.
Nagawa niya naman sumakay sa escalator tulad ng turo ko kaya napangiti ako. Hindi naman siya mahirap turuan. Fast learner yung gago. Medyo tense pa nga lang siya sa pagtapak at pagalis sa escalator. Pero not bad for a first timer! Haha.
"Ngunit binibini, bakit may mga ibang tao na nasa kaliwa ngunit nakatayo lamang. Hindi ba dapat nasa kanan din sila?" Nagtatakang tanong ni Marcus habang nakatingin parin sa escalator kahit nasa second floor na kami.
"May mga ibang Pilipino talaga na hindi marunong sumunod sa simpleng panuntunan" sagot ko nalang at pumasok sa isang regatta store.
Hmm, trip ko yung mga polo shirts dito. Maraming bagay kay Marcus. Well, di naman kasi siya mahirap idress up kasi I admit na maganda talaga yung pangangatawan niya.
Limang large polo shirts yung mga binili ko. Fit lang sa kanya at bakat talaga ang biceps! Mas bagay sa kanya yung polo shirts instead of tshirts lang. Bumili rin ako ng dalawang tokong for him. Yung hanggang tuhod lang. Ayaw niya pa nga nung una, pinilit ko lang. Bakit daw ang iksi! Hahaha! Di ko alam na may pagkaconservative pala siya sa sarili niya.
"Binibini, bakit mga kulang sa tela ang mga damit ng mga babae? Kung hindi naman ay sira ang kanilang pantalon. Anong nangyari sa mga damit nila? Ganoon ba ang mga suot ngayon ng mga mahihirap?" Nagtataka pang tanong ni Marcus kanina habang naglilibot kami.
Buti pala hindi conservative type 'tong sinuot ko. Nakasimpleng highwaist black pants lang kasi ako tsaka hanging shirt.
Teka dapat alam na niya. Nakashorts lang kaya ako nung nakapunta ako sa panahon niya!
"Ngunit nakaganoon ka rin noong una kitang nakita. Hindi ka naman mukhang mahirap ngayon" pagkontra niya at parang nagiisip ng malalim. Omaygash Marcus!
"Ganyan ang uso ngayon! Hindi na baro't saya. Hindi na makabasag pinggan ang mga babae ngayon kaya ganyan. Kakaunti nalang ata sa universe ngayon yung hindi nagsusuot ng kita legs o sleeveless! Kaya wag ka na magtaka, mapamayaman or hindi ganyan manuot" Sagot ko. Halata namang nagulat siya.
Pumasok ako sa H&M. Shet gusto ko rin magshopping! Binilhan ko na rin ng mga damit si Mark kasi mga kids area naman. Binilhan ko siya ng tshirts, polo shirts at polo. Pati na rin mga pantalon at tokong. Tuwang tuwa pa siya kasi ang dami raw. Pati si Marcus. Binilhan ko ng mga tshirts, polo at jacket. Pati na rin pants. May sweatpants pa nga! Haha.
Nagsukat naman ako ng isang halter na denim dress. Fit sakin kaya mas nadefine yung shape ko. Light denim yung kulay niya at above the knee. Pinartneran ko rin ng isang black bomber jacket.
Lumabas naman ako ng fitting room para ipakita kay Mark. Nagsusukat din kasi si Mark at Marcus sa kabilang fitting room katulad ko.
Shet ang cute nila!
Nakablackpants si Mark with matching white shirt at light denim jacket na may hoodie pa. Tapos si Marcus, nakablackpants rin na may rip part pa sa tuhod habang nakawhiteshirt at simpleng light denim jacket.
BINABASA MO ANG
The Gap Between Us
Historical FictionLumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hindi na maibabalik, ngunit nagbabakasakaling maulit muli. Naulit muli, nakita kang muli, ngunit iba n...