Kabanata 25

57.1K 2.4K 586
                                    

Rage and Pain

"Really?" Mahinahon na tanong ni Makheus. Solana nodded and smiled sweetly at him. Titig na titig ang bata na tila namamangha sa kaniyang mata. Puno ito ng kainosentehan.

"Si Dada lang ang may silver eyes na kilala ko!" Solana said. Tinaas nito ang maliliit na kamay na tila nagpapakarga. Agad naman tumalima si Master at binuhat ang bata.

"Sayo 'to?" tanong ko sa kaniya. Matagal niya akong tinitigan bago dahan-dahan na tumango. Nilibot ko muli ang tingin bago siya sinulyapan. Si Solana ay nakayakap sa kaniyang leeg at tinititigan nang maigi ang kaniyang mata. Maya-maya ay humilig ito sa kaniyang dibdib.

"I miss my Dada," she whispered.

Naagaw ni Solemn ang atensyon ko. She's quietly staring at Makheus and Solana. She looks sad and in the verge of crying. Agad ko siyang nilapitan nang nagtatakha. Hinaplos ko ang kaniyang mukha. The side of her lips were tugged downward. Bigla siyang yumakap sa akin nang mahigpit at sumubsob sa aking katawan. Nanginig ang kaniyang katawan dahil sa pag-iyak.

"Shhh, why are you crying, mahal ko?" I whispered as I caress her back. Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"I-I m-miss my family," humihikbi niyang bulong. Tila piniga ang puso ko nang marinig ang puno ng sakit niyang tinig. Paulit-ulit kong hinalikan ang kaniyang noo bago tuluyan na kinarga.

Nahagip ng aking paningin si Simon at Morphy na tila naguguluhan sa pangyayari. I smiled at them to reassure that everything is fine. Mukhang nag-aalala sila kay Solemn.

"What's the problem?" Nabigla ako nang bahagya, nang marinig ang boses ni Master na nasa tabi ko na. Solana seems worried about her sister habang karga siya ni Makheus.

"She misses her family," sagot ko. Solana pouted and touched her sister's back.

"Ate, 'wag na cry. Look at Mashter na lang, he have the same eyes with our Dada!" Solana tried to cheered her sister. Ngunit mas lalong umiyak ang kaniyang ate, dahilan para manlaki ang kaniyang mata.

"Solana, kay ate Azriella ka muna. Let me carry your sister," Master gently said. Solana nodded then raised her hands. Kinuha sa akin ni Master si Solemn bago maingat na ibinigay sa akin si Solana. Mahigpit na yumakap ang bata kay Makheus at sumubsob sa kaniyang leeg. Dahan-dahan naman na hinaplos ni Master ang likod ni Solemn.

"Sana mag-stop na sa pag-cry si ate Solemn ko," bulong ni Solana. Napatingin ako sa kaniya. Malambing siyang humilig sa aking dibdib at sinipsip ang kaniyang hinlalaki. She's really a baby.

"Titigil na rin siya maya-maya. Papatahanin siya ni Master," malambing kong bulong sa kaniya. Tumitig sa akin ang bilugan niyang mata habang patuloy na sinisipsip ang hinlalaki.

"Bati na kaya ni ate si Mashter? At bati rin kaya ni Mashter si ate ko?" she curiously asked. Nginitian ko siya at tinanggal ang daliri sa kaniyang bibig. Ngunit binalik niya 'yon.

"Baka dirty ang fingers mo," bulong ko.

"Timpla mo po 'ko ditash."

Kumunot ang noo ko.

"Ditash?" I asked. She nodded and suck her thumb.

"Painom mo 'yon sa akin lagi. Sa amin ni ate Solemn. Kaso sa akin nasa feeding bottle kasi love ko 'yon. Dede po, Momma."

Kumunot ang noo ko, hindi siya maintindihan. Ngunit inintindi ko na lamang nang makita na pumipikit-pikit na siya at tila inaantok. Isa 'yon sa katangian niya na napapansin ko. Antukin siya. At mukhang napagkamalan niya akong si Momma niya. Maybe they really miss their Mom. Nakalulungkot na napalayo sila sa kaniya, tulad sa akin.

Beauty and the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon