DIAMONDIsang linggo na ang naka-lipas simula no'ng nangyari ang mga pangyayaring 'yon, at isang buwan na rin akong narito. Hindi pa rin namin nai-re-resolba 'yong mga crime case nila sir Arnold at ng kapatid ni Dos, at mas lalo ring dumami ang namamatay. Halos lahat, specials. Habang marami namang gangsters ang namamatay rin dahil sa pag-labag sa mga batas. Habang tumatagal, mas kumokonti kami, pero 'yong dami ng gangsters, hindi maubos-ubos. Tila parami pa sila ng parami, kada lipas ng araw.
Napa-iling na lamang ako't napa-buntong hininga bago tuluyang lumabas sa gold building. Dalawang buwan na lang rin at magaganap na ang killing fest. Hindi ko alam kung makaka-survive pa ba ako roon dahil na rin sa mahina ako. Training agent ako't marami na akong napatay, ngunit hindi ko alam kung kaya ko.
Wala rin naman akong kaibigan rito. Wala akong mahihingan ng tulong. Walang saklolong dadating kapag nasa matindi akong kapamahakan.
Hays! Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Para namang mapapahamak ako. Pero hindi naman kase imposible. Marami nang namatay na mga specials, kahit mayroon silang mga abilidad na hindi kayang gawin ng iilang tao sa mundo, dahil sa hina ng utak nila. Hindi sa sinabi kong bobo sila. I mean, mahina ang utak nila. Hindi nila kakayanin. Masyadong sasakit ang ulo nila, dahil sa pagka-trigger na maaaring maging sanhi ng pagka-baliw nila, o pag-sabog ng utak nila.
Mayamaya lang ay nakarating na ako sa center building kaya agad na rin akong pumasok at saka mabilis na nag-lakad sa hallway patungo sa hagdan. Marami nang gumagamit ng hagdan ngayon, hindi katulad dati.
Habang naglalakad ako paakyat ay diretso lamang akong naka-tingin sa harapan, ngunit bigla akong napa-tigil dahil sa narinig ko.
"Posted na raw sa bulletin board 'yong naka-pasok sa top 100!" mahinang pa-sigaw na sambit no'ng babaeng nasa may gilid ko sa kasama niya.
Posted na? Kailang ko 'yong ma-tignan! Ngunit siguro ay mamaya na lang dahil malapit na ring tumunog ang bell.
Nang makarating na ako sa harapan ng classroom ko ay agad na rin akong pumasok at saka nakita ang mga kaklase kong busy sa kanya-kanyang gawain.
Agad akong nag-tungo sa upuan ko kasabay ng pag-tunog ng bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Sa Chemistry class nga pala'y pinalitan na 'yong teacher namin ro'n.
Mayamaya lamg ay pumasok ang isang babaeng mayroong kulay itim na ID classification. A student from black section. Anong ginahawa niya rito? At saka, isa rin siyang special.
"Magandang araw sa lahat. Narito ako dahil inutusan ako ni miss Cassandra na i-anunsyo ang mga naka-pasok sa top 100 na narito sa inyong klase. Ang mga matatawag na pangalan, tumayo kayo," tumigil muna siya sandali, at saka kami isa-isang tinitigan, bago ito tumango't nag-simula. "Top 19. Diamond class, section A. Silver," unang tawag niya. Agad namang tumayo si Silver at blanko ang mukhang nag-tungo sa harapan, habang tahimik lamang 'yong mga kaklase ko.
"Top 56. Diamond class, section C. Strike," kasabay ng pag-sabi niya no'n ay ang pag-tayo ng isang lalaking mayroong mga bling-bling sa leeg, at saka pulang panyo sa ulo. At higit sa lahat, walang suot na bracelet.
"At ang pang huli. Top 9. Our first solo gangster, miss Red," agad namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at saka ako dahan-dahang napa-tayo, habang 'yong mga kasama ko naman rito sa classroom ay na-tahimik at saka taimtim lang na naka-tingin sa akin na para bang ino-obserbahan ang mga kilos ko.
BINABASA MO ANG
Codename Red
Mystery / Thriller[C O M P L E T E D] She loved mysteries so much, that she became one. Codename Red: The battle between gangsters and specials. LANGUAGE: FILIPINO