Nagsimula sa paghawak ng papel hanggang sa dumating ang puntong ikaw na pala.
Tinawag ka na pala ngunit hindi pwede dahil natatakot ka.
Hindi maaari dahil alam mong duwag ka.
Hindi mo kaya, kasi nasanay kang palaging hindi mo kaya.
Report na naman?
Tila ba walang katapusan.
Ngunit sa pagkakataong ito
Kaibigan, ikaw naman ang taya.
Nag-iisa at walang kasama,
Walang pwedeng sandalan
Dahil ang akala mong matibay na pader ay unti-unti na pa lang natitibag.
Kailangang magsumikap?
O matakot na muli.
Maraming iba o bakit nga ba?
Bakit sa dami nila ay ikaw pa?Siguro dahil para mawala ang takot na nakatanim sa puso
Para tumapang ang maamong tuta,
Para matuto ang walang alam.
Para sumaya ang akalang talunan.
Lahat kailangang pagdaanan
Dahil kung mananatili kang nakapirmi sa comfort zone mo.
Hindi ka sasaya,
Hindi matututo
At lalong hindi mo malalaman ang tunay na kahulugan nitong mundo.
Maiiwan ka sa ikot ng mundo.
Mananatili kang hilo, at nangangapa sa kadiliman kahit nasa harap mo na ang liwanag na pinupuntahan ng karamihan.
BINABASA MO ANG
Voice It Out
PoetryMga tulang hindi batid kung saan nanggaling, Siguro sa malumot na utak ng may akda. Mga tulang hinugutan kung saan-saan. Mga tulang mabibighani ka kaya? Well let's see! (COMPLETED)